____________________________________
[Saisha's POV]
"Hoy Aivy! Wala na bang ibibilis yan? Taeng-tae na ko dito! Maawa ka naman oh. Nililigawan mo pa ata yang banyo ko eh" kakaiba talaga tong babaeng to! Liligo na nga lang inaabot pa ng siyam-siyam. Kanina pa kayang naga-alburuto tong tyan ko. Di man lang maawa sakin.
"Oo na, eto na nga!" sa wakas binuksan nya na rin ang pinto
"Kala mo naman ay matatanggal lahat ng libag dyan sa katawan mo kapag ganyan ka kabagal mal--Aivy? What happened? Why are you crying?" grabe tong babaeng to oh! Maliligo na nga lang may paiyak-iyak pang nalalaman.
"Kasi naman...si...si..." paputol-putol ang pagsasalita nya kaya di ko maintindihan
"Teka, dahil ba sa mama mo?" nag-aalala na talaga ako sa babaeng to. Aiissshhh! Mas inuna ko pa sya kesa sa pagtae ko tuloy.
Yumakap sya sakin tapos pinakita nya yung phone nya.
"Nabangga si....si...." tapos humagulgol na sya sa pag-iyak
"Shocksss! Sino Aivy? Sinong nabangga?!" hinalbot ko yung phone nya and WTF!
"W-wala na si Eun Tak! W-wala na sya! Sinacrifice nya ang sarili nya para sa mga bata" pasapak lang ng isa Aivy! Isa lang talaga!
"Araayyyy! B-baket ka ba nanapak?!" tapos nun tinulak ko na sya kasi taeng-tae na talaga ako
Sino ba naman kasi talaga ang hindi mananapak kung may ganyan kang kaibigan diba?!
____________________________________
[Ivory's POV]
"TATAE LANG, KELANGAN MAY SAPAK AT TULAK?!" hmp! Nakakabwiset ha! Kasi naman tong Goblin na to! Baket nyo ba pinatay si Eun Tak. Ayoko naaaaaa!!!! pero hindi pwede konting-konti na lang matatapos ko na eh. Kaya mo yan Aivy! Tiwala lang. Hwaitinggggg!!
[After 20 minutes]***
Baket hindi na pinalabas si Deok Hwa? Pano ko malalaman kung gwapo sya pag matanda na?! Andaya naman nila eh
t-tapos...tapos...waaaaahhhh. Nakakaasar to! Eun Tak! Baket ikaw nakita mo na ang groom mo tapos you live happily ever after pa. Pano ako, eto nga-nga pa rin? Single is life ba talaga? Haiiisssssttt"Hoy Laureth Ivory de los Reyes!"
"AY HALIMAW!" tsk! Baket ba nanggugulat?!
"Ako? Halimaw?" sabay turo nya sa kanyang mukha
"Wow ha?" at talagang nang-irap pa ang gaga. Sabunutan ko kaya to
"Eh bat ka ba bigla-biglang sumusulpot. Kitang nagmomoment ako eh!" pinahid ko muna mga luha ko kasi nga galing pa ko iyak. Ang Paepal naman po kasi nung isa dyan.
BINABASA MO ANG
When the Time Comes by
General FictionWhen the Time Comes by presents to you Ms. Laureth Ivory de los Reyes. Ang babaeng adik sa KDRAMA ngunit napakabitter dahil sa kanyang EX. Hanggang sa dumating ang isang lalaki na makakapagpabago sa kanya but that's not all. Pano kung ang Ex nya pal...