p o r

148 12 9
                                    

//Minghao's pov//

A, a, b, d, c - "c, d e, b, a, 22." Punyeta. Tinignan ko ng masama si Junhui hyung na kanina pa ako ginugulo sa pagchecheck ng papel.

Nginisian niya ako ng nakakaloko kaya sinipa ko yung paa niya. Kingama kasi bat ba magkatabi lang ang W at X sa alphabet?

"Okay, guys! Lagyan nyo ng scores yan a? Seungkwan, ikaw mag-announce!" Sigaw ni Ma'am Curi tsaka lumabas ng classroom.

Naiwan naman kami ng mga kaklase ko ng nag-iingay. "Oy, oy, oy! May pick up line na magaganap o!" Natutuwang announce ni Hoshi hyung na ikinakunot ng noo ko.

Napatingin ako sa tabi ko at kanina pa pala siya wala at nandoon na sa harap. Pasikat talaga to si Junhui hyung.

Pero syempre, dahil isa akong mabuting estudyante, chineck-an ko agad ang papel na di ko matapos-tapos tsaka pinasa kay Pakwan. "Oy mga taong may itlog! Manahimik kayo at mag-aanounce pa ako ng score!" Sigaw ni Pakwan ng nakakarindi.

"Ang KJ naman!" Rinig kong sigaw ni Hansol kaya napatawa kami.

Imbis na makisakay si Seungkwan, tinignan niya kami ng masama kaya napatahimik sila . "Manahimik ka, Minghao hyung. At ikaw naman, porendyer na hilaw, kung ayaw mong matadyakan papuntang ExoPlanet, bumalik ka na sa pwesto mo!" Gigil nitong sabi na ikinatawa ko lalo.

Nagsiangalan naman sina Cheol hyung sa sinabi ni Pakwan at dahil sa natutuwa din si Wonu hyung, sumabat siya sa usapan.

"Teka lang Seugkwan! Ayaw mo bang marinig pick up line ni Hansol?" Sabat niya.

Huta HAHAHAHA! Parang inilagay sa oven toaster si Pakwan dahil sa sinabi ni hyung sakanya sa sobrang pula ng mukha niya! Booset!

Nang hindi na nakasagot si Seungkwan ay pinagpatuloy na nila ang ginagawa at nakiupo nalang ako sa tabi ni Seokmin hyung which is upuan dapat ni Soonyung hyung at nasa tabi ko naman ang nagco-compose na si Jihoon hyung.

Original seating arrangement

Seokmin |Soonyoung |Jihoon

Nakikinig lang ako sa kacornyhan nina hyung at ng mga maknae at kung minsan pa ay sasabat sa pick up line kuno nila. "Oy, Hao, para sayo daw susunod!" Sigaw ni Mingyu na ikinataka ko.

Bago pa ako makalabas sa classroom para iwas kahihiyan ay huli na ang lahat. "Hao! Barya ka ba?" tanong nito ng nakangiti.

Ayan nanaman yung ngiti niya. Hindi ko alam kung talagang pinapahiya ako nito o sadyang ganyan yung ekspresyon ng mukha niya pagmagpipick up line o kaya magjojoke---na sa huli ay corny.

"O, bakit?" siga siga kong tanong dito.

Woah!
POWEEEEER!
Bh0$xZs M1nNgH40oo!
Hiyeeees!

Lumapit siya saakin tsaka ako niyakap pero nagpumiglas ako. "Hoy, delatangnanay mo! Kalasin mo yan!"

"Umaga palang kasi kailangan na kita." May pagkahusky na sagot niya sa tanong ko kanina na ikinataas ng balahibo ko dahil binulong niya yon sa mismong tenga ko.

Nakaka3gord tong si Junhui hyung e. Napakacorny ng mga banat at jokes to the point na aakalain mong tiga-bundok siya. Pero bakit ganito yung tibok ng puso ko? Ang bilis. Ni isang katiting ng paghanga naman sakanya, wala akong nararamdaman. Psh sinong niloko ko?

Meron pala pero 36% nga lang! Hahahaha! Masyado kasing hambog tong si Junhui hyung e. "ANDYAN NA SI MA'AM!" Ang sigaw ni Shua hyung at bumalik sa kinauupuan nya.

Dali-dali kong tinanggal ang kamay ni hyung saakin tsaka tumakbo sa upuan ko. Pagkapasok ni ma'am, tinignan niya si Pakwan na hanggang ngayon ay pulang-pula. "Seungkwan, na-announce mo na ba?" Tanong niya pero umiling lang ito.

"Anong ginawa ninyo? Nako. Puro talaga kayo kalokohan!Sige. I-announce mo na." Paismid na utos ni Ma'am saamin.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Kinakabahan ako sa score ko. Kulang nalang maihi ako sa pants ko pero syempre, loko lang.

"By scores ko ia-announce a! Ang highest ay si---Xu Minghao - 49/50!" Announce ni Pakwan kaya nakahinga ako ng maluwag.

Pumula nalang ang mukha ko ng may sumigaw mula sa likod ko. "BABY KO YAN E!" ang sigaw ni Junhui hyung.

Narinig ko naman ang tumatawang sina Soonyoung hyung kaya sinamaan ko sila ng tingin.

"Lee Jihoon - 47/50

Jeon Wonwoo - 46/50

Lee Chan- 43/50

Tuan Mark - 42/50

Boo Seungkwan- 43/50

Chwe Hansol -40/50

Park Heena -40/50

Go Eunbi- 40/50

Go Eunbyul - 39/50

Kim Mingyu-39/50

Kwon Soonyoung- 38/50

Ko Dwyneth- 37/50

Hong Jisoo- 37/50

Choi Seungcheol - 37/50

Yoon Jeonghan- 36/50

Jagi Yann- 36/50

Lee Seokmin- 35/50

Wen Junhui- 35/50

Yi GoEun- 29/50

Lou Paine-25/50" sunod sunod na announce ni Pakwan ng tumahimik na. Matapos non ay agad syang umupo tinignan ako ng nakakalokong ngiti.

"Booset ka Boo Seungkwan." Sinadya nya talagang by score para inisin ako dahil kay Junhui hyung.

Narinig ko namang may nagparinig mula sa harapan na ikinaguho ng mundo ko. "Tss, bakla."

Ipinagtabuyan mo na ba talaga ako, Heena?

----
Author's Note

Kamusta kayoooo? R u okay alright? Charot HAHAHA

VOTE IF YOU LIKED/LOVED IT!

COMMENT YOUR REACTIONS/IF RELATABLE!

SHARE IF INTERESTING!

Public Scandal || JunHaoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon