Chapter 3: Finding a Way

22 5 0
                                    

____________________________________

*Tok*Tok*Tok*

"AIVY?!" patay na!

Haluh?! San ko itatago to? Baka mamaya malaman nyang na sakin to. Nako, lagot na!

"AIVY? Buksan mo nga tong pinto. Papasok lang ako" natataranta na ko. Di ko na alam kung ano gagawin ko dito.

"Hindi pa pwede Sha! Ano kasi uhmmm...nagbibihis lang ako" pag nga naman wala ng maipalusot.

"Huh?! Pasan ka namang babae ka?"

"Ah ano dun sa may.....basta dun lang sa school. Wag ka na ngang maingay muna dyan at nagmamadali na ako!" tiningnan ko yung ilalim ng kama ko then nakita ko yung maleta kong ginamit nung lumayas ako kina Mama.

Tama! Dito ko na lang isasaksak lahat ng mga to. Di naman kasi pakielamera yang si Saisha kaya safe to kapag dito ko nilagay. Ako lang naman talaga ang pakielamera saming dalwa.

*Tok*Tok*Tok*Tok*Tok*

"Oo! Sandali lang, mag-intay kang babae ka!" tinago ko na lahat ng mga stuff toys dun sa maleta tapos nilagay ko na ulet ang maleta ko dun sa ilalim ng kama ko.

"Ivory buksan mo na nga tong pinto! Ibabalik ko lang naman tong phone mo eh" dali-dali kong binuksan yung pinto pero may nakalimutan ako.

"Oh eto. Huh? Teka, sabi mo nagbibihis ka? Eh baket yan pa rin ang suot mo?" Shockkkss! Nakalimutan kong magbihis!

"Ahhh ano kasi, I changed my mind. Eto na lang susuotin ko papuntang school natin" kinuha ko na yung phone ko sa kanya

"Oww! Speaking of school, may sasabihin nga pala ako sayo. Buti pina-alaala mo. Uhmmm, Ano kasi eh" hinila ako ni Sha para maupo sa kama

"What's that?"

"Nagkakagulo ngayon sa school natin kasi may nangyari daw sa Science Lab"

"Huh? Teka anong nagyari?"

"May mga nawawala daw kasing mga gamit sa Lab eh. Worse is ikaw ang pinagbibintangan nila and the worst news is si Dimcy Therese ang bali-balitang nakakita sayong nagnanakaw kahapon habang naglilinis ka dun." that Ugly Fucking Bitch! Ano nanaman bang trip ng bruhang yan at ako nanaman ang napagtripan. Argggghh! Humanda sya sakin. Susugurin ko talaga sya at babalatan ko na ng nailcutter.

"Girl kalma lang. Yung ilong mo, umuusok na oh! Baka mamaya magmukha ka ng toro nyan!" napatayo ako sa galit sa babaeng yun.

When the Time Comes byTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon