"Kahapon ng uwian, balitang may nakakita kay Symon Vergara na tinuhod ni Sofia Mendez. Ang hindi nila alam, bakit tinuhod ito ng dalaga? Ano ba talaga ang nangyari?"
See, may mata't tenga talaga ang lupa at nalaman pa nila ang nangyare kahapon. Wala na namang halos tao kahapon ng mangyare yun ah?
Well, it serves him right. Kahit na ibalik pa ulit yun sa sitwasyon na yun, gagawin at gagawin ko parin yun. Walang modo kaya ang lalaking yun.
Gossips really flies fast than news.
"Wow, ang bilis kumalat ng chismis ah? Mas mabilis pa sa epidemic na sakit." Naiiling na sagot ko.
"Eh bakit mo kasi sinipa ang junjun ni Symon, Sofia? Inano ka ba niya?" Iratadong tanong ng isa kong kaklase. Nako nako. Baka isa to sa mga tanga na nagkakagusto sa walang modong lalaking yun.
"Tss. Its his fault. Kung nag sorry lang siya hindi naman aabot don. Gago kasi siya kaya, serves him right." Bored na sagot ko sakanya.
Kung nakakamatay lang ang tingin, im sure kanina pa ako dito nalagutan ng hininga. Grabe din tung mga babae ng lalaking yun ah? Gusto na yata nila ako patayin.
Marami pang nagtanong pero di ko sinagot. Wow, daig ko pa ang artista na nagpa press conference sa dami ng tanong na ibinabato nila ah?
"Guys, ano ba? Tahimik! Nakakairita. Tanong ng tanong, ano to, Tonight with Boy Abunda? Karindi. Tahimik nga!" Inis na saad ni Shana.
"Good move, Maria." Natatawang saad ko with my thumbs up.
Kinurot naman niya ako bigla kaya napa 'aww' ako.
"Dont Maria me, Zelice. Tahimik. Magpasalamat ka na nga lang, ganyan pa. Pwe."
Natawa naman ako sa sinabi niya. Sakto naman dumating na ang teacher namin at nag start na ang klase.
---
Nandito kami ngayon ni Shana, naglalakad patungong Cafeteria. Alangan naman lumipad o gumapang kami papunta dun no?
Napahinto naman ako sa pag lalakad ng may bigla na lang humablot ng kamay ko. Nang hinarap ko, wow. Ang Symon 'Walang modo/ Mangloloko' Vergara lang naman ang nasa harap ko.
I just gave him my poker face expression. "Anong kailangan mo?" I said with my not-interested-tone.
"Ikaw. Alam mo bang ang sakit ng ginawa mo sakin kahapon?" Iratadong tanong niya.
"Oo. Alam kong masakit yun. Kala mo sakin, manhid? And by the way, bagay lang yun sayo." Saad ko naman with my bored tone on.
Tumawa naman siya. Yung sarkastikong tawa. "You'll regret for messing up with me." Saad niya gamit ng mapangbantang boses.
Tumawa naman ako. "Oh really? Gosh. Should i hide now? Im afraid." I said with my voice full of sarcasm.
Nag tagis naman ang kanyang bagang. Meaning, He's pissed! Yes. Mainis ka please! Im enjoying it.
"Watch out, baby. You'll really regret messing up with me." Saad niya naman. Wow? Paulit ulit?
"Wow, Unli? Paulit-ulit? Kung wala ka nang sasabihin, Shoo na! Pasikat, you're just making a scene." tsaka tumingin sa gawi ni Shana. "Let's go, Shanaya." Saad ko at naglakad na kami papuntang cafeteria.
At habang naglalakad kami papunta don. Nag chi-chismisan na naman ang mga palaka. Ingay.
"Tss. Akala mo ang ganda, di naman."
Gaga! Mas maganda ako kesa sayo! Mukha akong dyosa. Ikaw, palaka!
"The nerve she has! She messed up with my baby Symon. Makakatikim siya."
Tss. Baby Symon!? Baby daw. Mukha nang anak ng tikbalang! Gwapo na sana, gago lang.
"Im more pretty than her. Look at her! That bitch messed up with my Symon."
Tss. Mas maganda ako hoy no. Again, Gandang dyosa ako. Ikaw gandang manika. Yung plastic, walang utak, at higit sa lahat pinag lalaruan lang.
"They're very noisy. Sinasadya ba nilang marinig ko pinag uusapan nila? As if i care." Inis na saad ko kay Shana.
"Di ka pa nasanay? Tinuhod mo kase ang lalake nila, plus nakita pa kayo kaninang nag uusap na sinasagot mo lang ng sarkasamo. Yet, im so proud of you." Natatawang saad ni Shana at kinindatan ko lang siya.
Ako ba naman magpapatalo sa gagong yun? Nah. Never.
Nang makarating kami sa cafeteria. Nag order na kami ng pagkain. Nang nakuha na namin ang order namin, naghanap na kami ng pwestong available at umupo dun.
Habang kumakain kami ni Shana. Nag tatawanan kami dahil sa mga kalokohan na naisip namin. Natahimik ako ng mahagip ng tingin ko ang dalawang pamilyar na mukha.
They're so sweet. Tumatawa siya. Those smiles. Dati, tumatawa siya dahil sakin, ngayon dahil na sa iba.
In just a glimpse of an eye, everything changes, feelings fade, fast.
Noon, ikaw ang mundo niya, ngayon di na. Pero ang tanong, naging mundo niya ba ako? O ako lang ang nag iisip non?
Napailing naman ako sa iniisip ko. Damn, Sofia! Move on.
"Hello!? Earth to, Sofia? Are you still there? Nakikinig ka ba?" Inis na saad ni Shana.
Tumawa naman ako. "Sorry, Shan. May naisip lang. You were saying?"
Umikot naman ang mga mata niya. "Gosh. I cant believe im just talking while no one is listening. You're spacing out again. Is it because of him na naman?"
Yes. I spaced out 'cause of him na naman.
"Of course not. I just missed my parents. Kain na tayo?" I said and she just eyed me like she doesn't believe my alibi and i just rolled my eyes at her.
"You cant fool me." She said in a serious tone.
Tumawa naman ako. "Yeah. I know." She really know me.
-----
At sa wakas! Thank you Lord! May naisagot ako sa ke haba habang quiz ni Sir Garcia.
"Gosh, buti hindi ako kumagat sa temptasyon ng mobile legends at nag review ako kagabi. Kung hindi, wala siguro akong maisasagot." Natatawang saad ni Shana.
"Hoy, Shanaya. Na aadik ka na sa larong yan ah?" Saad ko sakanya.
"Mabuti na rin to, Sofie. Kaysa naman sa marijuana o shabu ako maadik no? So, dont stop me." Natatawang saad niya.
Tama din naman ang isang to noh. Nandito kami ni Shana (Si Shana lang naman talaga ang kasama ko kahit saan.) Sa corridor naglalakad. Kase uuwi na kami. Shortened ang klase kase may meeting ang mga teachers kaya pwedi na kaming umuwi. May plano kami ni Shana mag window shopping ngayon. Pawala ng stress sa buhay ng bigla na lang may humablot ULIT sa kamay ko. Ano ba naman ang araw na to? Panay nalang hinahablot ang kamay ko. Bored akong humarap habang di tumitingin sa taong humablot sakin. Naka tuon ang pansin ko sa kamay ko.
"Ano ba naman to. Gusto niyo ba ang kamay k---" napatigil ako sa pagsasalita when he touched my chin and pulled it up so that i can meet his gaze. Langjo. Hindi ba ako titigilan ng lalaking to!?
"Ano na naman ba kailangan mong lalake ka!? Panay hablot ka ng kamay ko kanina p---" napatigil naman ako ng bigla dahil sa ginawa niya.
*PAKKK!*
"WALANG HIYA KANG GAGO KA!! KISS STEALER!! MAMATAY KA SANA!!!"
BINABASA MO ANG
I dare you to fall in love with me
Roman pour Adolescents"Watch and im gonna make you mine."