Chapter 8: Tristan D meets Kenneth A

80 1 2
                                    


Andito ako ngayon sa harap ng Tv at nakatunganga habang nakain ng manggang may ketchup may pasok ang mga bata kaya loner ako today! Kagabi niyaya ako ni Kevin mag bar para daw may celebrate kasi ikakasal na daw kami! Eh tumanggi ako kasi nga naiilang ako sa kanya

Oo crush ko siya kasi nga gwapo at mabait siyang tao at maasahan naman talaga siya pero mag pakasal naman agad agad parang grabe naman iyon diba? Maiitindihan ko sana kung gusto niya kami mag pakasal kasi siya talaga ang nakabuntis saakin pero hindi naman siya eh kaya naiilang ako at naghihinala din

Paano niya nalaman na si Tristan Damon ang nakabuntis saakin? Maiitindihan ko sana kung si Steven ang sisisihin niya since alam niya naman na ex ko yun pero si Tristan ang sinabi niya diba nakakapanghinala?

Pero nag confess siya saakin! At muhkang seryoso siya doon at hindi siya nag jojoke! Kinikilig ako okeh? Hindi ako nakatulog doon ng ayos! Mag confess ba naman sayo ang crush mo! Hanubeyen feel ko tuloy teenager ako! Teenager na juntis

Pero hindi ko naman kasi siya mahal eh, Yung kilig kilig lang pero ang lakas ng tibok ng puso ko tuwing kasama ko siya! UGGGGGGGGGH! Naguguluhan na ako madlang pipol! Feeling ko nahuhulog na ako sa kanya hays ang gulo gulo na talaga ng nararamdaman ko

Makatulog na nga lang at inaantok nanaman ako tapos may gig pa pala mamaya kaya kailangan kong mag ipon ng energy

TRISTAN'S POV

Good Afternoon manila! Yes nakarating na ako agad sa sobrang excited ko wala kasi akong plane ticket na nakuha kaya ginamit ko ang Private plane ko wag niyo ng tanugin kung bakit gusto ko pa sumakay sa airplane kung meron naman akong sarili kasi trip ko lang talaga

Overnight ang byahe ko nakakahighblood! Kailangan ko ng pumunta sa condo ko ayoko umuwi doon sa bahay namin nila dad kase for sure papagalitan nanaman ako nun alam niya kasi na pachill chill lang ako sa NY haha

"Mang Nardo sa condo ko" Sabi ko sa driver ko

"Yes sir" Sabi niya kaya naman tumango na ako jusmeyo! Gusto ko ng matulog sa higaan ang sakit sakit na ng likuran ko feel ko ang tanda ko

Hindi naman nag tagal ay nakarating na ako sa condo ko pag dating ko agad sa condo ay humilata ako sa kama ko

Miss na miss ko itong kama ko, kinuha ko naman ang cellphone ko at tinawagan ko si Hayme

"Hayme yung pinapagawa ko sayo?" Tanong ko sa kanya hindi na ako nag Hello kasi gusto ko ng malaman ang dapat kong malaman

"Check niyo po e-mail niyo Sir, sinend ko na po lahat at yung hard copy niyo ay nilagay ko sa office niyo" Sabi niya kaya naman napangiti ako at binuksan ko agad ang laptop ko

"Thank you Hayme may bonus ka saakin" Sabi ko sa kanya at binaba ko na ang tawag yes! Bastos ako wag niyo ng tanugin

Nang ma-on ko na ang laptop ko ay tinignan ko na agad ang lahat ng sinabi saakin ni Joycie noong nasa motel kami ay totoo

Isa palang well known Business man ang papa niyang si Mr. Montenegro kaso second family lang sila kaya pala hindi dala ni Joycie ang apelyedo ng papa nila sad to say namatay na ang father in law ko este ang papa nila, Meron siyang apat na kapatid na lalaki puro nasa honors ah! Nakakaproud sila Brother in laws este yung mga brother niya! Ang mama naman nila ay Factory Worker kaya laging wala kawawa naman si Mother in law wag kang mag alala di ko na kayo pag tatrabahuin

Okay dito tayo sa Ex niyang hinayupak na hindi naman ganon kagwapo! Macho lang naman!

Steven Anderson phil-am pero iniwan ng papa niyang kano! Buti nga sayo

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 12, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Friendship BabyWhere stories live. Discover now