----------
Ba't ba sa dinami-dami ng Ansel, J.D. dito ay itong si Jake pa?! Harujusko talagang mafe-fail ako sa grado ko dahil lang sa impaktong 'to. At talagang nananadya pa siya ah. Nagdesisyon kasi akong sundan nalang siya instead of kausapin at i-observe yung mga gusto niya. Eto namang lalaking 'to eh lakad lang nang lakad! Tinutukso yata ako eh!
Papunta kami ngayon sa soccer field. Maglalaro ba siya dun o manonood?
Nang makarating kami ay pumunta siya sa side kung saan may benches at umupo dun. May kinuha siya sa bag niya. Inaantay kong kunin niya yung kung ano ang kukunin niya. Tumingin siya sa'kin na parang napapansin na nakatitig ako. "You're not going to ask me?" Umiwas ako ng tingin. Psh nakakapainit nga ng dugo ko ang pagsunod sa'yo yung kausapin ka pa kaya? Grrrrr! "Is it about the book? I told you you'll pay for what's missing." Is he provoking me? Dahil nadadala talaga ako. "And... the book is mine." Sabay tingin sa'kin ng nakangisi. Arrrgghhh that's it!
Lumapit ako sa kanya at dahil nakaupo siya at nakatayo ako ay feeling superior ako. "Naisip mo ba na hindi lang iyon ang libro sa mundo? Maraming may kopya nun. And for your information hinding-hindi kita kakausapin tamaan ka man ng bola!" Tumayo siya pero nakatingin siya sa field kung saan may naglalaro ng soccer.
"And I..." tumingin siya sa direksyon ko bago niya tinuloy ang sasabihin niya. "Don't need your rave." Umupo ulit siya at nag-lean tapos pinikit niya yung mga mata niya.
Arrrgh! Talagang mauubos pasensya ko sa lalaking 'to. "Argh!" Padabog akong umalis dun at nakita ko pa siyang nagkibit-balikat at nilagay ang libro niya na kinuha niya sa bag niya't binuklat niya sa mukha niya nang hindi binubuksan ang mga mata.
Nakakaimbyerna! Iso-stalk ko nalang ang hinayupak na iyon. Arrrrggghhh!! Nanggigigil talaga ako!!!! Makakahiganti din ako!
---------
"Oh Jane, chill! Walang aagaw sa pagkain mo! Haha." Binuhos ko sa pagkain ang galit ko. Ok lang namang kumain ng marami dahil libre daw ni Kem. Na-miss ko raw eh psh!
"Ano bang nangyari JDbih? Gumaganyan ka lang kung may problema ka ah." Hindi ko nalang pinansin si Vey dahil alam kong gagawa siya ng paraan para mawala ang problema ko. Kilala niya ako eh.
"Nagiging PG (Patay Gutom) ba talaga siya Vey pag may problema?" Hinayaan ko nalang sila sa pangtsitsismis sa'kin at baka lalaki pa problema ko.
"Madalas."
"Madalas?!" Hmf!
"Minsan ayaw magsalita, minsan kung umuulan ay nagpapaulan, minsan pinapanot ang damo, madalas PG." *rolls eyes* hindi ako umimik dahil totoo naman. Hindi ako katulad ng iba na sinisigaw problema nila. Sakit sa lalamunan nun. Papalipasin ko lang 'to solve na. Psh!
Tatayo na sana ako para kumuha pa ng isang tray pero pinigilan ako ni Vey. "Huwag. Alam mo namang mahina tiyan mo." Hindi ako nagpadala at kumuha pa ng isang tray. Psh hindi naman ako mamamatay sa LBM na iyan.
Nang makabalik ako ay kumain pa ako nang kumain kahit binibigyan na ako ng worried look ni Vey. Ba't ba ang bait ng best friend ko kahit ang sungit ko? Nakokonsensya tuloy ako. Ba't ba kasi ako kumakain ng marami--? Aish! Naalala ko na naman ang buwiset na iyon.
"Hayyy malala na problema niyang si Jane, Vey. Awatin mo."
"Yung papa lang niya nagpapatino niyan. 'Di ko kaya iyan Kem."
Paano ba ako makakapasa sa autobiography niya? Hindi kaya ng pride kong kausapin ang mokong na iyon. Kung susundan ko kaya siya nang patago? Hehe good idea. May masasagot na din ako.
BINABASA MO ANG
The Boy and The Boyish
Novela JuvenilIt's not about their status in life, it's about the rocks they've been through. They might act tough on the outside, but being tougher inside is what makes the man 'a man'. This story is for those teens realizing their potential through friends, fam...