Chapter 4.1

13 2 0
                                    

-4.1-

Spring POV


Maaga akong gumising para maghanda pumasok. Ayoko naman magpagising sa kahit na sino dito sa bahay. Kailangan ko nang matututo ng sarili ko lang na wala akong inaabala na kung sino.


Pagkatapos kong mag-ayos, tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Wala paring pinagbago. Ako parin 'to kung ano ako dati.

Kung inaakala nyong magsusuot ako ng nakakadiring palda. Pwes nagkakamali kayo. Naka-ripped jeans ako na black, black sneakers and black t-shirt. Pinatong ko lang yung blouse kong uniform pero di na ako nag-abalang ibutones yon. Hinayaan ko lang nakabukas tutal may t-shirt naman akong suot.

Pagkababa ko, nadatnan ko si lola na kumakain ng agahan.

"Morning la." Bati ko at nagmanosa kanya at umupo na kaharap nya.

Napakahaba ng lamesa para sa aming dalawa pero sanay na ko duon. Ayaw naman kasi nila kaming sabayan sa pagkain. Yung mga kasama namin sa bahay (kasambahay).

"Late ka ata ng uwi kahapon." Untag ni lola kaya natigilan ako sa pagkain. "Hmm. Gumala pa po kasi ako kahapon kaya ganon." Pagsisinungaling ko. Actually nakatulog ako ng napakahaba sa detention room tapos wala man lang nanggising sakin. Bwisit sila.

"Ganun ba? Sa susunod magpaalam ka kung saan ka pupunta para hindi kami nagaalala sayo." Pangaral nya sakin.

"Opo la." Sagot ko at itinuloy ang pagkain.

"Anyway, how is your first day yesterday?" Tanong sakin ni lola na ikinitigil ko ng bongga. Fck!

"H-hmm. It's fine. I think so." Kabadong sagot ko. Nabigla akong tumigil si lola ng pagkain at tumingin saikin na nagdududa.

"You think so? May ginawa ka na naman bang kalokohan, ha Spring?" This is bad. Naknang tokwa. Bakit ko ba nasabing 'I think so'?

Napangiti na lang ako ng alinlangan.

"Bye la!" Paalam ko atsaka kumaripas palabas dala ang bag, cap at ang skate board ko. Narinig ko pang tinawag ako nung driver namin pero di na 'ko lumingon.

-

Bago ako pumasok sa school, dumaan muna ako sa isang tindahan malapit duon para bumili ng choc-o. Alam nyo ba yun? Yung chocolate drink? Kung hindi, bili kayo ng malaman nyo. Hahaha


Nangmakapasok ako sa school lahat ng tao nakatingin sakin. Ano ako center of attraction? Tsk!

Nag-skate nalang ako at hindi na pinansin ang mga tao na nakatingin sakin. Atsaka kung itatanong nyo kung paano ko napasok yung skate board ko. Syempre close kami ni manong guard. Sya parin yung guard dito nung simula akong umalis sa paaralang 'to. Pwede na syang bigyan ng award. Loyalty award.

Nang makaakyat ako sa building namin. Nakasalubong ko yung isang kaklase ko-- Kilala ko na sila sa mukha pero sa pangalan, di ko na aalahanin pa. Hindi naman sila importante-- Nagulat sya nang makita nya ako at biglang tumakbo pabalik sa klasrum namin.

Anyare du'n?

Pagkadating ko sa tapat ng klasrum namin sinuri ko itong mabuti. May nasesense kasi akong hindi maganda kung papasok ako agad sa klasrum.

Aha!

Tsk! Tsk! Tsk! Mga wala paring pinagbabago. Simula nung umalis ako hanggang bumalik ako dito ganuon parin ang trip nila. Trip nila sa buhay ay ang buhusan ng maduming tubig galing sa fountain sa harap ng building na 'to.

Oo tama kayo ng nababasa. Ganyan ang unang gagawin nya sa taong ayaw nyang magtagal pa sa paaralang ito dahil trip nya lang. Tapos kapag hindi pa umalis ay pahihirapan nya ng todo at sakin isisisi kapag nagkahulihan na. Tsk! Tsk! Tsk! Wala ka paring pinagbabago. Kung gaano kabaho ang ugali mo dati mas bumaho na ngayon.

Hindi muna ako pumasok sa loob at hinintay ko nalang ang una naming guro ngayong araw.

Inilabas ko yung cellphone ko at pinagdiskitahan yung halaman sa railings. Pinipikturan ko. Eto kasi yung hilig ko kapag wala akong ginagawa. More on sa environments kasi nakakarelax tigan yung nature.

"What are you doing here outside, Ms. Sanchez?" Nagulat naman akong napatingin sa kanya--este sakanila.

"Hmm? Nagpipicture?" Sagot ko na patanong. Napangisi naman yung tatlo nyang kasama. Yung mga ka-row ko. Tsk!

"Get in now." Sabi nya at saka kumakad papunta sa front door. Yung tatlo naman sa back door.

Hindi ko sila pinansin at tumalikod nalang sa kanila at itinuloy ko ang ginagawa ko kanina

"Fckk!"

"Ahk!"

"Omg!!"

"All of you, to the Principal's office now!" Sigaw ni maam. Ha! Tama lang sakanila lang yan HAHAHA "Even you Ms. Sanchez!" Pahabol pa. Bakit pati ako kasali?

-Principal's Office-

Parang kahapon lang nandito ako a? Magiging suki na naman ako dito. Hays.

Masasama ang binibigay na tingin sakin ng mga kaklase ko. Ewan ko ba kung anong trip nila sa buhay.

Lahat sila nasa left side tapos ako nasa right side. Mag-isa lang. Wala akong pake kung magkampihan pa sila basta ang alam ko wala talaga akong kasalan.

Inaantay nalang namin yung tatlo na hindi ko alam kung sino. Nakuha pang kwelyuhan ako kanina nung isa pero di ko nakita yung mukha kasi nakatingin ako sa cellphone ko nu'n. Pati si maam, hinahantay namin para magsimula na ang meeting. Charrr! Ang paghatol pala.

"Tanda." Tawag ko kay tanda. Actually sya yung principal ng school.

"Libre mo ako nang makakain mamaya. Nagugutom na yung alaga ko." Sabi ko sakanya. Syempre tropa kami ne'tong si Tanda. Lagi nya akong pinapalamon dati kapag dinadala ako dito sa office nya.Kaya nagagalit yung ibang officers sakanya lalo na sakin kasi kinukunsinte nya 'daw' ako.

 "Ahk! Shets, na-dead tuloy!" Sabi nya sa cellphone nya. Tsk inuna pa yun! 

 Maya-maya kinuha nya yung wallet nya at inilabas ang black card nya. Yas! Unli foods na naman ako dito kay Tanda. 

 "Oh!" Nang iabot nya sakin yung black card nya. "Last na yan ha. Nalulugi ako sayo e. Balik mo nalang pagkatapos mo kumain." Dugton nya pa. 

 Sumaludo muna ako sakanya bago lumarga. Bahala na yung maiiwan sa principal's office, wala naman kasi akong kasalanan.  Nadamay lang ako.

*****

071216

-Ghostlu

She is Just an Ordinary GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon