Chapter 1: Gabrielle Cortez

2.3K 41 34
                                    

 

 

[Gabrielle POV]

 

Sinuot ko na ang uniform ko. Isang checkered na yellow na skirt na above the knee, long sleve na puti at napapatungan ito ng light green na coat, at syempre yung red naming ribbon. First day of school namin ngayon. Naglalakad na ako papuntang school, Fourth year high school na ako sa Trinity Academy. Hindi naman masyadong kamahalan ang school na ito, pero hindi naman mura sapat lang. Mabuti na nga lang at nakakuha ako ng scholarship.

 

"Goodmorning Pres!" Nakangiting bati sakin ng isang babaeng naka pulang cord na ID bale isa siyang grade 8 student.

 

"Goodmorning din." Nakangiti ko ring bati sakanya.

 

Nagpatuloy ako sa paglalakad. Habang naglalakad ako ay hindi inaasahang may masagi ang mga mata ko. Psh umagang umaga ginagalit ako. Ginugom ko ang kamao ko at lumapit sa may pwesto nila sa may gilid ng clinic. Paktay kang bata ka, binigyan ko ng aking famous death glare yung lalaki.

 

"H-hoy! P-pre! M-mamaya niyo nalang ituloy yan! A-andiyan na s-si Cortez!" Rinig kong sabi ng isang lalaki na base sa cord niya eh isang itong Grade 9 student yellow kasi. Nakita kong nanlalaki ang mga mata nung lalaki sabay dali dali silang tumakbo bago ko pa sila maabutan.

 

"Ayos ka lang ba?" Tanong ko sa babaeng naka green na cord, she's a first year student.

 

"O-okay na po thank you." Nakangiting sabi niya sabay umalis na rin.

 

I'm Gabrielle Cortez.

 

16 years old. Hindi ako yung tipong pa girly at pa chix. Hindi ko din alam pero hindi talaga ako sanay sa mga pambabaeng bagay. Ah basta! Ayoko lang sakanila pero hindi ako tomboy! Upakan kita eh!

 

Wala na akong pamilya, solong  anak lang kasi ako at wala na akong mga magulang namatay sila sa car accident 3 years ago. Ako na ang bumubuhay sa sarili ko simula ng maulila ako. Ako rin ang kasalukuyang  Rank 1 sa school namin at kilala ako bilang..

 

Isang notorious BED Student Council President. 

 

Kilala ako bilang isang mabuti, iginagalang, maaasahan, mabait, at pinagtatanggol ang mga kababaihan. 

 

Pero sa mata ng mga lalaki

 

KILALA AKO BILANG ISANG HALIMAW, DEMONYO, AT KINATATAKUTAN! WALA AKONG SINASANTO KAHIT SINO PA YAN! BWAHAHAHAHA!  *EVIL LAUGH* 

 

Naputol ang pagtawa ko ng may tumawag sakin.

 

“Breee!” Kunot noong hinanap ko kung nasaan ang boses na iyon.

 

“Hoy babae kamusta na?” Masayang tanong ni Chelsea.

 

Chelsea Bermundo, my bestfriend magkaedad rin lang kami. Fourth year na rin siya ngayon at hindi sa pagiging bias pero perfect package na ang bestfriend ko. Mayaman na, maganda pa, matalino pa! Medyo may pagka childish nga lang pero ayos lang kasi ang cute niya naman.

Accidentally His Personal MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon