Chapter 3: Abandoned Academy
Sachie's POV
Kahit hirap at nanghihina pinilit kong ibangon ang sarili ko para tingnan ang kalagayan ng walang ulirat kong kaibigan.
"Belle...Belle it's me Sachie are you okay?"tanong ko nang makitang nagkakaroon na ng Malay si Belle habang si Giselle ay umiinom na ng tubig, mahina kong tinapik ang pisngi ni Belle at sa wakas nagmulat na ito ngunit halata pa din ang panghihina.
"C-can I have water?" Request nito na kaagad naman naming ibinigay.
"Guys! Tingnan nyo!" Nabaling ako kay Kenzo at tumayo para makita kung ano ang itinuturo nya.
Pumihit ako sa banadang kaliwa ko dahil doon ang direksiyon na tinuro ni Kenzo.Umawang ang labi ko at natulala sa nakita ko.Ang Kaninang gusali na naglulumot, ngayon ay buhay na buhay ang puting pintura na napakalinis tingnan ,mukha pa ding bago ang mga ukit sa haligi na lubos nagpahanga sa akin lalo na ang napakagandang disenyo nito. Ang paligid na mga tuyong dahon kanina ,ay napakalinis, Ang nakakatakot na Aura ng paligid dahil sa ni-isang tao ay wala,, ngayon ay napakadaming mga nagkalat na estudyante.Ang mga halaman na kanina'y halos lanta na, ngayon ay nagpaganda sa napakalawak na Hardin ng akademya.
"How did this happen?"narinig kong takang tanong ni Nesty.
"It was amazing!"naamaze na wika ni Almira.
"Diba kanina...Luma na yan?"kunot-noong saad ni Kenzo "Paano nangyaring nabuhay muli ang mga bagay tulad ng building na yan? Saka walang tao kanina diba?"dagdag na taka ni Kenzo.
"I don't know Kenzo, but there's something wrong with this"matigas kong saad, impossible naman kasing sa maikling panahon ng pagyanig napinturahan na ito ng bago at maraming estudyante na kaagad ang nakapasok.
"Al--" di ko pa naituloy ang salita ko nang may tinig mula sa likod ang gumulat sa akin.
"Welcome to Abandoned Academy! Newcomers!" Wika ng tinig mula sa likod .Tinapunan ko sila ng tingin.
3 sila. 2 lalaki na naka-black slacks and white long sleeve with Maroon Vest. Ang isang lalaki ay may eyeglass habang ang isa ay nakatirik ang buhok.Ang nagiisang babae naman ay naka maikling paldang maroon, naka-long sleeve na white at may kulay maroon na necktie gaya ng soot ng mga istudyanteng babae na nagkalat, she has her shoulder's cut hair at kung hindi ako nagkakamali siya ang nagsalita.
"Sino kayo?Saka bakit kayo nandito"tanong ni Almira.
Tinaasan kami ng kilay ng babae saka nagsalita"Wala kaming dapat iexplain?"maikling sagot ng babae"Just come with us!"dugtong pa nya.
