Chapter 1

92 2 0
                                    

C H A P T E R  O N E

Beautiful

+++

BELLE


"MISS SANCHEZ!" 


"Ay, anak ng tupa 1-4-3!" ayan, nagwawala nanaman ang amo ko. Muntikan pa 'kong maslide sa gulat. Dali-dali tuloy akong tumakbo palabas  "Teka lang sir, nariyan na po!" Mabuti na lang at tapos na akong umihi. Grabe naman kasi 'tong manggulat si sir Blast! Kung makasigaw kala mo naman di ko siya maririnig.


Pagkalabas ko ay agad na nagtama ang mata naming dalawa. Kunot na kunot ang kaniyang noo at halatang wala siya sa mood. Nakapamaywang pa siya at umiigting ang kaniyang panga.


"S-Sir, sorry. Nag-cr lang ako saglit."


Nagbuga siya ng hangin pero hindi pa din nawawala ang pagkakakunot ng noo niya "Give me a coffee." sabi niya lang at dumiretso na sa swivel chair niya


Agad naman akong tumango "Right away, sir." pagkatapos ay patakbo akong pumasok sa pantry. 


Sa sobrang laki ng office na ito ay halos lahat na yata ng kailangan ni Sir Blast ay nandito na. May pantry na, may cr na tapos may kwartong pantulog pa! Pati nga desk ko ay nasa loob na din ng office niya na katapat lang ng mismong table niya! Ewan ko ba kung ganito lang talaga yung style ng private secretary pero ang pagkakaalam ko talaga dapat  sa labas ako nagsestay.


Ang awkward kaya minsan, yung feeling na katapat mo lang ang boss mo na crush mo pa! Buti na lang talaga at nakakapagpigil ako kahit gusto ko ng magwala. Professionalism at its finest! Charot.


Hindi ko tuloy napigilang mapaisip. Bakit nanaman kaya mainit ang ulo ni Sir Blast. Minsan lang naman kasi siya nagkakaganyan. Usually, he's very serious and quiet. Tapos napakasuplado pa na kapag tanungin mo ay hindi ka man  lang sasagutin! Mabuti na lang talaga at napakabait kong tao at napakaganda ko pa kaya nagagawa ko siyang pagpasensiyahan kahit na nakakagigil siya minsan.


Nagkibit-balikat na lang ako at dali-daling tinapos ang kape. Kumuha ako ng sticky note at isang ballpen. Nagdrawing ako ng lalaking chibi na nakaupo sa isang swivel chair at seryosong umiinom ng kape. Napangisi ako. Mabuti na lang pala at marunong akong magdrawing. Pagkatapos ay nagsulat ako sa gilid ng 'You're  amazing'

Idinikit ko na ito sa mug saka lumabas na ulit para iserve. Nadtanan ko si Sir Blast na nakatungo at may binabasa na kung anong papel sa mesa niya.

Napamura ako sa isip. Kahit seryoso, ang guwapo niya pa rin talaga!

Nilapag ko ang mug sa harap niya kaya napaangat siya ng tingin sakin. Ngumiti naman ako sa kaniya kahit na parang nanlalalambot ang tuhod ko  "Enjoy your coffee sir!"

Hindi siya nagsalita pero bumaba ang tingin niya sa mug. Mukhang napansin niya ang sticky note. Napatitig siya doon ng ilang segundo at saka muling nag-angat ng tingin sakin. "What is this?"

Ngumiti ako ng malawak "Ikaw yan, sir. Hehe"

Tumaas ang dalawang kilay niya "Do I look like this?" seryoso ang kaniyang tinig

Beauty and the BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon