Chapter 1

17 2 0
                                    


Chapter 1:  Meet Sachie.

Sachie's POV

*togs-togs-togs-togs*

Bumungad sa akin ang nakakabinging tugtog ng bar pagpasok ko palang sa entrance.

"Asan na ba yung baklang yun" iritableng wika ni Belle "Duh' Hindi ba nya naiisip na nandito na tayo?" Dagdag pa nya na may halong kaartehan.

She is Ysabelle mar Santiago, also known as Belle ,Sa lahat ng kaibigan ko sya ang pinakamaarte at masungit.

"Guys!"exited na sigaw ni Giselle at patakbong lumapit sa amin ni Belle ,kami lang ni Belle ang magkasama kasi yung Lima naming kaibigan ay nauna na sa amin nahuli nalang kami kasi antagal magbihis ni Ysabelle.

Si Giselle Carmella Villarin, ang chismosa pa sa chismosa at maingay pa sa maingay naming kaibigan.

"Asan ba sila?" Tanong ko nang makarating si Giselle kinaroroonan namin.

"Nandun sila, Let's go?"

Halos pasigaw na sambit ni Giselle dahil baka hindi namin marinig ang sasabihin nya sa ingay ng stereo.Binalingan ko ng tingin ang itinuto nyang direksyon at sinundan ang nauna nang si Belle.

"Sachie, Drinks?"offers sa akin ni Kenzo.

Meet Kenzo Thuor ang pinaka tahimik kong kaibigan heartthrob sya sa school namin dahil varsity player sya, crush din sya ni Giselle pero hindi ko alam kung alam nya yun.

"Thank you" sabi ko sabay abot ng juice na binibigay nya.

"Hey! Babe! Tara sa dance floor."pag-aakit ni Paul sa babaeng dumaan, sumipol pa ito.

"Uhm! Dance floor mo mukha mo!" Agad napangiwi si Paul nang batukan sya ni Almira.

Si Paul Carlo Villarin, kapatid sya ni Giselle, may pagka-playboy ang isang toh pero alam kong kahit ganun sya mahal nya ang Girlfriend nya.Si Almira Forbe girlfriend ni Paul mahilig sya mambatok lalo na sa Boyfriend nya.

Abandoned Academy Where stories live. Discover now