Chapter Four

499 21 6
                                    


"Action speaks louder than words. Kung ayaw nyang maniwala sa sinsabi mo, edi ipakita mo nalang sa kilos mo".

🌸🌸🌸🌸🌸


Dumaan pa ang mga araw and I used to see Caleb always with Miggy. The nerve! Ang sakit nila sa mata.



"Hey Dev! Ma'am De Guzman wants to talk to you". Ani sa akin ni Melanie co worker ko.



"Okay Mel's susunod na ko. Thankyou!"Si Mrs. De Guzman ang CEO ng company na pinapasukan ko. Wala na kaming masabi sa kanya dahil sobrang bait nya at halos lahat ng empleyado dito sa firm ay kasundo nya.



*tok *tok



"Come in"Nakangiting saad ni Mrs. Gonzales



"Goodmorning Ma'am. Gusto nyo raw po akong makausap?"Kinakabahan ako dahil bihira kami kausapin ng seryoso ni Ma'am. Nakasanayan namin na palagi siyang palabiro kapag nakakaharap namin. Even though nakangiti sya ngayon, naiintimidate parin ako.



"Okay Ms. Gonzales, hindi na ko magpapaligoy ligoy pa.."seryosong sabi nya habang nakatingin sa mga mata ko.



"Tatanggalin nyo na po ba ko Ma'am? May nagawa po ba kong mali? May nalabag po ba kong rules sa company?"feeling ko maiiyak na ko. I badly needs this job.



Kinunutan nya ko ng noo at namamanghang nakatingin sakin."Hahaha. No! No Devon, I will not fire you. Lalo na at isa ka sa mga taong pinagkakatiwalaan ko dito sa company. Well, honestly. I want you to accompany someone for me. Yung isang business kasi namin sa Paris is nagka problema at kailangang kailangan ako don. That's why I decided na yung pamangkin ko muna ang papalit sakin dito. At ikaw muna ang bahalang mag aassist sa kanya. Is it okay with you?".



"Yes ma'am. Oo naman po, I will do everything you ask me to do. Akala ko po talaga ma'am tatanggalin niyo na ko sa trabaho e."


"Ofcourse not. Anytime soon he will be here. Hmm. Medyo pakihabaan ang pasensya sa kanya huh. May pagkapasaway kase yun eh!".



"Opo ma'am. Thankyou po!"


--------


Lunchbreak na. Nandito kami ni Karla at Grace sa resto katapat ng building namin.


"Dev you know what, may nasagip kaming chismiss. Si Angelo raw bumalik na ng bansa". Nabitin sa ere ang pagsubo ko dahil sa sinabi ni Grace.


"Trulaley! Nakausap ko kase si Trevor last time. Then ayun na nga, naopen nya bigla si Angelo". Dagdag ni Karla


Hindi ko alam kung paano ako magrereact. Kung ano ang dapat kong maging reaksyon, pero isa lang ang sigurado ako. Ayoko ng makita pa ulit siya. Dahil naalala ko ang lahat. Ang sakit na binigay nya sakin.


"Ganon ba? Dapat hindi na sya bumalik eh. Toxic lang siya dito."Pinagpatuloy ko ang pagkain ko. At hindi na umimik ang dalawa. Siguro ramdam din nila na ayaw ko ng pag usapan yon.


"Excuse me. Girls pwede bang makijoin sainyo?"Dug. Dug. Dug. That voice, namiss ko talaga.


"Caleb! Sure. Halika tabi tayo"Hindi na naman mawala ang ngiti sa labi ko.


"Ligayang ligaya gorl? Nakita mo na naman ako kaya masaya ka noh!"Umupo sya sa tabi ko. Buti hindi nya kasama si Miggy


"Syempre naman. Alam mo namang ikaw lang ang nakapagpapasaya sakin e"Deretsong tingin ko sa kanya at kinindatan siya.


"Ahhh! Karleng at Grasya pakilayo sakin tong kaibigan nyo please. Nangingilabot ako". Maarteng sabi ni Caleb


"Hahahaha. Bahala kayo dyan. Basta kami kakaen lang. Diba Karleng?" Tinanguan lang sya ni Karla at nagpatuloy na sa pagkaen.


"Myloves kaen kana rin. Share tayo sa food." Kinindatan ko si Caleb at malokong nginitian. Ang gaga sinamaan lang ako ng tingin.


Pregnant By a gayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon