Fifth Chase

9 0 0
                                    

Steph's POV

Dinala ako ng mga paa ko dito sa rooftop, Kasi alam ko dito walang makakakita sakin habang umiiyak. Umiiyak na naman ako dahil kay Jared, Kailan ba matatapos to? Kailan ba matatapos yung puso ko na mahalin yung taong alam ko na naman na kahit katiting wala akong pagasa? Ang hirap, Ang hirap balewalain yung mga sakit na nararamdaman ko tuwing sinasabihan niya ako ng mga masasakit na salita, pero ginusto mo to steph diba? ginusto ko to.

"Steph, Okay ka lang?" nagulat ako ng marinig ang boses ni Mitchie, Tumingin ako sakanya habang puno ng luha ang mga mata. Mga luhang tumutulo lang para kay Jared, Mga luhang hindi maubos ubos.

"Hindi Chummy, Ang sakit. Sobrang sakit. Hindi ko maintindihan kung bakit parang ang laki laki ng galit niya sakin. Wala naman akong ginawang masama. Masama ba na mahalin ko siya?" Niyakap ako ni mitchie kaya mas lalo akong napaiyak.

"Hindi, Hindi masama na mahal mo siya. Gago lang talaga yung lalaking yun para saktan ka ng ganto. Di siya worth it sa mga luha mo chummy, Itigil mo na to. Makakahanap ka naman ng iba. Marami pang lalaki jan. Yung masusuklian yung pagmamahal na binibigay mo." habang hinahagod niya ang likod ko napaisip ako, Oo marami pang lalaki, makakahanap ako agad agad pero bakit ayaw parin bumitaw ng puso ko. Siguro dahil ayoko rin bumitaw? 

"Susubukan ko chummy, Napapagod narin ako kakahabol sa isang taong kahit kailan di naman ako mamahalin. Sana lang mapanindigan ko." 

"That's my girl! Tutulungan kita maghanap ng papabols" At nagtawanan kaming dalawa 

"Thankyou Mitchie ah?" Tumango lang siya at hawak kamay kaming bumalik sa classroom.

Di ko na sinulyapan si Jared, Pag pasok ko ng classroom dumiretso agad ako sa upuan ko. Susubukan ko nang layuan siya. Gagawin ko yung sinabi ni Mitchie, Baka sakaling makalimutan ko na siya, Hindi madali pero wala namang mawawala kung susubukan ko diba?

Natapos ang buong klase na lutang ako. Yung isip ko kung san san nakakarating, Iniisip kung tama ba ang mga desisyong gagawin ko, Kung tama ba na isuko ko nalang si Jared, Well tama naman diba? Kasi di naman siya sakin. May nagmamay-aring iba sakanya, at kahit kailan di magiging ako yun.

Nabalik lang ako sa pagiisip ng nagpaalam na ang Prof namin. Tumingin ako kay mitchie at sinenyasan siya na hintayin ako at nagsimula na akong ayusin ang gamit ko. Habang nagaayos ako ng gamit biglang nagsalita si Jared.

"Uhh Steph, Sorry kanina hindi naman talaga dapat-" Pinutol ko na agad ang sasabihin niya dahil ayoko ng maalala ang nangyari kanina.

"Okay lang Jared, Sanay na ako." Pagkasabi ko dumiretso na akong lumabas ng classroom at umalis kasama si mitchie.

"Girl, Improving ah. Ilang oras palang nagawa mo ng dedmahin, Okay yan." tinawanan ko nalang si mitchie at nagpaalam na. Dadaan pa kasi ako ng coffee shop.

Umorder ako at naghanap ng bakanteng upuan kaso wala na akong makita, pero may nakita akong isang lalaking nagbabasa, magisa lang siya sa upuan kaya nilapitan ko siya 

"Uhm excuse me may nakaupo ba dito?" Tanong ko, Binaba naman ng lalaki ang libro at kaya naman pala familiar to, Si jacob pala to,

"Mukha bang may nakaupo?" Natawa naman ako sa sinabi niya dahil ganyan din ang sinabi ko sakanya noon.

"That's my line" sabi ko at sabay umupo.

"Ohmygod, Binabasa mo ang After Series?" Nagulat ako ng makita ang cover ng libro na binabasa niya. That's my favorite book and binabasa ng isang gantong lalaki, Hindi ako makapaniwala.

"Uh yes" sabi niya habang ang kamay nasa batok. Aw he's cute. Mukhang nahihiya siya.

"That's my favorite book!" I said, tuwang tuwa talaga ako kaya pinagusapan na namin yung iba't ibang pangyayari sa book di na namin na malayan na halos dalawang oras na kaming naguusap na putol lang ang paguusap namin ng may biglang may tumawag sakin. 

"Steph" napatigil ako. alam ko kung kanino ang boses na yun, kilalang kilala ko kahit di ko siya nakikita.

"Jared. Anong ginagawa mo dito" Tumingin ako sa mga mata niya at nagulat ng makitang parang galit siya. Dahil na naman ba kay jacob? Dahil ginugulo ni jacob ang girlfriend niya? o dahil nagseselos siya? Steph ano ba, sinabing wag kang assuming eh.

"Sinusundo ka, Manuod ka ng gig namin ngayon" Nagulat ako sa sinabi niya, Talaga bang niyayaya niya ako, Para ano? Para ipahiya na naman? Para sabihan  na malandi? 

"Ayoko, Umalis ka na" Nakita ko ang gulat sa mga mata ni Jared, Dahil sa kauna-unahang pagkakataon, Hindi ako sumama sakanya.

"Hindi sasama ka sakin, ngayon na." nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko at hilain ako patayo pero mas nagulat ako ng hawakan din ni jacob ang kabilang kamay ko.

"Pre narinig mo naman ata ang sinabi niya, ayaw niyang sumama at nakikita mo naman sigurong naguusap kami?" napatingin ako kay jacob na kalmadong nakatingin kay jared.

"Wala akong pakielam kung naguusap kayo, sasama sakin si steph kaya bitawan mo ang kamay ni steph kung ayaw mo ng gulo" napatingin ako kay jared dahil sa sinsabi niya at nagulat ako dahil mas lalong nanlisik ang mga mata niya. Ano na naman to Jared? Lumalayo na nga ako eh. Bat gumagawa ka na naman ng dahilan para guluhin kita?

"No. Ayaw sumama sayo ni Steph kaya umalis ka na." Lalapit na sana si Jared kay jacob ng hinatak ko ang kamay ko sakanila.

"Jacob, Sasama na ako. Thank you for today, nag enjoy ako" sabi ko kay jacob at nginitian siya tumingin naman ako kay jared na masama ang tingin sakin. Inirapan ko lang siya at nagmartsa na palabas ng coffee shop.

"Ano yun Steph? Siya na ba bago mo? Nakahanap ka na agad?" Napatingin naman ako kay Jared dahil sa sinabi niya.

"Ang kapal din ng mukha mo no? Pagtapos mo kong sabiha ng whore, pagtapos mo kong ipahiya sa tingin mo hahabulin parin kita?" masamang tingin ang pinukol ko sakanya. Napupuno ng galit ang puso ko pero di ko maipagkakaila na kahit galit ako tumitibok parin ang puso ko ng mabilis para sa lalaking to.

"I'm sorry Steph. Hindi naman para sayo yun, Kay jhana ko sana sasabihin kasi ginigulo niya ako kaya nainis na ako. I'm really sorry." Nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko. Parang sa isang iglap naglaho lahat ng sakit at galit ko sakanya.

"Steph pwede bang wag ka ng makipagkita at makipagusap kay Jacob?" tinignan niya ako sa mata at halos matunaw ako sa paraan ng pagtitig niya. ito ang kauna-unahang tinignan niya ako ng ganun. Na para bang meron siyang nararamdaman para sakin. Okay lang ba mag assume na naman ako?

"At bakit ko naman gagawin yun?" Hindi niya inalis ang tingin sakin at halos malaglag ang panga ko sa sagot niya.

"Hindi ko alam. May nararamdaman kasi ako na kirot sa puso ko ng makita ko na masaya ka kasama siya." Natulala lang ako at hindi ko namalayan na nakapasok na pala siya sa sasakyan niya.

Chasing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon