Chapter 2

104 1 0
                                    

C H A P T E R T W O
Cousins
+++

BELLE

    PUMASOK ako sa office nang may ngiti sa labi. Actually, pagkagising ko pa lang ay maganda na ang mood ko. Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay kinikilig pa rin ako sa nangyari kagabi. OA na kung OA pero hindi ko talagawa maiwala sa sistema ko 'yon! Ikaw ba naman ang sabihan ng boss mo at long time crush mo na maganda ka! Hindi ka ba magtatatalon sa tuwa?

"Uy, Belle. Ganda ng ngiti mo ah!" Salubong sa akin ni Mang Jeffrey, iyong janitor ng ground floor.

Ngumiti ako sa kaniya ng malawak "Ganiyan talaga manong. Ang ganda ng umaga eh." Ani ko. Tumawa lang siya at nagpatuloy na sa pagmomop. Ako naman ay dumiretso na papuntang elevator.

Excited ba akong makita ang boss ko?

Agh, bakit ba kasi hindi ako makaget-over sa sinabi niya? Gusto ko tuloy maglupasay sa sahig sa sobrang kilig.


Paano na lang kaya pag ibang babae ang sinabihan niyo no'n? Siguradong mas malala pa ang naging reaksiyon nito.

Pumasok ako ng elevator. Saka ko lang napansin na may limang kalalakihan pala sa loob. Private elevator kasi ito at madalas akong mag-isa pag umaaakyat papuntang office. Sumulyap ako sa isa sa kanila at nagulat ako nang mamukhaan ito.

Isang Alejandro!

Kung hindi ako nagkakamali ay pinsan ito ni Sir Blast. Nakikita ko siya noon sa university. Kung ganon, paniguradong mga Alejandro din ang nasa likod ko.


Hindi na ako pumindot dahil pareho lang kami ng floor na pupuntahan, ang last floor kung saan ang mismong office ni Sir Blast. Kung ganon ay si Blast nga talaga ang sadya nila.


Narinig kong tumikhim ang isa sa kanila.


"Ahm, miss? Which floor are you?"

Napapikit ako. Ayoko silang makausap o harapin sa totoo lang. Gaya kasi ni sir Blast ay nakakaintimidate silang tingnan. Kahit kasi nakangiti ang mga ito ay parang maiihi ka ng wala sa oras sa kaba. Pero gugustuhin mo ding kumapit at dumikit sa kanila sa sobrang guwapo nilang lahat!

"Sa 40th floor po." Sagot ko nang hindi lumilingon sa kanila. Parang gusto ko yatang palakpakan ang sarili ko dahil hindi man lang ako nautal.


"Really? Dito ka ba nagtatrabaho?" Ibang boses aman ito ngayon. Tumango lang ako. "What is your job here?"

Napakagat-labi ako. Ito na nga ba ang sinasabi ko. "P-Private Secretary po ni Sir B-Blast." Shit. Bakit ba bigla akong kinabahan?


"Woah. Private secretary? May ganon pala siya?" Parang mangha ngunit natatawa na sambit ng isa sa kanila. "That's weird."

"And sir Blast huh? Buti hinahayaan ka niyang tawagin siyang ganon. As far as I know, Mr. Shin Alejandro ang tawag sa kaniya ng lahat." Anito. Shin kasi ang first name ni Blast.


Tumikhim na lang ako para maibsan ang kabang nararamdaman ko. Hindi talaga ako sanay makipagusap sa mga Alejandro. I didn't see this coming either. Kung noon nga sa university ay ayoko ng makahrap nila, ngayon pa kaya?

Beauty and the BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon