"Kulambo"

3.2K 45 4
                                    

A/N:Guys alam niyo ba yung sinasabi nila tungkol sa kahalagahan ng pagkakabit ng kulambo kapag matutulog?... Kung hindi pa, at kung dati ay hindi kayo nagkukulambo sa pagtulog, kapag nabasa niyo ito ay baka sakaling gumamit na kayo... hahaha lels... :p

Pero seriously, ikukuwento ko sa inyo ang karanasan ng isang kakilala ko.

________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

                             Si kuya Errol ay isang binatang tubong bisaya.                                                                            Alam nating lahat na ang mga bisaya ay likas na matatapang at hindi basta basta natatakot lalo at sabi sabi lamang at hindi pa nila nakikita sa sarili nilang mga mata ang mga kinukuwento sa kanila tungkol sa mga katatakutan.


NApadpad ang binatang ito sa  isang lugar sa parteng Luzon. Nakapagtrabaho siya sa isang mayamang pamilya bilang katulong sa bukid  at tagapag alaga ng mga baboy.


Nangyari sa kanya ang karanasang hindi niya malilimutan isang gabing may manganganak  na inahing baboy na kaniyang inaalagaan, kung kaya nagpasya siyang ilabas buhat sa kaniyang silid ang papag niyang hinihigaan at mga gamit sa pagtulog(banig, unan,kumot at kulambo). Doon siya matutulog sa labas malapit sa kulungan ng mga baboy dahil obligadong bantayan ang panganganak ng inahin lalo at first time palang manganganak iyon!       

Bagamat hindi  sanay na gumamit ng kulambo si Kuya Errol ay minabuti niyang magkabit  niyon dahil ng mga panahon na iyon ay napakadami ng lamok at masasakit pang kumagat.

Paidlip idlip siya, mababaw ang kaniyang tulog dahil sa kaniyang binabantayan. May ilang biik nang nailabas ang inahin at hinihintay pa niya na lumabas ang iba.


Dahil sa pagod sa maghapon sa bukid at puyat narin dala ng pag aasikaso sa mga biik ay naigupo narin siya ng matinding antok bandang alas tres ng madaling araw.                                          

Nang bigla siyang maalimpungatan dahil sa ingay na naririnig, inakala niya na may biik nanamang lumabas kaya napabalikwas siya ng bangon, ngunit laking gulat niya sa kaniyang  nakita!!


Napakaraming maliliit na nilalang ang nakapaligid sa buong higaan niya. Nanlilisik ang mapupulang mata ng mga ito, matutulis ang maliliit na mga ngipin habang naglalaway na tila gutom na gutom na handa siyang kagatin anumang oras na maabot siya! Kulubot ang balat ng mga ito. Napagtanto niyang ang mga ito ay TIYANAK!!!! Nakakatakot ang mga huni nito na tila asong ulol at labas na labas ang mga ngipin at hindi iniaalis ang tingin sa kaniya...


Bigla siyang nakaramdam ng matinding  takot at kaba dahil alam niyang lagot na siya kapag nasakmal siya ng isa lamang sa mga iyon dahil tiyak na hindi siya niyon titirhan ng buhay!


Ngunit nakahinga siya ng maluwag luwag kahit papaano ng mapansin niya na hindi makapasok ang mga ito gawa ng kulambo. Hindi na mahalaga kung bakit, maaaring hindi lang marunong magtaas ng kulambo ang mga ito o anupaman ang mahalaga ay ligtas siya sa loob ng kulambo dahil hindi siya malapitan ng mga pangit na nilalang na iyon!


Iniikot niya ang kaniyang paningin sa kabuuan ng kaniyang higaan at nakita niya na napakarami talaga ng nakapaligid sa kaniya at lahat ay humahanap lamang ng pagkakataon para makagat siya!                                                                                                                                                                                                    Nanatili lamang siya sa gitna ng kaniyang higaan at talagang pinaglabanan niya ang antok, mahirap  na at baka malingat pa siya ay maabot siya!


Maya maya ay narinig niya na ang pagtilaok ng mga manok tanda na maya maya lang ay sisikat na ang araw.                                                                                                                                                                                 Napansin niya na unti unti nang nababawasan ang bilang ng kaniyang bantay(tiyanak) hanggang sa mawala na lahat ng mga ito sa kaniyang paningin.

Naghintay parin siya na tuluyang sumikat ang araw bago siya umalis sa higaan niya para makasiguro at mahirap na baka bumalik pa ang mga iyon!...


Agad niyang tiningnan ang mga baboy at nakahinga naman siya ng maluwag ng makita niyang maayos naman ang mga ito. Nakapanganak ng maayos ang inahin at wala namang naano sa mga biik.


Itinuturing nalang niyang masamang panaginip ang karanasan niyang iyon! At hinihiling na sana ay di na iyon maulit pa..

At nagpapasalamat siya dahil ng gabing iyon ay gumamit siya ng kulambo kahit na hindi talaga siya gumagamit niyon simulat sapul na magsarili siya ng higaan.


Simula noon ay hindi na niya nakakalimutan na magkabit ng kulambo kapag matutulog. Better safe than sorry nga naman......:)


A/N: Guys, ayan a, dalawang magkasunod na update para makabawi naman ako sa matagal kong UD ng mga nakaraan....:-)                                                                                                                                        TIME CHECK: 10:15PM.                                                                                                                                                         Good night everyone!!!!! Don't forget to put MOSQUITO NET!!!!! hehehe:p                                               Thanks for reading!!!!                                                                                                                                                          Wait for the next update!:-)

The Unforgettable Horror Experience(Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon