Ate G's POV:
Iniwasan ko na talaga ang matandang iyon matapos ang insidenteng nangyari.
Akala ko ay huli na ang pangyayaring iyon ngunit nagkamali ako.Nang makapanganak na ako ay hindi ko inaasahan na dadalaw sa akin ang matandang aswang at kasama pa niya ang kaibigan niyang hinihinala namang mangkukulam sa lugar namin.
Pagkapanganak ko ay naglagay ang nanay ko ng insenso sa paligid ng buong kwarto ko at nagsabit ng mga bawang sa bintana.
Ayon kasi sa kanila ay pangtaboy daw ng masasamang elemento ang bawang at insenso.
Umagang umaga noon ng sabihin ng kapatid ko na may dumalaw daw sakin.
Buhat ng manganak ako ay hindi na isinasara ang pinto sa silid ko para mas madali nilang marinig kapag tumawag ako kung sakaling may kailangan kami ng anak ko. At medyo nilagay malapit sa pinto ang kamang kinahihigaan ko.
Ayun nga, sinabi ng kapatid ko na may bisita raw kaya pinatuloy na.
Nakikita ko kung sino ang dumarating at nakita ko nga yung dalawang matanda.Kinakabahan ako sa totoo lang pero hindi ko ipinapahalata. Inoobserbahan ko silang dalawa at alerto rin naman ang mga kasama ko sa bahay na hindi inaalis ang mga tingin sa dalawang matanda.
Pagdating sa bungad ng kwarto ko ay napansin ko na naging mailap ang kanilang mga mata at parang balisang balisa na hindi mapakali.
Huminto lang sila sa bungad ng kwarto at pinapapasok ko kahit ayaw ko pero ayaw talaga nilang pumasok kaya pinabigyan ko nalang sila ng upuan sa bungad ng pinto ko.
Tinanong ko kung bakit naligaw sila sa bahay namin, nangungumusta lang daw sila dahil nabalitaan daw nila na nanganak na ako. Kaya sinabi ko na okay naman pagkatapos nun ay pinapigkilan ko ang anak ko sa kanila.
Kahit na pinipigkilan nila ang anak ko ay hindi talaga sila pumasok sa loob ng silid ko. Dinukwang lang nila kaya talagang lalong tumibay ang hinala ko na masasama silang elemento at takot sila sa insenso at bawang.
Pagkatapos nun ay agad na rin silang nagpaalam. Nag uunahan pa sa pag alis na parang pasong paso.
Mainam na rin at umalis na sila. At hindi na muli pang dumalaw. Pero hindi ko inaalis sa isipan ko na andiyan lang sila at nag aabang lang ng pagkakataon para makapaminsala.
Hindi ako nakakalimot na manalangin palagi para sa kaligtasan ko at ng mga mahal ko sa buhay na sana ay palagi din nating gawin hindi lamang sa panahon ng pangangailangan kundi sa lahat ng panahon ng ating buhay.
A/N:Sana ay nagustuhan niyo ang kwento ni Ate G.
Abangan nyo pa po ang mga susunod ko pang stories.
Enjoy reading.
Thank you^_^
BINABASA MO ANG
The Unforgettable Horror Experience(Tagalog)
Mystery / ThrillerHighest rank achieved: #5 in HORROR category! This is a compilation of unforgettable horror stories! Hope you'll like my first ever story! Enjoy reading and please do vote!!!! Thank You!!!😘😘😘