Chapter 5: Morning Sickness

54 2 0
                                    

"Joycie sadali lang!" Sabi saakin ni Tristan, Ano bayan nahabol niya pa din ako! Palibhasa ang haba ng legs eh

"Let's talk" Sabi niya saakin at hiniwakan ako sa braso para hindi na ako makawala pa

"Let go of me Tristan! Wala na tayong pag uusapan pa! Diba sinabi ko ng hindi kita mahal? Pero bakit mo pa din pinagpipilitan ang sarili mo? Wag mo ng pahirapan ang sarili mo kasi iba na ang mahal ko!" Naluluha kong sabi sa kanya

"What are you talking about? Joycie, I just want us to talk about the Laguna Incident 1 week ago" Malumanay na sabi ni Tristan saakin, Hanu bayan nag drama pa naman ako baka sakaling iwan niya ako hays andami ko talagang napupulot sa mga teleserye sa Tv

"Anong meron sa Laguna Incident?" Pa-inosente kong tanong sa kanya

"Alam natin parehas na may nangyare saa—" Hindi na niya na tuloy ang sasabihin niya dahil tinakpan ko ang bibig niya

"Wag kang maingay Tristan! Baka may makarinig sayo marami pa namang Press dito" Sabi ko sa kanya habang mapalinga linga ako ng tingin syempre tinitignan ko kung may mga hidden camera chuchu dito

"Okay, I just want to say... I'm sorry" Sabi niya saakin habang nakatingin diretso sa mata ko, nakita ko naman na sincere siya eh

"Tristan kinalimutan ko na yun,Medyo naninibago lang ako pero alam kong accident lang yun kaya wala akong sinisisi" Sabi ko sa kanya, Oh ang bait ko na ah! Wag na kayong eksena jan

"Pero ba't moko sinampal?" Tanong niya saakin

Nahiya naman ako bigla! Jusko anong idadahilan ko? Isip Joycie! Gamitin mo din ang Brain Cells mo paminsan minsan

"Nung time na yun may tigyawat ako sa pisnge, Sobrang laki nga eh tapos tinangka mo kasing tanggalin yung Face mask ko kaya nasampal kita bigla ehehe, Sorry nga pala doon ah?" Pag hingi ko sa kanya ng tawad

"Sana sinabi mo, Edi quits na pala tayo?" Nakangiti niyang sabi saakin

"Oo naman, Okay na tayo ah?" Tanong ko sa kanya, Ba't parang ang dali naman? Pero okay na 'to para hindi na ako nagtatago pa

"Of course, Isipin nalang natin na walang nangyare saatin and mag kaibigan lang tayo" Sabi niya saakin at inabot niya ang kamay niya saakin

"Aanhin ko yan?" Tanong ko sa kanya

"Mag simula tayo ulit" Sabi ni Tristan saakin

"Im Tristan Damon, The one and only Heir of Damon corp and you are?" Tinanggap ko naman ang Kamay ni Tristan

"I'm Joreen Rea Belen, Isang Vocalista at isang ate sa apat na lalaki" Sabi ko sa kanya at nag Shake hands kami

"Pasok na ulit tayo?" Yaya saakin ni Tristan at tumango naman ako

"Sige baka hinahanap na din tayo sa loob" Pag sang-ayon ko

-------------------------------------------------------------------------

Kinabukasan...

Nagising ako sa higaan namin ni Cyrus ng maramdaman kong bumaliktad ang sikmura ko kaya dumiretso ako sa banyo at doon nag suka sa inidoro

Lumapit naman si Cyrus saakin habang nag kakamot ng mata

"Ate anong ginagawa mo?" Tanong saakin ni Cyrus at pinapanood lang ako sa may pinto

"Nag lalaba obvious ba?" Sarkastiko kong sabi kay Cyrus pag tapos kong mag suka ay inabutan niya ako ng Tissue

"Salamat" Sabi ko kay Cyrus

The Friendship BabyWhere stories live. Discover now