Alam mo kung ano ang worst part ng buhay ko every morning? Ang maghintay sa bestfriend kong napakatagal. Lagi nalang. Gosh ang aga aga nasisira ang beauty ko mamaya dumaan si Jared. Speaking of jared. Wednesday na ngayon so tomorrow night na kami.manunuod ng gig nila sa isang medyo sikat na bar.
"Myghaaaad! She's too slow. Bakit ko ba naging bestfriend yun." inip na inip na ako kakaintay dito sa may cofee shop sa school namin, yes, my cofee shop sa loob ng school. Because we're rich.
"May nakaupo ba dito?" napatingin naman ako sa isang unknown species na nagsalita sa harapan ko. At pagtingin ko isang greek god ang nakita ko. O to the M to the G. HE'S FREAKING HOT.
"Uhmm? Mukha bang may nakaupo?" mataray kong tanong sakanya tapos inirapan siya at nagsimula na ulit magbasa ng book. Siyempre kailangan ko munang tarayan. Mamaya mahalata niya na nagwagwapuhan ako sakanya.
"Do you mind if i sit here? Wala na kasing ibang bakanteng upuan. Sorry kung nakakaistorbo ako." tumingin ako sa kabuuan ng cofee shop at wala na ngang pwesto. Really? Ang bait niya! Nakakainlove siya. Ay hindi pala loyal po ako kay jared, wag niyong sasabihin yung sinabi ko ah?
"Sure and I'm sorry. I'm not in the mood kasi." nginitian niya nalang ako at nagsimula ng kumain ng cheescake na binili niya. Inalok.niya pa ako pero tumaggi ako. Kahit gwapo siya ngayon ko lang siya nakilala mamaya may gayuma yun.
Pinagpatuloy ko lang yung pagbabasa ng may nagtext sakin. Inopen ko agad nung makitang bestfriend ko ang nagtext.
"Hey best, Tinatamad akong pumasok today so hindi nalang ako papasok. Sorry kung pinaghintay kita. Punta ka nalang dito later and Let's go shopping para sa damit na tomorrow. Love you chummy!"
"Really Mitchie? Hinintay kita ng 2 hours and you will text me at sasabihin you are too lazy to go to school? How dare you. I'll go there later, seeyou! And I hate you chummy." I replied at lalong uminit ang ulo ko. Ang tagal kong naghintay tas dahil lang tinamad hindi papasok. Dapat talaga makita ko si Jared ngayon ng hindi naman ako mabadtrip buong araw.
"Uhmm, miss are you okay?" napatingin ako sa lalaking nasa harap ko. Nakalimutan kong may kasama pala ako sa table.
"Yes."
"Bakit parang hindi? Halos gusto mo na ngang ibato yung phone mo tapos yung kilay mo halos magkadikit na sa sobrang kunot ng noo mo." sabi niya habang tumatawa tawa pa. At aba pinagtatawanan ba ako nito.
"Why are you laughing stupid?" Sabi ko sakanya at nagdeath glare ako.
"Aww you are cute when you're angry." biglang naman uminit yung pisngi ko. Sinabihan ba naman ako ng isang gwapong lalaki na cute daw ako.
"at mas cute ka kapag nagblu-blush" kinurot niya yung pisngi ko at tumawa ng malakas. Dapat nahihiya na ako diba? Pero mas kinikilig pa ako shttt loyal ka kay jared steph.
"I'm not blushing. By the way kanina mo pa ako pinagtatawanan pero di ko pa alam ang name mo. What is your name?" sabi ko at nagiwas ng tingin sakanya.
"I'm jacob, you?" ohh so jacob pala name niya. Bagay sakanya kasing hot niya kasi yung jacob sa twilight hahahaha
"I'm st-----" hindi ko natuloy yung sasabihin ko kasi pagtingin ko sa may pinto ng cofee shop nakatayo si Jared dun at naka death glare sakin. Shttt nagseselos ba siya? Hala hindi pwede!
Dali dali akong tumakbo kahit na naririnig ko pa yung pagsigaw ni jacob sakin dahil tinatanong niya yung name ko pero di na ako lumingon.
"Wait! Jared, wait for me. Please slow down!" sigaw ako ng sigaw pero parang walang naririnig tong isang to. Binilisan ko nalang yung pagtakbo ko ng malapit na ako sakanya inunahan ko siya tas humarang ako sa dadaanan niya at nung tinignan ko siya ang sama ng aura niya. Grabe nagseselos ba siya?
"What?!?" nagulat ako sa paiging cold ng boses niya. Kahit lagi akong sinisigawan at kahit palaging galit sakin yan never naman siyang naging ganto.
"Kasi gusto ko lang sabihin na nakitabi lang yung lalaki sa table ko kanina kasi wala siyang maupuan." nakayuko na ako ng sabihin ko yun kasi natatakot talaga ako sakanya at first time lang yun.
"Anong pakielam ko? Kahit sinong lalaki pa ang tabihan mo wala akong pakielam." ouch ang sakit naman magsalita ng isang to.
"Kasi baka nagseselos ka sa nakita mo kasi ang sama ng tingin mo sakin kanina nung kasama ko si Jacob sa cofee shop, kaya nagpapaliwanag ako." Tumingin siya sakin na parang hindi makapaniwala. Tingin na nagsasabing ako na ang pinaka assuming na tao sa buong mundo. At parang nanliit at napahiya ako sa tingin na yun.
"At bakit naman ako magseselos? Sino ka ba?" grabe ang sakit niya talagang magsalita kung magsalita siya akala mo hindi tao yung kausap niya, pero sanay na ako sakanya.
"Bat ba kasi ang sama ng tingin mo sakin kanina? Hindi ko naman ninakaw yung boxer mo sa locker mo, hindi naman kita binusohan bat ang sama ng tingin mo?" dire diretsong sabi ko sakanya at nagulat ako dahil mas lalong naging galit yung mukha niya.
"Ang kapal di ng mukha mo no? Hindi ikaw ang tinignan ko ng masama, yang jacob na yan dahil siya lang naman ang lalaking nanggugulo sa girlfriend ko." nakaramdam ko bigla ng hiya dahil nung tinignan ko yung mga tao sa paligid patagong tinatawanan nila ako. Alam kong takot lang sila sakin pero pagwala na ako pagtatawanan lang nila ako. Ang sakit. Pinahiya niya ako sa harap ng maraming tao. Grabe siya. Hindi ko alam pero feeling ko naiiyak na ako kaya bago pa ako umiyak sa harap niya tumakbo na ako ng tumakbo habang tumutulo yung mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Tumigil ako sa CR at pumasok sa isang cubicle.
Umiyak ako ng umiyak dun. Kahit kailan hindi ako napahiya. Kahit kailan hindi ako pinagtawanan ng mga tao. Ang sakit sakit. Ang sakit. Pero alam mo yung mas masakit? Yung umasa ka. Umasa ka na baka nagseselos siya dahil may kasama kang iba. Pero hindi pala. Nagagalit siya dahil yung kasama mo ginugulo lang naman ang mahal na mahal niyang girlfriend na ang pangit pangit naman.

BINABASA MO ANG
Chasing You
RomansYou fell inlove with me once, and i'm going to make you fall inlove with me again. - Jared