CHAPTER 6-- One Sweet Gesture

65 2 0
                                    

Hi guys! Ayan, update na ulit after 258913746 years! Check niyo po ito dahil kumpleto na!

-Mai :)

***

(Nadine’s P.O.V.)

It's been a week since nagstart kami ni ate Mika ng irregular class. Minsan nga magkaklase pa kami eh.

And also, hindi na rin kami nagkita ni Nathan after nung nangyari. Ewan ko. Siguro busy na siya. O baka naman nakalimutan niya na ko? Chos lang!

"Nadineee!" sigaw sakin ni ate Jane.

"Huh?" tanong ko.

“Sino na namang iniisip mo jan at tulala ka?” tanong ni ate Mika.

“Ha? Sino? Ah. Hindi. Wala lang yun,” pagpapalusot ko.

“Anong wala ka jan? Eh nakatatlong ikot na kaya tayong pabalik balik dito sa second floor!” sigaw ni ate Jane.

"Talaga?" tanong ko.

"Oo nga Nads," sabi ni ate Mika.

"Weh?" tanong ko na naman.

“Tingnan mo tong babaeng to! Sabihin mo pang di ka spaced out niyan?” galit na sabi ni ate Jane.

“Ay the sorry naman diba! Pwede mag-sorry?” sabat ko naman sa kanya.

“Oh tama na yan, mag-aaway na naman kayo eh!” pag-aawat ni ate Mika samin. Ay nako, angel talaga ang bruha!

Pumunta na kami nina ate sa way papunta sa 3rd floor, pero napansin kong medyo maraming tao.

“Ate Jane, bakit ang daming tao?” tanong ko kay ate.

“Hmm? Oo nga noh? Di ko alam kung bakit eh,” sagot ni ate Jane.

Papaakyat  na kami ng biglang…

“Ayie!” narinig kong hiyaw ng mga tao.

May yumakap kasi sakin nang di ko inaaasahan.

Napatingin ako sa dalawa kong ate.

Ganito mga isura nila:

Ate Jane - ^_^v

Ate Mika - ^_^

Sino ba tong lalaking to at ang kapal ng mukha?!

“Hoy lalaking hindi ko naman kilala, wag mo nga akong yakapin! Sino ka ba?!” sigaw ko habang kumakalas sa yakap niya.

"I missed your voice," sabi nung guy habang yakap yakap parin ako.

"Anong ‘missed your voice’ pinagsasasabi mo jan? Huy kuya magtigil ka nga at di kita kilala! Kadiri ka!" sigaw ko habang patuloy na kumakawala sa pagkakayakap niya.

"Trust me Nadelyne. Kilala mo ako," sabi nung guy.

"Hindi nga kita kilala ano ba?! Tama na nga yan! Ang dami nang nakatingin satin oh!" napansin ko kasing marami na pala ang nakikiusyoso.

Tinanggal niya yung pagkakayakap niya at humarap siya sakin habang nakangiti ng nakakalusaw.

Ay nako kuya! Wag ka namang ganyan please! Nagiging babae na naman ako eh >.<

“Hello! Kuya! Ano to?! May balak ka bang sumali sa isang beauty pageant at nakangiti ka ng wagas?! Excuse me po! May kasalanan ka pa sakin!” sinigaw ko yung dapat kong sabihin. Nakakainis naman kasi eh! Yayakap yakap siya ng walang paalam!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 25, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Moving On... (Ongoing Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon