K-kyle""D-devon?"
Ghaddd!! Panaginip lang to. Hindi to to totoo
*PAKKKKK*
Biglang sampal ko sa sarili ko
"Huy! Totoo to!" Nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang braso ko.
Bakit kailangan mo pang bumalik Kyle?
Agad kong tinanggal ang pagkakahawak niya sa braso ko.
"S-salamat sige aalis na ko!" Paalis na sana ko pero bigla nyang hinawakan ang kamay ko
*dug*dug*dug
Caleb nasan ka ba? Save me from this please
"B-bakit?"
"Can we talk?!" Talk? Pakshit ka. Matapos mo kong lokohin may gana kapang makipag usap!
"ah eh.. Lingon.. Lingon... At dahil sa nakita ko si Yabang este si baste hinila ko sya palapit sakin Hindi pwede eh magagalit Ang boyfriend ko". Yakk! Mapapasubo ako nito patay.
Tinitigan ko naman si yabang para sabihin na sumakay nalang sya.
"ahh ganon ba" malungkot na sabi nya Totoo ba na I see pain in his eyes o namamalikmata lang ako
"Sige aa next time nalang may lakad pa kami e diba babe?!"Sabay kindat ko Kay baste
Urghhh! Devon patay ka mamaya pano mo lulutusan to
"s-sige bye!"
**
"Hoy ikaw! Anong kalokohan yung kanina ha dinamay mo pa ko!!" Sigaw sakin ni baste
"Sorry na okay. Nagipit lang ako sa sitwasyon!" Pagpapaliwanag ko sa kanya
"Huh! Stalker mo siguro yun no?!"
"Psh.Hindi no!! Ex ko yun!" waaa bakit Ang daldal ko T.T
"Awwwts. ex huh? Teka diba may lakad tayo BABE so Tara na?" Talagang pinag diinan pa niya ang pagtawag sakin ng babe huh. Nakangiting tagumpay Ang loko
"Gago!! Hindi totoo yun!" Sabi ko sabay irap sa kanya. Kung may choice lang ako hindi ko naman gagawin yun ee
"aa Hindi ba? Diba ayun yung lalaki kanina ( sabay turo nya Kay kyle na nasa counter!"
"Oo bakit?!"
"Sasabihin ko na Hindi mo ko totoong boyfriend" Urgghhhh
"Aist bwiset! Oo na Tara na Ali's na tayo. Pero its not a date k."
"Haha. Papayag ka din pala e. Let's go babe!" aakbay pa sana siya sakin pero agad kong hinawi ang braso niya at iniwan sya habang tawa ng tawa
"Babe your face!!"Pahabol kong sigaw at inunahan ko na siyang maglakad.