3

6 0 0
                                    


"Ano ba bato ka! Hindi ka paba gigising dyan?! Mag apply ka pa diba? Anong oras na gumising kana!!!" Wa! Ano ba yung ingay na yun grabe inaantok pa ako.

"Ano? Gigising kaba o sisirain ko tong pinto mo mamili ka?!" Shet nanay ko pala, "Oo gising na eto na!!" Hay. Ganda ng alarm ko shet! "Bilisan mo at bumaba kana rin dyan at mag almusal kana"

Bumangon na ako at nag ayos narin. Huhu lord sana pagpalain ninyo ako ngayon araw makahanap sana ako ng work. Amen!

Uminom lang ako ng gatas at kumagat ng tinapay. "Bye Ma and Pa and kuya. Pag pray nyo ako makahanap na ng work mwa chup" sabay alis.

Habang naglalakad lakad ako nag iisip naman ako kung saan pupunta dahil nga mag walk in lang ako at wala akong alam na company papasukan maitext nga yung bff ko ng makatulong bwahaha!

"Hoy san ka? Suggest ka ng copmany pwede pasukan? Reply asap" *Message sent* Hm. Habang naglalakad ako may napansin ako na parang binubully. Hay ang aga aga! Tinignan ko muna kung ano sitwasyon ngyayare. Mga grupo ng estudyante binubully kapwa estudyante. Nako nako! Maturuan nga ng leksyon!

"Hoy kayo!" Napatigil sila sa pambubully don sa estudyante at tumingin sila ng masasama sakin. Ha! Akala naman nila natatakot ako sa kanila! "Alam nyo ba na mali yang ginagawa nyo ha?! Kita nyong walang kalaban laban sa inyo yan lalaki na yan isa laban sa 10 katao? Wa! Mga duwag ba kayo?! Nakikipaglaban lang kayo sa isa?" Sigaw ko sa kanila.

"At anong pakielam mo ha? At sino ka ba ha? Alam mo miss wag kana makielam dito at baka madamay kapa umalis kana habang mababait pa kami sayo" sabi nung kalbo parang leader nila ata. ako pa hinahamon nya ha! Papalapit sila ng papalapit sakin.

"Ano miss? Sabi ng umalis kana eh" sabay pitik sa noo ko, aba sumosobra na sya ha!

Pipitikin nya dapat ako ulit pero nahawakan ko yung mga daliri nya at sigaw sya ng sigaw ng aray, nabali ko ata hehe!

"Ako walang ginagawa sayo ha wala kang karapatan pitikin ako! Pinagsasabihan ko lang kayo! At ikaw pa tong galit!" Sabi ko sa kanya habang hawak ko parin yung kamay nya habang yung mga kasama naman nya gulat na gulat sa ngyayare. Iniinda nya parin yung sakit. "Please tama na po masakit na huhu bali na ata yung mga daliri ko" makaawa nya binitawan ko sya at tinulungan ko makatayo yung binubully nya. "Oh ayos ka lang ba?" Tanong ko sa binully na student. "Opo maraming salamat po" tugon nya at sinenyasan ko na lang sya na umalis na.

"Kayo!" Turo ko sa mga grupo ng estudyante. "Kapag nakita ko pa kayo nahuling nambubully di lang yan sa leader nyo mangyayari yung ngyre sa kanya iisa isahin ko kayo! Naiintindihan nyo ba?!" Sigaw ko "at hep! Magsipag pasok nga kayo ang aga aga nasa labas kayo ng school nag babalak pa kayo hindi magsipasok ha mahuli ko pa talaga kayo, nako!"

"Opo opo pasensya huhu hindi na po mauulit" sagot nung leader nila na bali bali talaga yung daliri nya huhu pano ba to hindi ko naman sadya eh. Masama kasi sya kaya dapat turuan ng leksyon! Tinitigan ko lang sila ng masasama at nagkagulo na sila nagsipag takbuhan.

Hay! Wala na hagard na agad ako! Pano ba to makapag retouch nga, habang nag reretouch ako nag vibrate phone ko sino kaya to nagtext.

*Bff monggi* Ay bff ko pala tinext ko pala sya. Hehe mabuksan nga "wala! Maghanap kana lang" aba wala nga kwenta. Hindi ko na lang nireplyan. Bahala na nga kung san makarating.

Nakarating ako sa dulo ng pilipinas. Jusko ang layo ko na pala. Sympre joke lang! Andito ako ngayon sa taguig grabe ang lalaki nung building mukang magagandang company andito, may tatanggap kaya sakin? Let see

Pumasok ako sa isang company magtatry lang ako hehe. Nag tungo ako sa information para magtanong sympre. Hehe

"Hi miss goodmorning. Can I ask kung hiring po ba kayo?" Tanong ko don sa babae.

"Ah yes po maam just give me your resume and valid I.D then you can seat po muna and just wait to call your name"

Tumango na lang ako sa babae katamad makipag usap mag aantay na lang ako. Ang laki ng company grabe sana makapasok ako dito kahit anong trabaho man lang hehe!

Habang nag aantay ako bigla ako nakaramdam ng tawag ng C.R jusko naman. Pumunta ako don sa babae at sinabing mag ccr lang ako saglit habang naglalakad lakad ako hinahanap ko yung C.R may nakabangga akong lalaki shet napalakas ata napaupo sya huhu nagmamadali kasi ako kaya ang lakas ng impact.

"Wa! Sir okay lang po ba kayo? Sorry po sorry po talaga." Paumanhin ko don sa lalaki bigla sya sumigaw.

" What the fvck! Watch your step idiot!" Aba aba ako na nga tong humingi ng sorry ako pa idiot! Wooo kalma jane kalma!

"Sir sorry po talaga. Sorry po naghahanap lang po kasi ako ng C.R hindi ko po kasi makita kaya nagmamadali po ako at hindi ko rin po napansin yung dinadaanan ko, Sorry po talaga may masakit po ba sa inyo?" tanong ko kasi yung balikat nya kanina nya pa hinihimas eh mukang nabali ata.

"Im fine just leave me alone damn it!! Get out! Aaww" grabe naman to napakasungit akala mo kung sino edi umalis bahala sya C.R kailangan ko ngayon!

Bumalik na ako sa pwesto ko after ko mag c.r baka bigla ako tawagin eh.

"Stone Jane Garcia" ay ayun na nga tinawag na ako. "Ahm Yes? Stone Jane po" Tinaas ko kamay ko para makita nya ako agad. Hehe "This way po maam" ayun sinundan ko lang yung babae hindi ko alam kung saan pupunta. Bigla pumasok sa isip ko yung lalaki nabangga ko kanina huhu kumusta kaya yung balikat nya? Bigla huminto yung babae sinusundan ko kumatok sya at binuksan nya yung malaking pinto. Wow grabe ganda nung office ang laki. "Sir, eto na po yung next applicant natin" sabi nung girl then umalis na sya iniwan na ako mukang masungit yung boss nya hindi man lang sya humarap at sumagot.

"Hi, Good morning po Sir" bati ko kahit nakatilod sya para kasing may iniinda sya sa balikat nya.

"You may seat dow.. You?!" Bigla nya sinabi pagka harap nya gulat na gulat. La problema neto? "Ah Me sir? Ano po yun?" tanong ko aba hindi ko naman sya kilala noh! Maka You to!

"Yeah you! You are the one who did this to me!!" Sabay turo sa balikat nya na bali ata, Aba teka bakit ako sinisisi neto!

"Hala sir, masama mambintang wag kayo.." bigla ako natigilan nung maalala ko yung nakabangga ko kanina. Holy cow! "Omg sir. Kayo po yung nakabangga ko? Hala sir sorry po hindi ko sinasadya. Sorry po talaga" bat naman kasi hindi ko natandaan agad! Hindi ko naman kasi sya natitigan kanina kaya hindi ko kagad nakilala yung muka nya. Tanga mo talaga bato!

"So you are an applicant and applying for position in office staff" sabi nya na may ngiting ewan sa mga labi nya.

"Yes po sir" Sagot ko.

"Okay, you may seat down. So your name is Stone Jane Garcia." Sabi nya habang tinitignan yung resume ko at habang iniinda rin nya yung balikat nya kahit hindi nya pinapahalatang masakit eh nahahalata ko naman.

"How did you know about my company?" Ano daw teka, My company daw so its mean sa kanya to?

"And yes you are right this is my company and Im CEO Shawn Emmanuel Fernandez. Base in your facial expression you are thinking if this company is mine or not so I answered your thoughts Ms.Garcia" masyado ba ako halata kaya pati yun napansin nya.

"So anyway Ms.Garcia back to the question, How did you know about my company?" Hmp! Yabang! Akala mo gwapo. Gwapo naman sya. Joke!

"Nothing sir, I saw your company while im walking and looking for job. So nag try po ako mag apply dito" Woo grabe english ayaw ko na konti lang baon kong english naiwan lahat sa bahay.

"I see. So what is your strength and weaknesses?" holy cow! Kailangan pa ba tanungin yan dati naman sa mga inapplyan ko wala naman eh. Huhu help!

"Ah my family sir"  mema sagot lang.

"Why?" Ano ba kailangan ba may pag why pa!

"Simple sir because ayaw ko sila mawala sakin. Sa kanila po ako humuhugot ng lakas at kabaliktaran po pag nawala sila sa sakin hindi ko na po alam mangyayari sakin" napadrama ako sa wala sa oras.

"So I guess hanggang dito na lang, my secretary will text to inform you if you have any progress about your applying. Thank you and you may go" hm. Sungit akala mo kung sino nag bow na lang ako sa kanya at umalis na.





-----

Vote and Comment ♡

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 02, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mystery GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon