"WALANG HIYA KANG GAGO KA!! KISS STEALER!! MAMATAY KA SANA!!" inis na sigaw ko sakanya. Di ko maiwasan mapa iyak. Mapa iyak dahil sa inis at galit na nararamdaman ko sakanya.
Hinuli niya naman ang kamay ko para hindi ko na masuntok ang dibdib niya.
He showed me his devious grin. "Told ya, you'll regret it."
Kinuha ko naman ang kamay ko sakanya at tinuhod siya. I dont care kung mabaog siya. Bagay lang yun sakanya.
Napa pikit siya sa sakit. "P-pag ako na b-baog... M-malilintikan ka."
Lumapit naman ako sakanya tsaka ibinulong. "As if im scared. You started it. Gago ka. Kwits lang tayo."
Pagkatapos nun, hinigit ko na si Shana palayo. Im sure marami ang nakakita ng scene na yun. Nakakainis. Pag hindi pa talaga ako titigilan ng gagong yun, papatayin ko talaga siya--- ay wait.
Wag. Mapupunta ako sa impyerno pag pinatay ko siya. Makikita ko rin siya doon, so tutuhodin ko na lang siya hanggang sa mabaog siya at hindi na magtuloy tuloy ang gagong, walang modong, bastos na lahi niya.
"Uhm. Sofia? Are you okay?" Tanong ni Shana.
"Do i look okay, Shanaya? Pagkatapos nakawan ng halik ng gagong yun? Aish! First ko yun eh! Ni ex ko ni hindi naka halik sakin dahil bata pa ako! Sixteen pa ako gosh. Sino siya para nakawan ng halik ang precious lips ko? Argh!" Inis na saad ko kay Shana.
Hindi na nag salita si Shana dahil alam niya na bubulyaw lang ako. Naiinis parin ako. Nang naka labas na kami ng gate, pumara ako ng taxi.
"Saan tayo, Sof?" Naguguluhan na tanong ni Shana.
"Mall, diba dun talaga plano natin ng hindi pa sinira ng gagong yun ang hapon ko?" Saad ko at tumawa naman siya.
"Seriously, Sofia? After ng lahat ng yun? Gusto mo pa rin mag mall? Baka gusto mo umuwi na? Postpone muna natin ang malling?" Sabi naman ni Shana at kumonot ang noo ko.
"Anong gusto mo mangyari, Maria Shanaya? Mag mukmok ako sa bahay dahil sa nangyari? Pag nag mukmok ba ako, mag re-rewind ba ang oras? Hindi naman diba? Kaya, mag mall nalang tayo." Inis na saad ko, tumawa naman siya.
Sumakay na kami ng taxi at nagpa hatid sa Starks Mall. Nang nakarating kami don, nag ikot ikot na kami.
"Saan tayo, Shan?" Tanong ko sakanya.
Inligay naman ni Shana ang kanyang hintuturo sa kanyang pisnge na wari moy nag iisip. "Hmm. Sa DQ tayo? Ice cream! Game ka?" Nakangising suhestyon ni Shana.
Ngumisi naman ako at tumango. "Nice idea, Maria. DQ it is." Saad ko at tumakbo. Alam kong magagalit yun dahil tinawag ko siyang Maria.
"Sofia Zelice!! Wag sabing tawaging Mariaa!!" Sigaw sakin ni Shana. Kaya tumakbo naman ako papuntang DQ. Pinag titinginan siya ng mga tao dahil sa sigaw niya kaya naman tumakbo na rin siya. Gaga naman kasi, bakit sumigaw eh nasa mall kami.
Nang makarating ako sa DQ, hindi ko inaasahan ang makakaharap ko. Sa lahat pa naman ng makakasalubong, sila pa?
Nagkatinginan lang kami tatlo. Gusto kong magsalita pero, walang lumalabas na salita sa bibig ko.