Chapter 4: DreamSachie's POV
Napanganga nalang ako nang masulyapan ang kabuuan ng kwarto ko. Ako lang daw ang may-ari ng kwartong ito pero halos kasya na kaming pito sa laki nito, Mayroon itong sariling kitchen, sariling Bathroom, may salas at may bedroom pa.Para akong may sariling Condominium. Ang mga kaibigan ko naman gaya ko na may sari-sariling kwarto.Hindi ako sanay mag-isa at lalong hindi ako sanay na wala sina Mama, Papa at Nathan sa tabi ko.
Si Nathaniel Zone Rio , ang kapatid ko, mas bunso sya sa akin ng 3 years, malapit kami sa isa't isa kahit walang hiya sya at pasaway! Hayyysssshhh! Miss ko na agad ang mokong na yun.
*tok-tok-tok*
"Ay Itlog!" Napapitlag ako nang may kumatok sa pintuan.Bastos na! May iniisip ako tapos kakatok katok.
Sino ba ito?
"Oh guys!" Bungad ko sa mga kaibigan ko nang buksan ko ang pinto.
Kompleto talaga kayong anim ha.
"Ano bang meron?Meeting?" Hindi ko pa sila pinapapasok, nakapasok na sila at may kani-kanilang pwesto na sa sala.
"Bakit ka pumayag na mag-stay tayo dito?" Tanong ni Almira at humilata sa couch.
"Oo nga, Paano yung field trip?" Wika naman ni Giselle.
"O sege nga guys sa tingin nyo may choice tayo?eh kung kanina nga di tayo makalabas!" Saad ko.
"Baka naman kinukulong lang nila tayo dito!kaya di din mabuksan yung gate dahil may ginawa sila." Nakahalukipkip na sabi ni Nesty.
"Bakit naman nila gagawin yun?" Tanong ko.
Bakit nga naman nila gagawin yun? Eh ngayon nga lang kami napadpad sa lugar na ito.
"Hindi natin alam Sachie, pero kung totoo man ang sinasabi ni Nesty at kinulong tayo dito kailangan natin gumawa ng paraan!" Wika ni Kenzo na nakapagbigay idea sa akin.