w a n

426 19 27
                                    

READ AT YOUR OWN RISK

I DON'T INTEND TO INSULT SOMEONE

//Junhui's pov//

        Nakangiti nanaman sya. Grabe. Bat ba ang kyut-kyut nya? Pinaglihi ba sya sa payaso-este aso? Ang sarap lang nyang bitbitin kahit saan.

"Hoy, Jun."-rinig kong sabi sa gilid ko ng isang itim na elemento kaya sinamaan ko ito ng tigin.

Naka-poker face lang sya kahit na anong sama ng tingin ko. Walanghiya. Ano nanaman bang problema nito? "O, ano lema mo?" Sagot ko sakanya tsaka tumungo sa armchair.

"Tanga. Baka matunaw yan." nang-aasar na sabi nito at naramdaman ko nalang ang pagkapula ng mukha ko. Palibahasa kasi di sya iniimik ni Wonu e kaya gusto nyang agawin ang bohaii ko kasi nakakaasaran nya. Hmf.

" HALA! ANDYAN  NA SI MA'AM! " rinig kong sigaw ni Seokmin kaya napaayos ako ng upo tsaka sinuklay ang buhok ko. Baka mamaya nyan sabihan akong gusgusing bata sa gwapo kong to e.

Sinuklay-suklay ko ang buhok ko gamit ang kanang kamay ko at kakamadali ko magsuklay, may nasagi ang kamay ko. "Aray ko!" sigaw nya kaya napatayo agad ako.

"Ay, sorry. Masakit?" nagtataka  kong tanong sakanya habang hawak ang balikat nya. Hinahawakan nya ang kaliwang mata niya na mukhang nasanggi ko. "Aba, malamang! Try ko sayo, you want?" mahinahon pero halata mong 3ggurd nyang pagkakasabi.

"Easy lang, Minghao. Patingin nga!" Ito na. Tsansa ko nang tsumansing sakanya. Mehehe. Agad kong inalis yung kamay nya tsaka pinilit idilat yung mata nya para tignan kung namumula ito. Unti-unti kong nilapit yung mukha ko para kunwari ay hindi ko makita ng maayos.

"Mr. Wen at Mr. Xu! Ano ang ginagawa ninyo?!" nakakrinding sigaw ni Ma'am Cabanat kaya agad ko syang hinarap tsaka tinuro si Minghao. "MA'AM MAY SOREEYES SYA!"

At dahil nga sa gwapo ako, agad akong pinaniwalaan ni Ma'am tsaka nya pinadala saakin si Minghao sa clinic. "T-teka! Ma'am wala po-"

"O, larga na! Larga!" natatawang sigaw ni Soonyoung at Mingyu kaya kinindatan ko sila. Nagokay sign lang si Hoshi kasi baka akalain ni Ma'am inaantok sya dahil dalawang mata ang ipipikit nya ng paulit-ulit at si Mingyu naman ay nagflying kiss na nakakadiri. Eww.

Hinila ko na si Minghao papuntang clinic pero nagpupumiglas sya kaya nabitawan ko sya. "Hoy, Jun! Hindi mo ba alam na kami ang magre-report ngayon sa Calculus?!" sigaw nya saakin pero inisnab ko lang sya tsaka naglakad papuntang clinic. Susunod naman siguro sya. 

"Namo! Bahala ka nga sa buhay mo! Babalik nalang ako ng classroom!" Gigil nyang sigaw kaya tumakbo agad ako papunta sakanya. Pikon. HAHAHAHA.

Hinila ko ang kamay nya kaya imbis na sumubsob sya sa dibdib ko, sa lapag sya lumagakpak kaya kumunot ang noo ko. Aba't. Bakit sinabi ni Shua na kapag nagwalk-out si Minghao, hilahin ko yung kamay para mapasubsob saakin!? E bakit sa lapag sya nasubsob? 

Tinulungan ko syang makatayo pero nagulat nalang ako ng kwelyuhan nya ako. Lumalabas nanaman pagiging siga nya. Mehehe. "Hoy, Junhui hyung. Isa pang hila sakin, susuntukin kita!" galit na galit nyang sabi.

"Suntok? Wag yun. Masisira ang mukha ko. Halik nalang para hindi na nasira, enjoyable pa [wenks; " may katotohanan kong sabi sakanya kaya nagulat nalang ako sinuntok nya ako ng malakas sa balikat. 

"Kalandian mo pinaiiral mo! Hala sige at bumalik na ng classroom!" masungit nyang sabi saakin. Iba na talaga ang panahon ngayon. Kung sino pa ang pinakapogi sya pa ang sinusungitan. At kung sino pa ang pinakahindi nakikita sa dilim, sya pa ang pinapakitaan ng kabaitan. Hays. Wat is happening in des world?

Pagkabalik namin ng classroom, nagpre-prepare na ang mga kagrupo ni Hao sa ire-report nila at napahinto sila ng makita kami. "O, ano na nangyari?" tanong ni ma'am tsaka iniwasan ng tingin si Minghao dahil nga akala nya may sore-eyes to.

"Ma'am nagback-out po yung soreeyes! Tinakot po kasi ni Uji hyung!" Pagbibintang ko sa kapapasok lang na si Jihoon hyung kaya sinamaan nya ako ng tingin. Pasensya na hyung.

Hindi na pinansin ni Ma'am ang kagagu- este kagwapuhan ko. "Okay, since nandito ka na, Minghao, join the presentation."

"Good afternoon Ma'am and our fellow classmates. We're group #1, reporting the topic #7 regarding our lesson yesterday. I'm Xu Minghao, leader of Group #1." Pagpapakilala ni Haohao sa harapan at sigawan naman ang narinig sa classroom.

"Whoo! Junjun yan e!"

"Palakpalakan!"

"JunHao! JunHao! JunHao!"

"O, may nanalo na!"

Sigawan sa klase matapos magpakilala ni Minghao. Malibre nga tong mga to. HAHAHAHA! Malaking tulong ang nagagawa nila para saakin. "Class, be quiet! Hindi na kayo mga elementary! Magsitahimik kayo at kung sino man ang makitang lumabas ang kahit isang ngipin, I'll mark them absent! Got it?!" Galit na sigaw ni Ma'am sa mga kaklase ko kaya instant tahimik ang lahat. Kahit na si Boo na sobrang lakas ng boses na akala mo naga-announce ng kasal namin ni Minghao ay natahimik.

>>UWIAN

Sa wakas! Uwian na! Ilang oras na akong kating kati umuwi. I-stalk ko pa si Minghao baka mamaya, umamin na pala sya saakin at outdated lang ako. Nako nako. Sayang.

"COUPS HYUNG! SABAY NA TAYO!" Tawag ko kay Seungcheol hyung at tsaka kinawayan ang mga kasama nyang sina Shua hyung, Jeonghan hyung, Soonyoung at Chan.  "Jun hyung! Si Minghao hyung yon, diba?" Nagtatakang tanong ni Dino saakin tsaka tinuro ang isang madilim na eskinita. 

Mula sa pwesto namin, natatanaw ko ang tila pa-poodle style na buhok ni Minghao at may nakikita akong isang taong nagca-camouflage sa dilim. "Mukhang naunahan ka na ni Mingyu hyung , a." Natatawang asar nanaman sakin ni Soonyoung.

Hindi ako makakapayag. It's now or never. Junhui. Kung hindi, mawawala ang pinaghirapan mo since grade school!

"XU MINGHAO, SARANGHAEYO! DATE TAYO SA SABADO, A! I'LL WAIT FOR YOU AT KAHIT NA MAKITA NA SA LIWANAG YANG KAUSAP MO, HIHINTAYIN PA DIN KITA! ITAGA MO YAN SA GITARA NI UJI HYUNG!"

//Minghao's pov//

      Walanghiyang Junhui hyung yan. Tinignan ko ang taong nasa harap ko na nakataas ang kilay at tinitignan ako. "Jongin hyung, manyak lang yon. Wag mong pansinin. Hehehe?"

Tumaas ang mga balahibo ko ng maramdaman kong para na nya akong papatayin. Bwisit ka hyung! Lagot ako sa pinsan ko nito e!

"Kakasuhan mo o sasabihin ko kay Dyo to?!" nakakatakot nyang suhestiyon na tinawanan ko. Kahit kailan talaga napakapalabiro nito ni hyung e! Hahahaha~! "Seryoso ka hyung? Anong ifa-file ko sakanyang kaso? Wala naman syang ginawang masama a?" nagtataka kong tanong sakanya.

Ngumisi si Jongin hyung na akala mo nakabuo ng planong sure na sure syang gagana. "Bullying at Public Scandal. Ako ang binully nya kaya't maghanda sya!"

"Ah-eh, hyung? Bakit parang may binabalak kang masama?" tanong ko sakanya tsaka sya hinawakan sa balita. 

"Wala. Uwi na! Uwi~!" 

--------------

A/N:

Boring ba? Aym su surri. Hindi ko rin balak ma-offend kayo sa mga sinabi q tungkol kina Gyu at Jongin labs. Aym inosen- I mean this is just por fun.

Public Scandal || JunHaoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon