#972 in Short Story 😊
Keep on Reading & Voting readers ❤
*****
Devon's POV
7:50am. Oh god! Bakit ngayon pa ko nasiraan nakakainis. Naku! 10minutes nalang malalate na ko. Dinial ko ang number ni Kuya Carl siya ang mekaniko na palaging tumingin sa sasakyan ko everytime na nagloloko o nagkakaproblema to. Tss! Pati sasakyan nagloloko na, akala ko si Caleb lang. I mean tao lang.
Nang dumating si Kuya Carl nagsimula na kong maglakad papunta sa terminal ng jeep as usual pahirapan na naman. Kaya ang hirap ng buhay kapag commuters e maghihintay ka tapos ang ending siksikan pa. Gosh! 8am na late na talaga ko nito. Yari na ko hayys.
*Kringggg* *Kringggggg*
Agad kong kinuha ang cellphone ko sa bag. Baka si Ma'am na to. "Hello?"kinakabahan kong saad.
"Dev okay ka lang? Si Grace to. Nasan kana? Bakit wala kapa dito sa office?"halata sa tono ng boses nya na nag aalala siya. Pano ba naman ito ang unang beses na malalate ako. At mukhang hindi lang basta late dahil baka abutan ako ng isang oras kakaantay ng masasakyan dito.
"Nasiraan kasi ako eh. Pero otw naman na ko nag aantay nalang ako ng masasakyan".inip na inip na ko kakaantay ng jip kainis. Ang tagal naman.
"Nako ganun ba? Wrong timing naman. Kailangan mong magmadali, ngayon kasi ang dating ng pamang---hindi ko na narinig pa ang sumunod na sinabi ni Grace dahil sa ngyare
*SPLAASSSHH* *SPLAAASSSH*
WTF! Tangina. Araw ko ba ngayon!
Pinatay ko ang tawag ni Grace at mabilis na hinabol ko ang kotseng itim na kadaraan lang sa harap ko.
*tok* *tok* *tok* Kinatok ko ng kinatok ang bintana ng sasakyan. Hindi ko tinigilan hangga't hindi ko nakakausap ang driver na mayabang na yon!
"Hoy! Kung sino ka mang nasa loob lumabas ka nga rito!".Gigil kong sigaw
Nakakainis! Bwiset! Pano pa ko papasok nito puro putik na ang suot ko. Kung hindi lang dahil sa kaskaserong driver na to hindi to mangyayare eh!
"Hoy bingi kaba! Hindi mo ba ko naririnig! Bumaba ka dyan."Hindi ko alam kung nag bibingi bingihan yung nasa loob pero nakakaimbyerna na.
Unti unting bumaba ang salamin ng sasakyan niya. Tsk!
"Miss take this. I really need to go!"Seryoso syang nakatingin sakin habang hawak ang dalawang libo.
Agad nanlaki ang mata ko dahil sa ginawa nya. Tangina! "Hoy mister hindi ko kailangan ng pera mo! Ang kailangan ko yung paumanhin mo. Aba ang angas mo naman!tinabig ko ang kamay nyang hawak ang pera at nakapamewang ko siyang hinarap.
Instead na sagutin ako sinara na nya ang bintana ng sasakyan niya at umalis na. Pero dahil sa sobrang badtrip ako ngayon hindi ko na alam kung tama o mali ang gagawin ko. Dinampot ko ang malaking bato na nasa harap ko at ipinukol yon sa papalayo nyang sasakyan. Bwiset!
*Boggggsssshhh*
Bulls eye! Hahahaha. Bagay yan sayo dahil sa kayabangan mo. Nang marinig ko ang pagkabasag ng side mirror nya ay agad na kong tumakbo papalayo. Well! Im sure naman na hindi na kami magkikita pa. Sobrang yabang bwiset.
9:45am
Hay nako! Hindi na ko makakapasok neto dahil sa itsura ko at sobrang late na. Nasayang ang isang araw ko dahil sa mayabang na lalaki na yun. Makarma ka sana. Urgh!