6th Chase

6 0 0
                                    

Jared's POV

Nababaliw na ata ako. Bakit ko ba sinabi yun? Hindi ko rin alam. Basta ang alam ko lang nalulungkot ako nung di manlang ako tinapunan ng tingin ni steph kanina at iniwasan niya pa ako. Hinanap ko siya ng hinanap ang tagal kong naghanap tapos makikita ko lang siya sa coffee shop na kasama si Jacob, Yung Jacob na yun na wala ng ginawa kundi agawin ang lahat sakin. Nakaramdam talaga ako ng matinding kirot sa puso kanina ng makitng ang saya ni steph habang kausap si Jacob, Parang feeling ko anytime makukuha siya sakin ng lalaking yun kahit ang totoo hindi naman sakin si steph. Nagseselos ba ako? Hindi ko na alam naguguluhan ako. Hindi ko dapat maramdaman to dahil may girlfriend ako at si Casey yun, Pero ang hirap pala pigilan ng puso no?

"Ano di ka pa ba sasakay?" nagising ang diwa niya at dali daling sumakay sa sasakyan. Buong byahe tahimik lang kami kaya nagulat ako ng biglang siyang magsalita

"Jared, Ano pala ibig sabihin ng sinabi mo kanina?" Kinakabahan ako. Di ko alam kung ano ang sasabihin ko kasi kahit ako sa sarili ko di ko alam bat ko nagawa at nasabi yun. Nanatili nalang akong tahimik hanggang sa makarating kami sa bar na pagtutugtugan namin. Kanina pa sila Kane nandun, Isang oras na ata akong late dahil sa kakahanap ko kay Steph.

"Baba ka na. Didiretso ako ng backstage, Maghanap ka nalang ng mauupuan mo at pupuntahan ka nalang namin mamaya." Tinitigan lang ako ng steph at bumuntong hininga sabay lumabas ng sasakyan. Hinintay ko lang siya makapasok sa loob bago pumunta sa parking lot kung san may pinto padiretso sa backstage.

"Pare kanina ka pa namin hinihintay, Dapat kanina pa tayo tutugtog." Sabi sakin ni Kane.

"Sorry pre, sinundo ko si steph, anjan siya ngayon." Natulala naman mga kaibigan ko at si kane ang unang nakabawi

"What sinundo mo? Teka paano? Nung nakaraan na nanuod siya ng gig natin nagaway kayo" tinignan ko si kane at nakita ko ang inis sa mga mata niya. Galit na galit si kane nung araw na yun, sinabihan ako na babae yun at di dapat binabastos kaya sobra din akong naguilty ng araw na yun halos di ako nakatugtog ng maayos dahil paulit ulit kong naalala yung mga mata ni steph na may luha.

"Basta, Tumugtog na tayo. Magisa lang si Steph mamaya may manggulo pa sakanya." Ngsisang ayunan naman silang lahat at sabay sabay silang lumabas ng back stage. Rinig na rinig ang mga hiyawan ng mga babae, Sinisigaw ang mga pangalan namin at ako inikot ko agad ang paningin ko para hanapin si steph. Nakita ko siya sa gild nakatingin sakin, Ngitian ako at nag thumbs up. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng saya.

"Sorry guys mejo late kaming tutugtog ngayon, Nalate kasi isa sa grupo namin." Sabi ni Kane sa mga tao dun at pagtapos maghiyawan sinumalan na namin ang kanta.

Matapos ang tatlong kanta pumunta agad kami ng backstage para magayos ng mga gamit at pagkatapos pumunta na ako kay steph at susunod nalang daw ang iba.

nainis naman ako  ng makitang may kausap si steph na ibang lalaki at mukhang ang saya saya niya pa. 

"Ang saya mo ah" Napatingin naman sakin si steph.

"Hey, Tapos na pala kayong tumugtog di ko napansin. Asan pala sila kuya kane?" Tinitigan ko siya at napansin kong mejo naiilang siya sa pagtitig ko.

"Pano mo mamalayan eh mukhang ang sarap sarap ng paguusap niyo ng lalaking yan." dinuro ko pa ang lalaki 

"Jared ano ba! Wag mo nga iduro. That's Marco, He's my friend. Classmte ko siya nung elam at high school." So pinagtatanggol niya pa yang gago na yan tinignan ko naman yung lalaki at nginitian lang ako at naglahad ng kamay.

"Pre Marco Angeles." Hindi ko pinansin ang kamay niya kaya ng mapansin niya yun siya narin ang nagbaba.

"Sige aalis na ako Steph, Catch up soon. Text me kung kailan ka free." Lumapit siy kay steph at niyakap ito. Para tuloy gusto ko bugbugin bigla tong lalaking to.

"Sige Marco! Bye. It was nice to see you again." Ano nginingiti ngiti ng babaeng to.

"Alis na ako pre" Aba close ba kami para tapikin niya balikat ko. Pagkaalis ng lalaki umupo agad ako sa tabi ni steph.

"What was that Jared! Bakit ganyan ka ha?" nagulat ako ng pagtaasan ako ng boses ni steph. 

"Bakit galit na galit ka? Mas nag eenjoy ka ba kasama yung kumag na yun kesa sakin?" Mahina ngunit may diin na sabi ko sakanya.

"Hindi siya kumag. May pangalan siya at Marco yun!" I rolled my eyes.

"As if i give a fck!" tumawag lang ako ng waiter at umorder ng beer.

"Alam mo aalis nalang ako. Wala naman akong gagawin dito. Wala kang kwenta kausap." tatayo na sana siya ng hatakin ko kamay niya kaya napaupo siya sa hita ko. Mariin ko siyang tinitigan.

"No baby, Hindi ka aalis. Dito ka lang. Dito sa tabi ko." Bulong ko sa tenga niya at naramdaman ko na nagpupumiglas siya para makaalis sa kalong ko.

"Ano ba, Jared baka may makakita satin. Isipin pa na inaagaw kita sa Girlfriend mo." Natauhan naman ako bigla ng maisip na may girlfriend nga pala ako. Fck fck bakit ko kinakalimutan. Hinayaan ko na siyang umalis sa kalong ko at tumabi sakin. ilang minuto ang nakalipas ng dumating na ang order kong beer at ang kabanda.

"Hello steph. Okay ka lang ba? Di ka ba nabored kanina? Magisa ka lang diba?" Tanong ni kane sa kanya. Di nalang ako umimik at uminom ng lang ng alak.

"Hindi naman kuya kane. Nakita ko si Marco, He was here. Naalala mo siya? Yung friend namin ni Mitchie nung elem and high school?" so kilala rin pala ng kane na yan yung kumag. Mukhang close nga talaga sila. Psh wala akong pake.

"Si Marco? Angeles? Yung ex mo? Oo naalala ko siya" Napunta naman ang atensyon ko kay Kane ng marinig ang sinabi nito.

"Akala ko ba kaibigan mo lang? Kailan pa naging kaibigan ang ex?" baling ko naman kay steph, nakita kong nakatingin siya sakin at ag buong barkada.

"Well, Puppy love lang yun. Di naman tumagal at hindi rin namin sineryoso." Nagiwas ako ng tingin kay steph ng maramdaman ko na naman yung kirot na naramdaman ko kanina ng makita siyang kasama si jacob.

"Umuwi na tayo. Ihahatid na kita" Pagkatapos ko ubusin ang isang bote, hinatak ko na si steph at nagpaalam na sa barkada.

"Pre mauna na kami, May pasok pa to bukas. Hatid ko na." 

"Sige pre"

"Ingat kayo pre. Bye steph." Sabi ni kane pagkatapos namin magpaalam dumiretso na kami sa sasakyan. Walang nagsasalita buong byahe hanggang sa makarating kami sa bahay nila.

"Salamat sa paghatid Jared. Goodnight." Pagkasabi niya nun lumabas na siya. Papasok na dapat siya ng gate nila ng tawagin ko siya. Lumabas ako ng kotse ko at lumapit sakanya.

"Bakit may nakalimutan ka ba? May sasabihin ka?" Tinitigan ko lang siya at pagkatapos mabilis na hinalikan sa labi. Nakita kong natulala siya kaya napangiti ako.

"Goodnight." Pagkasabi ko, umalis na ako ng may malaking ngiti sa labi. Alam kong mali tong ginagawa ko pero di ko mapigilan ang puso ko. Bahala na. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 02, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Chasing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon