Author's note: Welcome sa first chapter ng Story nila Joycie at Tristan ang kaibigan nina Ellieyah at Lazarus, Sana ma-enjoy niyo :*
Joreen Rea Belen (Nasa taas)
------------------------------------------------------------
"CAUSE IF YOU WANT TO KEEP ME YOU GOTTA GOTTA GOTTA GOTTA LOVE ME HARDERRRR!!!" Birit ko sa harap ng salamin habang nag lalagay ng face mask
Kailangan ko kasi ito para mamaintain ang kagandahan ko! Nag lagay din ako ng curlers sa buhok ko para naman presentable ako bukas dahil may mag susundo saakin at hahatid ako sa Leonora L at susukatan ako doon nakalimutan ko nga kung ano yung pangalan nun eh Christian ata or Tristan basta ganern!
Dibuh! Ang taray ng bestie *Slash* kapitbahay ko ikakasal na siya at GUESS WHAT ako ang maid of honor! Taray dibuh! Ikakasal na siya tapos ako.. di pa ikakasal.
Naalala ko nanaman ang nangyare saakin. *Sigh*
FLASH BACK>>
Masaya akong nag lalakad papunta sa apartment ni steven my labidabidabs! Yayain ko siyang mag pakasal! Ang tagal nanamin mag jowabells! Baka pwede ng pumunta kami sa next level
Alam kong masiyado pang maaga para maikasal pero matagal na rin kasi kami simula first year highschool ay kami na malantod ba ako masiyado?! Hayaan niyo na
Tumigil si steven sa pag aaral noong 4th year Highschool dahil tinamad siyang pumasok ewan ko ba doon basta laging nag lalaro yun ng basketball at ng dota kaya ayun tumigil siya
Ako naman tumigil ako noong 2nd year College dahil sa kakulangan ng pera! Hindi na ako nag pumilit alam kong nahihirapan na si mama kaya tinulungan ko siyang kumayod wag niyo na akong tanungin kong asan na ang papa ko kasi sabi nila kinuha na daw ni lord at mas deserve ng mga kapatid ko mag aral ano! Mas matalino kasi sila kaysa saakin nakita ko ang kasipagan nilang taglay kaya todo kayod ako for them
Si bestie ko ang maswerte dahil siya ang nakapag tapos! Idol ko nga yun eh dahil kahit tamad din mag aral katulad ko ay nakapag tapos parin siya
PERO KERI KO NAMAN EH BATA PA AKO AT PWEDE PA AKO MAKAPAG ARAL! RIGHT?
Nakarating na ako sa apartment niya paano ako nakapasok syempre doon sa may pinto at may dala akong susi syempre jowa niya ako dapat may susi siyang ibibigay saakin
Pag dating ko doon ay wala si steven pero sinadya ko talaga na wala siya dito dahil may gagawin akong surprise sa kanya
Nilinisan ko ang buong kwarto niya pag katapos non ay nakalagay sa may labas ng pinto ay isang Malaki na
"WILL YOU MARRY ME STEVEN ANDERSON" nilagay ko yun sa labas ng pinto para ma-curious siya oh diba!
Sa may kusina niya ay dinikitan ko ang pader ng mga picture namin together simula highschool naiiyak nga ako dahil mahal mag pa photo copy huhu pero mapapalitan ko naman ang pera na yun konting sakripisyo lang naman
Nag lagay naman ako ng sticky notes sa ref niya at puro quotes ito halos mapuno ang ref niya ng sticky note at ang sakit na rin ng kamay ko kakasulat pero binaliwala ko ito para kay steven
Sa mesa naman ay nilagyan ko ng table cloth na pula at may hearts sa dulo nito at nandoon ang cake na pa-heart na nakalagay ay "YES OR NO" Bali tutusukin niya kung ano ang pipiliin niya na sagot dapat nga wala ng ganyan dahil alam kong yes ang sagot ni steven gusto ko lang talaga kiligin sa sagot niya
Ako ang nag bake nito no! at red velvet na hugis puso hindi nga lang madaling gawi lalo na yung lettering ang hirap gawin e! dahil hindi mapirmi ang kamay ko pero nagawa ko padin ito ng ayos
YOU ARE READING
The Friendship Baby
Ficção AdolescenteNag mahal. Na Saktan. Nag karoon ng anak. By the way, yan ang summary ng buhay ko. Kabilang din ako sa mga nabiktima ng alak at katangahan. Cliche nga, na guess niyo na ang storyang ito. Pag nasasaktan kasi hindi dapat nag lalasing agad, tignan niyo...