[Gabrielle POV]
“Ayos na ba to?” Tanong ko sa sarili habang nakatingin sa salamin. Isang simpleng Navy blue cocktail dress ang suot ko ngayon ay este mukhang mas tamang sabihin ang pinilit ipasuoot sakin ngayon tsk
“Bree! Omg ang ganda mo talaga mana ka talaga sakin!” Salubong sakin ni Chelsea. Wow ganda talaga ng bestfriend ko nakasuot siya ngayon ng isang pink tube na dress. Nandito kasi sila ngayon sa bahay ko, sinundo nila ako para sabay sabay kaming pumunta sa Acquaintance party mamaya sa school.
“Ano nanamang kasinungalingan ang pinagsasabi mo kay Bree? Mahiya ka nga sa balat mo Chelsea! Ako ang kamukha niya dahil parehas kaming maganda duh!” Sabat naman ni Cheska. Maganda rin siya sa pink tube na dress niya ngayon kaso-
“Hoy kambal bago ka manlait tanggalin mo muna yang tsokolate mo sa ngipin! Gosh nakakahiya ka!” Sigaw naman ni Chelsea na ikinalaki naman ng mata ni Cheska.
“Hahahahaha! Para talaga kayong ewan tara na nga baka malate pa tayo!” Natatawang sabi ko sakanila.
Eksaktong 6:00 PM ang dating namin sa Trinity University kaya dumiretso a agad kami sa gym dahil 6:30 eh magsisimula na ang ball. Doon kasi ang venue ng Acquaintance party ng batch namin eh. Yung first year sa social hall, yung second year naman sa sa may paranymphus at ang third year eh sa covered court. Medyo marami rami na rin yung mga ka batch namin na nandito, halos lahat pinaghandaan ay oo nga masquerade pala ang theme namin.
“Teka! Suot na natin maskara natin!” Excited na sabi ni Cheska habang naglalakad kami papuntang gym.
“Okidokiesss!” Pag sang ayon naman ni Chelsea. Agad na naming sinuot ang mga dala naming maskara.
Humiwalay muna ako sakanila dahil kailangan kong puntahan si Ma’am Venus pati na rin ang ibang SCO officers. Pagkatapos kong mag opening remarks ay nag tuloy tuloy na ang program. Simple lang naman siya kung tutuusin. May mga palaro, konting sayawan, at syempre mawawala ba ang kainan? Nakuu yan pa naman ang favorite nila eh.
Katatapos lang magkainan ngayon, andito kami ngayon sa gitna ng gym dahil sa may isang pasabog daw ang SCO Officers. Huwag niyo na akong tanungin dahil ako mismo hindi ko rin alam, hindi ko nga alam diyan kong bakit hindi man lang nila ako sinali. Kasalukuyan ko ring hinahanap ang dalawang kaibigan ko tsk saan ba sila nagsususuot? Sige lakad lang Gab lakad langs..
AAAAAAAAAAAACKKKKKKKKKKKKK!!
WAAAAAAAAAAAAAAAHHHHH BROWN OUT!!!
YUN OH MADILIM WIWITTTT!
“Tang na juice sarap bangasan ang manyak mo tsong!” Sigaw ko sa isip ko.
WHAT THE HELL??! WHERE’S THE FUCKING GENERATOR?!! GOSHH THEY’RE SO STUPID!!
Tsk sakit sa tenga kay Angeli yung boses ah? Pero hala takte naman oh wala akong makita!! Huhuhu asan na ba kay twins???
BINABASA MO ANG
Accidentally His Personal Maid
Teen Fiction"YOU.. I DON'T LIKE YOU." Mariing sabi niya sa akin habang nakatingin sa mga mata ko. Napalunok ako ng mapagtanto ko na sobrang lapit ng katawan namin sa isa't - isa sa dahilang hinapit niya ako at biglang isinandal sa pader. Pero hindi ito pwede...