Author's note: Hi Readers! (Kung meron man) lels. Maganda ba yung flow ng story? Or masiyadong Cliche? ._. Comment your thoughts about my story and sana ma-enjoy niyo^___^
Kevin/Ken nasa taas ;)
------------------------------------------
Dali dali na akong bumaba nung sinabi saakin ni Johann na nasa baba na daw ang Brother-in-law nila
Ugh, Feel na feel nila na may brother in law na daw sila paano nalang pag nalaman nila yung totoo hays ngayon palang ay nakokonsensiya ko na ang beauty ko
Ano ba kasi naisip ni Kevin? Papanagutan niya daw ako? Akala ko biro lang yun pero gingawa niya talaga naawa ba siya saakin dahil walang ama itong anak ko?
Okeh aaminin ko kinikilig ako! Sino ba namang hindi diba? Papangutan ka ng lalaking wala naman dapat panagutan mahal ako ni lord hehe
Asan na kaya iyon si Tristan? Papanagutan niya din kaya ako katulad ng ginawa ni Kevin? Yan ang mga tanong na nag lalaro sa utak ko, Oo nag lalaro sila taya tayaan gusto niyo sumali?
"Goodmorning Joycie" Nakangiting bati ni Kevin! Ugh! Hustisya naman men! Naka simpleng V-neck lang siyang puri at naka sky blue na shorts pero ang gwapo gwapo niya! Model ba siya ng bench?
"Ate punasan mo laway mo nakakahiya naman kay Brother in law" Saway saakin ni Seth, Akala ko pa naman magagalit sila doon sa lalaking nakabuntis saakin? Pero ngayon tuwang tuwa pa sila kase mas hamak na matino si Kevin kaysa kay Steven which is tru~lala naman
Tinikom ko naman ang bibig ko "Kevin anong ginagawa mo dito?"
Tanong ko sa kanya
"Binibisita ang in laws ko" Sabi niya sabay kindat! Takteng heart naman ito! Kung tumibok ang OA eh
"Yiee si Ate kinikilig" Panunukso naman ni Cyrus saakin at nakiki-'ayiieee' naman sila nako kung andito lang itong si mama siguradong mang-aasar din iyon
Gustong gusto niya talaga si Kevin gusto niya pa ngang patulugin dito kagabi kaso tumanggi si Kevin buti nga tumanggi siya eh. Hanggang ngayon ay hindi ko padin siya nakakausap kasi umalis siya agad kagabi
"Hindi ako kinikilig noh" Todo tanggi ko pa sa kanila saka ako umupo sa sofa
"Eh ba't ka namumula ate?" Tanong naman ni Darius aba't ginatungan pa nga ang kakambal niyang magaling din
"Rosy cheeks lang talaga ako" Pag mamayabang ko sa kanila
"Kuya Seth ang kapal nanaman ni Ate Joycie" Reklamo ni Cyrus kay Seth at napatawa naman sila
"Joycie kumain ka na ba?" Tanong ni Kevin kaya naman uminit ang dugo ko dahil lang doon sa sinabi niya
"Kakababa ko lang diba" Pag tataray ko sa kanya
"Ate wag mong awayin yung Brother in law namin" Saway saakin ni Johann kaya naman sinamaan ko siya ng tingin so ganon kinakampihan nila si Kevin
"Malay ko bang may pag kain ka sa kwarto mo" Naka-ngising sabi ni Kevin kaya naman napairap ako sa kanya at nag walk out
"O-oy! Joke lang yun" Sabi ni Kevin at hinabol niya ako dito sa hagdan at naririnig ko naman ang mga kapatid ko na nag chichismisan
"Grabe yung mood swings in ate, hindi ko kinakaya" Bulong ni Seth sa mga kapatid ko
"Ito ang First LQ na makikita ko sa buong buhay ko" Natutuwang sabi ni Darius
"Kuha lang ako popcorn" Sabi ni Cyrus
"Wag kang ambisyoso wala tayong popcorn" Saway ni Johann kay Cyrus
Aba't matindi nagawa pang mag chismisan eh ang lalakas pa naman ng mga boses yung tipong rinig hanggang kayla Ellieyah
![](https://img.wattpad.com/cover/111206578-288-k299023.jpg)
YOU ARE READING
The Friendship Baby
Teen FictionNag mahal. Na Saktan. Nag karoon ng anak. By the way, yan ang summary ng buhay ko. Kabilang din ako sa mga nabiktima ng alak at katangahan. Cliche nga, na guess niyo na ang storyang ito. Pag nasasaktan kasi hindi dapat nag lalasing agad, tignan niyo...