"Ma, Ayoko na huhu!! Lagi na lang ganito ngyayare sakin pag nakakakuha ako ng trabaho, natatanggal agad, Ma!! Dito na lang ako sa bahay mag huhugas na lang ako ng pinggan mag lilinis ng bahay lahat gagawin ko sahuran mo na lang ako" drama ko sa nanay ko. Sana effective!
"Ay! Tigil tigilan mo nga ako bato ka! Mag hanap ka ng trabaho at umayos ka na sa trabaho mo ng hindi ka lagi natatanggal!" Sagot ng nanay ko, aba hindi tumalab ang drama ko.
"Eh ma! Alam mo naman kung bakit ako natatanggal!" Laban ko sa nanay ko, ewan ko na lang kung may laban pa sya sakin! Ha!
"Eh bakit ako nung dalaga ako ganyan din sitwasyon ko! Tiniis ko lahat nakayanan ko basta kontrolin mo lang yan kakayahan mo!" Sabay alis ng nanay ko pagkatapos sabihin yun, hay may bawi parin!
Pano na? San ako mag hahanap neto!
Nag tataka kayo kung ano ba mga pinag gagawa ko noh? Maikwento nga! Ganito kasi.
Flashback
Nag wowork ako sa isang restaurant and na assign ako sa kitchen, tiga hugas and tiga ayos ng mga plato. One time hindi ko sinasadya na nabasag ko lahat ng mga pinggan baso na nahugasan ko magkakapatong na lahat yun, eh sa pagod ako talaga napaupo ako bigla bigla at napalakas ko yung upo ko ayun nag bagsakan lahat at basag basag. Ilan beses na ngyare yun kaya natanggal na ako ate sinabihan pa ako ng boss namin na malas daw ako.
Eto pa isa rin sa mga napasukan ko fast food naman sya na assign ako sa cashier, edi sympre ang daming tao lalo na pag lunch. Edi pindot ako ng pindot don sa monitor touch screen kasi don nilalagay yung mga order nila etc,. So ayun nga kakamadali ko ayun nawasak yung screen! Huhu hindi ko naman sinasadya eh at nakailan ulit din na ganon. So ayun tanggal nanaman at may pahabol pa yung manager namin kung may lahi daw ba ako monster ang bigat bigat daw kasi ng kamay ko. Wew
At marami pang ngyre iba na kadalasan same scenario lang.
End of flashback
Kaya ang bilis masira ng mga bagay na nahahawakan ko or what kasi
Kakaiba ako, kakaiba ako sa mga tao lalo na sa mga babae!
Sabihin na natin hmm! Im strong woman. Lahat nabubuhat ko kahit sampung kilo pa ng bakal pabuhat mo sakin o ilan pa yan at eto pa! Kaya stone din yung pangalan ko,
Kasi minsan may mga batong lumalabas sa palad ko maliliit na bato and i dont know why sila mama rin hindi alam kung san galing yun, wala naman daw ganon sa kanila dati. And yes strong woman din si mader at napapasa yun sa mga nagiging anak na babae kaya eto ako ngayon. Tradisyon na yun sa pamilya namin.
Strong woman slush with stone
"Omo!!" Bigla may nambatok sakin. Ang kuya kong asungot pala. "Ano ba bat bigla ka ba nambabatok dyan?!" Pasigaw kong sabi.
"Eh tulala ka nanaman kasi dyan, kanina pa kita tinatawag yung kaibigan mo nandyan!" Woah! Yung best of friend ko!! Tinignan ko lang ng masama yung kuya ko then pinuntahan ko na yung kaibigan ko.
Oo may kuya ako, dalawa lang kami at halata naman sya yung panganay! Hehe. Graduate na sya sa kasamaan palad. Joke! Buti pa sya naka graduate na at may trabaho pa eh ako hanggang 3rd year college lang dahil nga dito sa kakaiba kong powers thingy napastop tuloy ako dahil sa kadahilanan nagtataka na yung mga kaklase ko sakin at nawiweirduhan na. Ayaw ipaalam ng family ko na may ganito kaming side dahil baka pag kaguluhan kami at pag imbentuhan kami ng mga scientist! Hehe
So anyway, "Omg! Bff!!!" Sabay namin sabi ng bff ko then sabay hug habang nag tatalon. "Oooppps" Sabi ko bigla kasi umalog yung bahay hehehe.
Okay! Meet my bff Anne! Matagal ko na syang bff nung highschool pa until now and alam nya rin about sa powers thingy ko at tanggap nya ako ng buong buo kaya mahal na mahal ko tong bff ko eh!
"So ano bff? Nabalitaan ko wala ka nanaman work? Ano ba ngyare?" Tanong nya sakin.
"Hm. Don muna tayo sa kwarto" Aya ko sa kanya. "Sige tapos movie marathon din tayo. Yeey!"
So andito na nga kami sa room ko. "So what happened ba kasi bff?" Tanong nya ulit. "Sympre ganun parin, wala naman bago" tugon ko sa kanya. Habang namimili ako ng papanoorin namin.
"ano na plano mo nyan? Hindi mo ba kasi kayang kontrolin yan?" -Anne
"Kung alam ko lang edi sana ginawa ko na at yung plano ko bahala na mag tatry muna ako sa mga office mag apply sana may kumuha sakin ayoko muna sa mga restaurant mag eexperience muna ako bago hehe" explanation ko sa kanya.
"Okay, do what you say support lang ako" aniya nya sakin, buti na lang may kaibigan ako sinasamahan ako sa lahat ng bagay dati kasi yung mga nagiging kaibigan ko nung nag aaral pa ako parang natatakot sakin na ewan eh wala naman ako ginagawa sa kanila si anne na lang talaga yung kinapitan ako hanggang ngayon kay love ko yan, hay buti pa nga sya nakakapag aral pa sya ng maayos sabay sana kami gragraduate kung pinag patuloy ko pa yung pag aaral ko. Hay kainis kasi eh! Nakakainis din ang dami ko inapplyan tru internet wala man lang nagtetext sakin for interview huhu ayaw ata talaga sakin ng trabaho! Mukang aalis nanaman ako bukas neto ng makapag walk in ulit. Hay!
------
Dont forget to vote and comment! Thank you ♡
And sorry po sa mga typo and wrong grammar kung meron man! Eedit ko na lang pag nagkaron ng time hehe thank you ulit.
BINABASA MO ANG
Mystery Girl
FanfictionKakaiba ba talaga ako sa kanila? May tatanggap pa ba sa akin bilang ako? Gusto mo malaman kung ano ba talaga ako Find out here!