Beauty and the Boss
P R O L O G U E***
KANINA pa siya kinakabahan at pinagpapawisan. Na halos masira na niya ang hawak niyang papel sa tindi ng hawak niya dito. Sino ba naman ang hindi kakabahan kung ang mag-iinterview sayo ay walang iba kundi ang lalaking gusto mo!
Oo tama, gusto niya si Shin Blast Alejandro--ang C.E.O. ng mismong kompanyang inaaplayan niya. College pa lang ay may pagtingin na si Belle sa binata lalo pa't iisang university lang ang pinapasukan nila. Hindi naman kasi talagang maitatangging guwapo ang lalaki. Bukod pa rito ay matalino at telented din kaya madaming babae ang nagkakandarapa sa binata. At isa na nga ron si Belle! Kaso masyadong mailap si Shin sa babae. Ni hindi pa nga niya ito nakikitang may kasamang babae sa university nila noon eh maliban sa mga pinsan nitong lalaki.Biglang bumukas ang pinto ng interviewing area at lumabas ang isang babaeng may hawak hawak na folder. Tumingin siya sa gawi nilang mga aplikante at may binasa sa hawak nito.
"Belle Sanchez?"
Nanlaki ang mata ni Belle at agad na tinaas ang isang kamay "A-Ako po."
Tumingin ito sa kaniya at ngumiti "You're next."
'Kumalma ka Belle!' Bulong niya sa sarili pagkatapos ay nagpakawala ng malalim na hininga.
Tumayo siya at sumunod sa babae papasok ng malaking kwarto. Agad niyang natanaw ang lalaking seryosong nakaupo habang hawak ang isang folder na sa tingin niya'y naglalaman ng mga résumé niya.
Pasimple siyang napalunok. Ito na talaga to! Wala ng atrasan!
Iniwan na siyang mag-isa ng babae kaya tuloy-tuloy na din lang siyang naglakad hanggang sa tumigil siya sa harap mismo ni Mr. Blast Alejandro. Bahagya siyang tumungo kagaya ng nakikita niyang ginagawa ng mga koreano sa pinapanood niyang kdrama.
"Goodmorning, sir!"
Parang nanlambot ang tuhod niya nang mag-angat ito ng tingin sa kaniya. Hindi ito nakangiti pero hindi naman mukhang galit.
Shit, ang guwapo talaga!
"What's so good in the morning?"
Belle was taken aback. Hindi niya inaasahan ang sasabihin nito. Pero kahit ganon ay hindi siya nagpahalata. She just smiled at him.
"Well it's because I finally got the chance to be interviewed for a job, sir. So, goodmorning po."
"Sit down." Seryosong anito
Agad naman siyang tumalima.
Tiningnan siya nito ng maigi pati na rin ang suot niya. Kompyansa siyang makakapasa pagdating sa appearance dahil formal and neat ang suot niya at kahit buhok niya ay maayos na nakatali. Hindi naman kailangang magmakeup talaga siya dahil na din sa kaputian niya kaya nagfacepowder lang siya at lipstick. Sana lang talaga ay hindi siya nito sungitan. Kilala pa man din ito sa university nila noon bilang most suplado guy ever!
"Tell me something about yourself."
Ngumiti siya kahit doble doble na ang kaba niya sa dibdib. Kailangan niyang magpa-impress rito. Kapag natanggap siya ay siguradong doble ang pakinabang na makukuha niya. Una, may trabaho na siya at pangalawa, masisilayan niya ang guwapong si Blast araw-araw. " My name is Belle Sanchez. I am 25 years old, single and with a good health. I graduated as a Cum Laude at Carson University, Manila with a Bachelor's degree of Business Administration. And I am here to apply as a manager in your company."
Mataman siya nitong tiningnan saka sumandal sa swivel chair nito habang pinaglalaruan ang ballpen sa isang kamay.
"Why should I hire you?"
"Well sir, I am the type of person who's very dedicated to her work and----"
"I already heard that."
"S-Sir?" bigla tuloy siyang napipilan. Nakakaintimidate talaga ang paraan ng pagsasalita nito. Kahit siguro daga ay mapapatayo ng tuwid.
"Give me an original answer."
Napalunok siya. Pinapakaba ba siya nito? Kung oo, nagtagumpay ito. Jusko, pinagpraktisan pa naman niya ang mga sagot niya ng maigi tapos hindi nito tatanggapin? Anong isasagot niya? Na kailangan na kailangan niya ng pera?
"Again, Why should I hire you?"
Hindi siya agad nakapagsalita. Parang nais niyang tumakbo palabas at mag-google muna saglit. Ni hindi man lang ito ngumingiti sa kaniya at sa itsura nito, parang wala man lang siyang pag-asa na mapapayag ito.
Agh, ano ba dapat ang sabihin ko?
"I'm waiting Miss." matigas na sabi nito
Dahil sa sobrang panic ay hindi niya na napag-isipan ang sasabihin niya. Basta na lang bumuka ang bibig niya para sumagot. "Kasi crush kita sir!"
Huli na para bawiin niya ang naging sagot. Nakita niya bahagyang natigilan ang lalaki habang nakatingin pa rin sa kaniya.
Shit talaga!
Saglit lang at bumalik na siya sa tamang huwisyo at tumikhim. Amusement is in his eyes. Parang mas lalo yata siya nahihiya.
"I'm sorry but you're not hired."
Halos mabingi yata siya sa sinabi nito. Alam niya namang malabong makuha siya nito dahil mataas ang standard nito pero parang hindi pa din niya inasahan ang naging desisyon nito. Bagsak ang balikat niya at napatungo sa kahihiyan.
Nakakainis, na turn-off yata ito sa sinabi niya. Kung bakit ba kasi yun pa ang sinagot niya!
Kahit gusto na niyang umiyak ay pilit pa din siyang ngumiti dito.
"Okay sir--"
"You're not hired as a manager but instead, you're hired as my secretary."
Saglit na natigilan si Belle, at nang maproseso sa utak niya ng tuluyan ang mga sinabi nito, agad na nanlaki ang mga mata niya. "P-Po?!"
"You heard me, you're hired as my private secretary."
Nanlaki ang mga mata niya "P-Private Secretary p-po?"
"Yes."
"T-Talaga? Oh my God! Thank you sir! Thank you talaga!" Nagtatatalon siya sa tuwa. At nang marealize ang ginagawa niya ay agad siyang tumayo ng tuwid at napakagat-labi.
Shit, doble doble na yata ang kahihiyan na ginawa niya sa araw na ito!
Napatingin siya sa guwapong binata na ngayon ay seryosong nakatitig sa kaniya. Specifically, sa labi niya!
Omg
Pinamulahan siya ng mukha dahil hindi niya alam kung pano magreact. Kaya naman nagbaba na lang siya ng tingin "P-Pasensiya na po sir. And thank you ulit." Lumunok siya "Kailan po ba ako magsisismula."
Umangat ang isang sulok ng labi nito giving her a wicked smile. "Today."
+++
BINABASA MO ANG
Beauty and the Boss
ChickLit"Why should I hire you?" "Kasi crush kita sir." +++ Belle Sanchez liked Shin Blast Alejandro--the handsome C.E.O. of A-Entertainment since they were college. All she wanted is for him to notice her. Kaya naman nang matanggap siya sa kompanya nito a...