----------
"Jennah! May load kapa?" Tanong ko kay Jennah pagkalabas ko ng kwarto namin. Naabutan ko siyang naglilinis ng kuko niya. Aba't ang bilis naman talagang gumaling nitong babaitang 'to.
"Meron, bakit?" Tanong niya nang hinihipan yung nail niya na may color.
"Patawag naman oh!" Hinagis niya cellphone niya kaya dali-dali kong sinalo. Bumalik ako sa kwarto ko para tumawag.
*ring* *ring* *ring*
Nakatatlong ring ito bago sinagot.
"Ehem, ehem! Jen? Bakit?" Uloy pala ito. Kala siguro na si Jennah yung tumatawag.
"Hoy kulet. Tigil-tigilan mo iyang pagpapacute mo sa call dahil hindi iyan nakakagwapo." Narinig kong parang nasamid siya kasi umubo-ubo pa eh. "Oh? Nyare? Nasamid sa sariling laway?"
"Oo nalang JDbih. Nga pala, ba't ka napatawag? Miss mo'ko noh?" At talagang tinutukso pa ako eh.
"Baliw. May napansin ka bang libro diyan sa bahay niyo? Yung paulit-ulit kong binabasa? Yung kay Shakespeare?" Tanong ko habang hinahalungkat yung mga gamit ko dahil hinahanap ko yung libro ni shakespeare. Nawawala kasi, paborito ko pa naman yun.
"Wala JDbih eh. Kakageneral cleaning lang namin nung sabado at wala akong nakitang libro na binabasa mo. Wala ba diyan sa bahay niyo? Baka nasa kwarto ng mama't papa niyo." Napailing ako kahit hindi niya nakikita. "O baka naman nasa skwelahan. Nadala mo ba yun dun?" Napaisip ako sa tanong niya pero parang hindi ko yun nadala eh.
"Vey, 'di ko matandaan eh. Paano ba iyan? Huhu 'di pa naman ako makapag-aral kung wala yun." Mangiyak-ngiyak kong sumbong.
"Diba tapos ka ng mag-aral?" Oo nga 'noh? Hehe pero pa'no na sa susunod na semester?
"Kung sabagay. Sige na Vey baka maubos ko ang load ni Jennah. Papatayin ako nun." Narinig ko pa ang tawa niya bago ko in-end ang call. Magta-tantrums na naman yun bukas dahil ako ang nag-end. Baliw talaga.
Makatulog na nga baka nasa skwelahan lang yun.
---------
Nandito ako ngayon sa mga shelves dito sa library at kanina pa'ko kinukulit ni Vey. "JDbih naman tingnan mo ang kalangitan, dumidilim na oh! Pa'no na iyong part-time job mo? Porket sa restaurant ni papa ka nagtatrabaho eh kailangan mo pa rin pumunta nang maaga dun." Napatingin ako sa relo ko. 5:30 na at 6:00 ang start ng shift ko. Kaya pa iyan si Vey lang naman ang nagpapabagal sa'kin.
Hindi ko siya pinansin at tuloy lang ang paghahanap ko. Last nalang na shelf at su-surrender na ako. Nang hindi ko makita ay inimbita ko na si Vey na umuwi. "Tama lang iyan JDbih. Alam mo bang 15 minutes nalang ay male-late ka na talaga." Psh.
Naglakad na kami paalis ng library. Nilagpasan namin ang mga estudyante na nag-aaral, tumutunganga at naglalampungan. Hindi sa bitter ako ah. Sadyang hindi lugar ang library para sa date-date na iyan.
"*sigh* 'san ko ba yun nawala..." napatalikod ako nang may mapansin ako.
"Bakit JDbih, may nakita ka ba? Multo ba? Huwag mo naman akong takutin JDbih." Sinamaan ko siya ng tingin at lumakad papunta sa table kung saan may napansin akong libro na katulad nung sa'kin. Kinuha ko iyon at in-eksamin. Ito talaga iyon. "Oh! Diba iyan yon? Waaaaaw! Pinapahanap pa talaga tayo sa shelves eh nandito lang pala sa lamesa?" Sinamaan ko siya ng tingin.
"Wala ka ngang ginawa kundi sundan ako kaya wala kang karapatan mag-reklamo diyan. Hmf!" Napa-pout siya sa sinabi ko. Eeeeeesh gusto kong kurutin ang mga pisngi niya. At ginawa ko nga at dali-daling tumakbo dahil nako kung alam niyo lang na grabe iyon mag-higanti. Dali-dali akong sumakay sa bike at nag-pedal. Nako nakakapagod maghabulan kay Vey. Whew!
BINABASA MO ANG
The Boy and The Boyish
Teen FictionIt's not about their status in life, it's about the rocks they've been through. They might act tough on the outside, but being tougher inside is what makes the man 'a man'. This story is for those teens realizing their potential through friends, fam...