Chapter 2

18 2 0
                                    

-2-
SPRING POV

Badtrip! Eto yung ayaw ko sa unang araw ko e. Ang mapaaway.

Lalo pa’tong si Amethyst e. Usong mag-move on. Hampas ko sa kanya kaliwa’t kanan nyang salitang move on nabyan nang matauhan sya.

Napahalumbaba nalang ako at napaisip kung anong gagawin ko ngayong araw.

Hayyyyy—may nag lapag ng papel sa desk ko kaya napatingin ako sa nagbigay—yung katabi ko.

May quiz kasi tayo. Di ka naman umimik nung sinabi ni maam yun. Kaya binigyan nalang kita ng papel. “ mahabang paliwanag nya.

Ang bilis naman ata ni maam mag discuss? Hindi ko na sya sinagot. Nilagyan ko na agad ng pangalan yung papel na binigay niya. Buti nalang may dala akong ballpen.
Mabilis natapos yung quiz. 1-10 lang naman kasi. Yabang diba.

That’s for today. Class dismissed!” pagkasabi ni maam nun. Lumabas na  ako sa back door.

Nakakairita kasi kung mag i-stay ako sa classroom baka kung ano pa magawa ko sa kanila.

Dumiretsyo agad ako sa cafeteria malamang para kumain. Malaki rin ang pinagbago nitong cafeteria, lalo tuloy akong namangha. Bumili agad ako ng isang slice ng chocolate cake at cola. Pampabawas ng stress.

Humanap agad ako ng pupwestuhan ko para kumain. Malamang.

Hindi pa nangangalahati yung kinakain ko, may epal na umentrada.

Tabi!” sabi nung epal.
Syempre. . .







Hindi ko sya pinansin kasi nga kumakain ako.

Bingi ka ba? Sabi ko umalis ka sa pwesto namin!” galit na sabi nya.

Teka. Ang sabi nya nung una ay ‘Tabi’ hindi ‘Alis’. Timang ata ‘to e.

Ano ba!” galit na sabi nya nya at hinagis nya yung pagkain ko.

Tinignan ko naman kung sinong halimaw ang gumawa no’n.

Bakit mo hinagis?” kalmang tanong ko sakanya. Ngumiti naman syang parang asong ulol.

Bingi ka kasi. Pinapaalis na nga diba? Di mo ba narinig ‘yon? Pwesto namin namin ‘yang inuupuan mo.” Sabi nya. Naiirita ako sakanya.

"Bakit mo nga inihagis?" Ulit ko.

"Kasi nga bingi ka! Intindi mo?!" Sigaw nya sa pagmumukha ko.

Tinitigan ko lang sya.

"Ano tutunganga ka na lang jan? Sabi ko ALIS!!" Sigaw nya.
Hindi ko namalayan na madami na palang nakapalibot saamin. Napaka-eskandaloso nitong lalaking ‘to.

E wala namang pangalan mo pati ng mga barkada mo ang pwestong ‘to. Paano mo naabing sayo ‘to?” tanong ko sa kanya.

Kahit walang pangalan namin ‘yan. Sa amin parin yan. Kuha mo?!” sigaw nya sa mukha ko. “Kaya matuto kang lumugar at rumespeto kung sino ang mas nakakaangat sayo. Di hamak na baguhan ka lang pala dito kaya wala kang alam.” Dugtong nya pa.

Nasampolan tuloy sya ni Prince Winter

Buti nga sakanya. Kabago-bago lang, hindi alam lumugar.

Hah! Si Spring papatalo? Hahahah

Kung dati nag rereyna-reynahan sya dito. Hindi na nya magagawa y'on.

Ahh. So, ipinapamukha ng isang ‘to na sya ang batas dito. Tsk. Tsk! Ganito na pala dito.

Ngumiti ako sakanya nya ng pagkatamis tamis. Yun bang magkaka-diabetes sya sa sobrang tamis ng ngiti ‘ko. Kinuha ko yung cola ko na konti lang ang bawas. Lahat sila nakamasid sa gagawin ko. Hah! Mga timang.

Uminom muna ako ng konti atsaka inihagis sa mukha –nyang kanina pa ako  naiinis—yung laman. Bwisit nang araw ko.

Nang makahanap ako ng tsempo, sinapak ko sya. Oo, sinapak ko yung mayabang na yan.

Gulat naman ang rumihistro sa mukha ng mga taong nanunuod saamin. Asa naman silang papatalo ako sa isang ‘to.

Wag kang umasang susunod ako sa batas mo. Tandaan mo yan, Fuyu.” Sabi ko sakanya bago ako--

"What is happening here?!"

Shit! Bakit ngayon pa!
***
Short update mg beshiii~

-GhostLu

She is Just an Ordinary GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon