Second Move

11 0 0
                                    


"Let's go, Shana." Saad ko tsaka nag lakad na palayo.

"May araw ka rin sakin'g babae ka! You'll regret for doing this to me!!" Pahabol na sigaw ng manglolokong walang modo.

"Tss. We'll see." Pabalik na sigaw ko sakanya. Im sure inis na inis na yun sakin. Buti nga sakanya. Walang modo.

"Omg, Sofia! You look so cool back there. Bagay lang sakanya ang nangyari sakanya." Natatawang saad ni Shana. At agad naman kami nag apir dahil parehas kami ng iniisip.

"Mabaog sana ang isang yun para hindi na kumalat ang lahi nyang walang modo." Saad ko naman.

"But wait, Sofia. Ano nga ulit pangalan ng lalaking yun?" Tanong ni Shana.

Umismid naman ako. "Symon Blake Vergara ata yun?"

Nanglaki naman ang kanyang mga mata at napatakip ang kanyang kamay sa kanyang bibig. "Oh my gosh! The Symon Blake Vergara!? The playboy!?"

Umikot naman ang mata ko dahil sa sinabi niya. Yeps alam ko. Kanina pa. Slow ka kase eh. "Uh-huh. Ang dakilang mangloloko pero pinagkakagulohan ng mga bitches dito sa Hamilton International School. Walang iba."

"Omg. Siya nga! Bat di ko namukhaan?" Nagtatakang saad ni Shana.

"Tss. Makakalimutin ka kasi eh." Ani ko sakanya.

Kilala naman talaga ni Shana yung gagong yun. Pero makakalimutin ang isang to. Basta hindi siya interested sa tao, nawawala sa isip niya dahilan upang malimutan niya.

"That boy. Grabi ha? Ang rude! Bakit ba pinagkakaguluhan parin yan ng mga babae dito eh ang pangit naman ng ugali, mangloloko pa. Iiwan at iiwan rin naman sila pagkatapos makuha ang gusto nilang kunin? Gahh." Naiiling na saad ni Shana.

"Well, they're bitches, Shan. What do you expect? Mga makakati kase eh." Walang ganang ani ko sakanya.

Nang makarating na kami sa gate, nakita na namin ang aming mga sundo kaya nag paalam na kami sa isat-isa. Sumakay na ako sa sasakyan namin at ipinikit ang aking mata. Iidlip muna ako. Sakit pa naman ng pwet ko.

-----

"Maam, gising na. Nandito na po tayo."

Nagising ako dahil sa pag gising sakin ni manong. Nag thank you naman ako sakanya tsaka pumasok na sa loob.

As usual. Ang tahimik ng bahay. Pano ba naman kase? Ako si kuya at ang mga maids ang tao rito.

My mom and dada? Nah, they're not here. Nasa ibang bansa sila busy sa negosyong pinatatakbo. While si kuya, tuwing alas dyes ng gabi na yan umuuwi. Barkada you know. Palagi pa silang tumatambay kahit saan.

Umakyat na ako saking kwarto tsaka naligo at nagbihis. Pagkatapos nun, bumaba na ako pra kumain ng dinner. 

"Nay, wala pa po ba si kuya?" Tanong ko kay nanay celia. Yung katulong namin na para ko na ding nanay.

"Si Sean ba? Wala pa ang batang yun. Alam mo naman na mamaya pa yun uuwi. Ay nako ang batang yun." Naiiling na sagot ni nanay.

Naka arrange na ang mesa at ang kakain na lang ang kulang. In this 10 seater dining table, ako lang ang kakain. How lonely.

Tumingin ako sa gawi ni nanay. "Nay, saluhan mo naman ako kumain oh. Ang lonely lonely ko rito. Wala akong kasama."

I dare you to fall in love with meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon