Boyish 10

9 1 0
                                    

----------

"You..." tinuturo niya ako gamit ang hintuturo niya. Ang intense niya kung makatingin.

"Ang gwapo niya, kyaaaaah!"

"Diba siya yung freshman sa medical course?"

"Girlfriend niya?"

"Ano kayang nangyari?"

"Ba't galit si guy?"

"Ang taas nung guy kyaaaaah!!"

Ang daming tsismosa ah. "A-ako?" Tanong ko.

"Damn it." Hinila niya ako. Aba bastos din 'tong hinayupak na 'to ah. Sa'n ba niya ako dadalhin?

Huminto siya dito sa may garden. Teka dito ako namamalagi ah. Coincidence? Napatingin ako sa kanya dahil lumanghap siya nang pagkalakas-lakas tapos nilahad niya sa'kin yung kamay niya. 'Nong problema nito? Mukha ba akong may pera? Well, I'll take that as a compliment.

"W-wala akong pera. Huwag ka sa'kin manglimos." Napaiwas ako ng tingin. Nakita kong napakuyom yung kamay niya na inilahad niya.

"I'm not asking for money, idiot." I-idiot?! Sapakin ko 'to eh pasalamat siya mabait pa'ko. Nilahad niya ulit yung kamay niya. "My book." Ahhh.. libro lang pala--libro?!

"Hah?!" Niloloko ba'ko nito? Kailan pa'ko humiram ng libro sa kanya? Aba aba huwag na huwag mo akong pagbibintangan bakla ka.

"Tch." Hinablot niya sa'kin yung bag ko at hinalungkat.

"H-hoy! Magnanakaw ka 'noh? Oi bigay mo sa'kin bag ko!" Sinamaan niya ako ng tingin kaya napa-amo niya 'ko. Bwiset wala pa sa hinaba-haba ng buhay ko na na-under de saya ako.

Nang mahanap niya yung hinahanap niya ay ni-raise niya yun. "T-teka libro ko iyan!" Pilit kong inagaw yun sa kanya. Pero dahil alam kong 0% chance ay maabot ko ang height niya eh 'di ko na tinuloy.

"You were the one who stole it. You're the girl in the CCTV camera. I saw it. And I swear if anything's missing in this book, you'll pay for it." Pay?! Ay grabe siya sa pagkakaalala ko sabi ni Vey 600 pesos daw ang presyo nito sa mall. Ang mahal nun! Dalawang araw na sweldo ko na iyon!

"Libro ko nga kasi iyan kaya wala kang mahahanap na pag-aari mo." Naiiyak na'ko kasi libro ni Shakespeare yung kinuha niya. Niligpit ko iyong gamit ko na binagsak niya sa damo. Bastos talaga siya makakaganti din ako. Tingnan mo tataas din ako.

Finlip-flip niya yung libro tapos skin-an. Ako na yung naaawa sa libro ko. "Sh*t it's gone." Tiningnan niya ako kaya tiningnan ko rin siya. Ba't ba ang taas niya?! "Where is it?" Napa-"hah?' Na naman ako. Wala akong alam sa 'it'-'it' na iyan! 'Di kami naglalaro ng habulan! Okeh ako na korny. "The picture? The bookmark?"

"Eh? Wala akong bookmark diyan ano! Wala akong iniipit diyan. Ibigay mo nga lang libro ko!" Tapos nag-try na naman akong kunin pero tinaas niya kaya rumetreat nalang ako.

"I'm telling you, miss. This is my book. And you'll pay for what's missing." Sabi niya tapos umalis. Pay?! Wala nga kasi akong pera arrrrrggghhh! Teka, hoy! Libro kooooooohhhh!!!!

"Hoy berdeng buhooook! Libro kooooohhh!!!!!" Sigaw ko. Pero parang 'di niya narinig kasi tuloy-tuloy lang yung lakad niya. 'Di ko naman kayang humabol dahil hindi ko maiwan-iwan ang mga gamit ko.

"Nyeta. Libro ko *sniff*" wala na huhu naiiyak na'ko. Ang babaw ko lang kasi kahit na ang tough ng façade ko. Napatungo nalang ako habang inaayos yung mga gamit ko.

The Boy and The BoyishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon