[Gabrielle POV]
“Breee! Omg ano ayos na ba buhok ko?” Tanong sakin ni Cheska.
“Breee! Eh ako? How do I look?” Tanong naman ni Chelsea.
“Che! Mukha kang giraffe! Tabi nga ako nauna magtanong kay Bree eh!” Sabat naman ni Cheska at mas lumapit pa sa may table ko.
“Gaga kung giraffe ako, edi giraffe ka rin! Kambal tayo shunga!” Sabi naman ni Chelsea.
“Duh dyosang giraffe naman noh!” Sagot ni Cheska sabay ikot ng mata niya.
“Duh edi giraffe pa rin yun!” Sagot naman ni Chelsea.
“Hoy hoy hoy tumigl na nga kayo pag untugin ko kayo eh.” Sabi ko sakanila habang gumagawa ako ng project proposal.
Nandito kami ngayon sa SCO Office. Well, sa kasawiang palad eh Presidente ako ng Student Council namin dito sa school. At mas lalong na s-stress ako dahil sa kakakinig dito sa dalawang ito.
“Bree tingnan mo naman kasi kami, baka kasi dumaan nanaman dito yung si Love at First Sight!” Rinig kong kilig na sabi ni Cheska.
“Oo nga naman Bree pansinin mo naman kami baka dumaan dito si Meant to be ko.” Dagdag pa ni Chelsea.
“Che! Akin lang siya we’re destiny you know!” Rinig kong sabi ni Cheska.
“Hoy anong destiny destiny ka diyan?? Ke bata bata mo pa Cheska kumekerengkeng ka na! Hala tabi nga diyan at sisilipin ko sa bintana at baka dumaan si Prince Charming ko!” Sabi naman ni Chelsea.
“Kyaaaahh!! Kumekerengeng ka din kambal! Mana ka talaga sakin! Hahaha usog nga at di ako makasilip sa bintana! Ang taba mo na kasi!” Sabi naman ni Cheska.
“Hoy hiyang hiya naman fats ko sa fats mo! Hmp!” Rinig kong sbai ni Chelsea.
“Baliw talaga tong dalawang to.” Sabi ko na nailing pa. Pftt hindi ko alam kung dapat ba akong mainis at magalit sa dalawang to dahil di ako nakakatapos sa ginagawa ko o matatawa ako sa itsura nila ngayon na pasilip silip sa bintana ng office ko.
“Ogaaaahhdddd ogaaaahhhhdddd! Give me some air!” Rinig kong sabi ni Chelsea. Napalingon tuloy ako at nakita kong nagpapaypay siya ng sarili.
“Ogaaaaahhhddd ogaaahhdddd! Pakibukas nga ng aircon!” Rinig kong sabi naman ni Cheska.
“Ano namang nangyayare sainyo?” Taas kilay kong tanoong.
“Omygaahhdd. Kyaaahh! Sheettt hindi ko keribels ito papunta siya dito!” Tarantang sabi ni Chelsea na halos maglupasay na sa sofa.
“Ogaaahhddd! What to do? What to do? Sheettt of paper! Teka mabango pa naman yata ang hininga ko ay teka I check mo nga kambal para sure.” Sabi naman ni Cheska at akmang lalapit kay Chelsea.
BINABASA MO ANG
Accidentally His Personal Maid
Teen Fiction"YOU.. I DON'T LIKE YOU." Mariing sabi niya sa akin habang nakatingin sa mga mata ko. Napalunok ako ng mapagtanto ko na sobrang lapit ng katawan namin sa isa't - isa sa dahilang hinapit niya ako at biglang isinandal sa pader. Pero hindi ito pwede...