Chapter 4: His Thoughts

20 3 0
                                    

____________________________________

"NO! Hindi pwede" mukhang nagulat silang dalawa sa nasabi ko. Hindi pwede silang magsama. Not now nor ever!

"Ms. de los Reyes. Madali lang to kaya pwede ba pumasok ka na kasi hinahanap ka na ni Mama" ano namang ginagawa ng mama nya sa loob ng principal's office?

"Mama?!" sabay ulet namin sinabi ni Sha.

"Basta pumasok ka na" hinila nya si Sha palayo sakin pero kinuha ko ang isang kamay ni Sha.

"Sabing hindi nga ako papasok dyan hanggang hindi ko kasama si Sha! Kaya pwede ba kukunin ko na sya dahil hindi naman sya sayo!" at hinila ko na nga si Sha papunta sa principal's office. O.A. na kung O.A. pero hindi talaga ako makakapayag na magsama silang dalwa.

"Bakit ba ang harsh mo kay Jace ko? Mabait naman syang tao ah" yun ba ang definition mo ng mabait, Sha?

"Mabait? Baliktad na ba ang utak mo para matawag mong isang mabait ang lalaking yun and for your information hindi sya sayo at wag na wag mo na syang lalapitan kasi may sakit syang nakakahawa"

"Huh?! Ano yun?"

"KASUNGITAN, kaya tingnan mo ko. Nagsusungitan na tuloy kita!"

"Hmp! Ang bad mo talaga!" Bad na kung bad, Sha! As long as mailayo kita sa kanya, ipagpapatuloy ko ang pagiging Bad ko.

Pagkapasok namin sa office ay nakita namin si Ms. Cherizza Salvania na may inaasikasong papers ng school.

"Please sit down you two" napansin pala kami ni Ms. Principal, akala ko kasi hindi eh, masyado kasi syang busy.

Umupo na kami sa upuang nasa harapan ng table nya pero hindi nya pa rin kami tinitingnan kasi nililigpit nya pa ang mga papeles. Uggghh! Ang ganda talaga ni Ms. Principal. Kahit saang anggulo sya tignan, ang ganda ganda pa rin nya.

Nagtataka lang ako kung baket wala pa syang asawa. Maganda naman sya tapos matalino pa. Kaya nga naging principal agad sya ng Adamson High dahil super talino nya, lalo na sa English. Haiissst! I wish that I could be her. Yung kahit tumanda na, baby face pa rin. Ang alam ko kasi ay nasa mid 30's na tong si Ms. Principal eh.

Naalala ko yung sinabi ni Jace samin kanina na nasa loob daw ang Mama nya pero wala namang ibang tao dito kundi si---
Hindi kaya----pero hindi eh. Ang layo naman ng Salvania sa Montifar diba?! Nagpalinga-linga ako sa office kasi medyo malaki din tong office ni Ms. Principal eh.

"Ms. de los Reyes, may hinahanap ka ba?" nagulat ako sa sinabi ni Ms. Cherizza kasi akala ko di pa sya tapos magligpit. Aissshh! Ano ba yan nakakahiya naman.

"Oo nga Aivy, kanina ka pa dyan para kang ewan" pabulong na sabi sakin ni Sha

When the Time Comes byTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon