*******
This Chapter is Dedicated to PrincessStolen
*****
"Love is blind"
---------
Abala ako sa pagliligpit ng gamit ko dahil it's already 5pm. Out na kami from work. Aside from being friends, katrabaho ko rin si Karla at Grace. Pati rin si Caleb pero sa ibang department siya.
"Si Caleb yun diba?" Sabi ni Grace
Napalingon ako sa kung saan siya nakatingin.
"Oo nga no. And guess what he's with Miggy. Tsk! Tsk! Nakakapanghinayang talaga yang dalawa na yan!" Nakasimangot na saad ni Karla
Tsk! Nakakapanghinayang naman talaga e. Biruin mo sa dami ng gwapo sa mundo, nakabilang pa tong dalawa na to sa LGBT psh.
"Baka sila na" walang gana kong sagot at pinagpatuloy ang ginagawa ko. Palabas na si Caleb at Miggy sa building. Mukhang pinuntahan pa siya ni Miggy dito.
"Hay nako! Sayang ang feslak ng dalawang yan. Kung hindi lang beki si papa miggy ay nako! Susulutin ko talaga kay Caleb yan. Hahahah" Inis na binatukan at inirapan sya ni Grcae.
"Hoy karleng! Magtigil ka nga riyan. Alalahanin mo may jowa kang naghihintay sayo sa labas" sermon nya dito.
"Oo na. Ere naman hindi mabiro. Siguro bet mo rin si papa miggy no. Hahaha!" Pang aasar nya dto. Ngunit masamang tingin lang ang ibinigay sa kanya ni Grace.
"Girls tara na." Aya ko sa kanila
"Owww! Parang hindi affected ang friendship natin no Grace?"Pagpaparinig ni Karla. Alam naman kase nila kung gaani ko kagusto si Caleb.
"Tss si Dev paba. Mukha lang di affected yan pero deep inside nasasaktan na yan". Tama si Grace. Sobrang nasasaktan ako.
"Tsk! Tama na nga yan. Tara na at gagabihin na tayo masyado ng uwi. Karleng seeyaaaah tomorrow! Let's go Grace" Iniwan na namin si Karla dahil nandun na ang sundo nya.
Habang naglalakad kami ni Grace palabas ng building napahinto ako. Nakita ko kasi si Caleb at Miggy sa coffee shop sa tapat. Mukhang nag succeed agad ang bruha na magpapansin kay Miggy huh! That fast really?! Hindi manlang nagpakipot tong isang bakla nato. Grabe!
"Hoy babae easy ka lang, baka mamaya ako ang masuntok mo ha!" Sabi ni Grace at kinalabit ako.
Saka ko lang napansin na nakayukom na pala ang dalawang kamay ko. Tangina! Nakakaselos!
"Affected much ha! Dagdagan mo pa kase ang effort mo Dev. Sigurado ko na kakagat din yang si Caleb sa beauty mo" Heto ang isa sa mga dahilan kung bakit gusto kong kaibigan si Grace dahil supportive sya at hindi judgemental.
"Tama ka girl! Tingin mo do I need a make over? Or do i need to buy new stuffs?"
"Hm i guess so. So G na tayo. My treat this time".Nakangiting sagot nya at umalis na kami sa lugar na yon.
"Masyado mo kong pinasasakitan Caleb, well maghanda kana at unti unti kanang mapapasakin".
-------
❤@bimbini