t e n

82 5 0
                                    

//Junhui's pov//

"Knock ,knock, knock, knock,knock on your door! Xu bebeee wag na u maangry~" paglalambing ko sa taong nagkukulong sa loob ng kwarto. Hindi pa ako nakakapaghilamos dahil kakawake up ko lang at nagising nalang akong walang saplot-jk. Nagising nalang akong nasa labas ng kwarto, natutulog ng mahimbing, yakap yakap ang isang unan at nilalamig.

Nilakasan ko pa ang pagkatok ko sa pintuan tsaka kumanta ng Knock knock ft. Twiceu my bebsues. "Iwan mo ako, hyung." rinig kong sabi niya sa mahinang boses.

"Ano ka ba naman, Xu? Buksan mo nga to at ng makita mo ang gwapo kong mukha!"

"Punyeta naman hyung, e! Iwan mo na lang ako!" Sagot niya saakin. Nakakainis. Kung dahil nanaman kay Heena yang pagkukulong niya sa sarili, sasapakin ko siya. [Baka sasabunutan?]

Hinihintay ko siyang buksan ang pinto at kahit na tinatawag niya ako ay hindi ako sumasagot. La akala niya di ko alam style nya? Mehehe. Sa dahan-dahan na pagbukas ng pinto, bumungad saakin ang lalaking mugto ang mata at nakabusangot. "Bat di mo ko sinasagot?" tanong niya na nginisian ko.

"Nanliligaw ka ba?" tanong ko sakanya with matching ningning pa ng mata. Lalong bumusangot yung mukha niya sa tanong ko. "Punyeta."

"HALA! JOKE LANG-AWW!" Ang sakit. Hindi ko alam na ganito pala mararamdaman ko kapag inipit ko yung sarili ko sa ganitong sitwasyon. Tungunu. "Ano ba yan, hyung! Alisin mo nga yang ulo mo sa pintuan!" sigaw saakin ni Minghao.

Bat ko ba kasi naisipang ilagay yung ulo ko sa pintuan kitang isasara na nga niya? Mas malala pa to sa stiffneck e ┗( ●-﹏ `。)づ.  Para akong sinakal ng sumo wrestler huta. "E kung papasukin mo kaya ako, Hao?" medyo paiyak kong suggestion.

Binuksan niya yung pintuan tsaka ako hinila papuntang kama. Uy. Ano kaya gagawin namin? (ΦзΦ) Hihihi. "Ano ba kasing nasinghot mo, hyung? Ayan ba tinuturo ng mga teacher natin, ha?" 

"E, Hao naman e! Ikaw kasi!" paninisi ko. Totoo naman kasing siya may kasalanan. Kung hindi siya sumama don sa impaktitang bruhildang klawn na yon, di siya  mahihimatay --. I mean hindi ko naman talaga siya sinisisi---ang saakin lang, bat kapag ako, hindi siya sumasama? Huhu.

Hinihilot niya yung leeg kong naipit kanina at habang patagal ng patagal, parang mas humihigpit yung hawak niya. "Hao,okay na. Okay na." pagpipigil ko bago pa niya ako mapatay.

Katahimikan ang bumalot saamin. Hindi ko alam anong io-open kong topic lalo na't naalala ko nanamang ang may-mas-kwenta-saakin-si-Heena words  ni Minghao kagabi. Sa pogi ko ba namang ito, may mas kwenta sakin yung klawn na yon? Budburan ko kaya siya ng asin? Psh.

"Hyung, sorry." sabat ni Hao sa gitna ng pagtotorture ko sa impakta niyang bestfriend kuno. Nginitian ko siya ng malapad tsaka hinawakan yung pisngi niya. "Okay lang, Hao. Basta ba kiss mo ko e." with matching winkue winkue.

Sinamaan niya ako ng tingin na ikinabusangot ko. Inalis ko yung kamay ko sa mga pisngi niya tsaka kunwarig nagtago. "Pangthank you lang sa pagsagip ko sayo --." palusot ko sakaniya na mukhang hindi naman lulusot. 

"Hyung pikit ka, dali!" 

Nagtataka man ako, pi nikit ko pa din yung mata ko. Aba mahirap na! Baka mamaya itapon ako nito sa bintana. 

*Chup*

HALA GAGO! IS DIS REEL!? IS DIS REEL!? Dinilat ko ang mata ko dahil sa labing nararamdaman ko at nanlaki ang mata ko. "MINGHAO! BAKIT KA MAY GANYAN!?" 

//Minghao's pov//

     HAHAHAHAHA! Kanina ko pa tinatawanan si Junhui hyung na kanina pa din pinupunasan yung labi niya. "Sabi mo gusto mo kiss?! Nilagyan ko pa ng lipstick tong si froggy ni Jongin hyung para sayo!" tumatawa kong sabi.

Ang priceless ng mukha niya! Mukha siyang natatae nung nakita niyang nilagay ko sa lalagyan yung palaka. Sa totoo lang, ngayon lang ako tumawa ng ganito na with palo pa sa sahig. Siguro kung matagal ko ng kaibigan tong si hyung, matagal na akong patay sa kakatawa hahahaha!

"Ganon a?! KAME KAME WAVEEEE!"

Napatigil ako sa pagtawa ng tumama ang isang unan sakto sa mukha ko. PILLOW FIGHT! Agad ko itong hinablot tsaka pinagpapalo si hyung. 

"Masakit yon!"

"HAHAHAHA! LT MUKHA MO!"

"LA BALIW!"

"KAMUKHA MO SI GOKU!"

Puro sigawan namin ang maririnig sa kwarto. Para kaming mga batang naglalaro sa gitna ng ulan kaya lang, paluan ng unan. "Ah! Pagod na ako!" sigaw ni Jun hyung tsaka binagsak ang katawan sa kama.

Tumabi naman ako sakanya tsaka humiga din. Tinitignan niya ang mga pictures na nakadikit sa kisame at humagalpak ako sa tawa ng kumunot ang noo niya sa nakangiting si Seokmin hyung. "Hindi ka ba natatakot tuwing natutulog ka? Mukhang kakainin ka ni Seoks e." nagtataka niyang tanong saakin.

"HAHAHAH! Hindi! Sanayan lang yan although hanggang sa panaginip mukha nina Boo ang makikita mo." 

"E kapag mukha ko? Edi maeenjoy mo?" nakangisi nitong pang-aasar saakin na binelatan ko at tinawanan. "Baka mabangungot pa ako." pang-aasar ko din. "A ganon a?!"

Nashookt nalang ako ng bigla niya akong kilitiin sa tagiliran kaya na sipa ko yung *toot* niya. "ARAY KO HAO!" hawak hawak niya yung gitna niya kaya imbis na maawa ako, lalo lang akong natawa.

"Kasalanan mo kasi! Blee!" 

Hinawakan niya yung ulo ko para sana kutusan ako pero narinig namin ang mga boses ng mga lalaking iba ang iniisip. "O o p s. May pagka-malandi!" sigaw ni Boo saamin ni hyung.

Sunod sunod naman ang sigawan nina Soonyoung hyung at pinag-aasa kaming dalawa. "MGA BALIW! Puro lumot na yang utak ninyo!" sabay naming sigaw ni Jun hyung kaya nagkatinginan silang lahat.

"Uyyy~ Pemepeg-ebeg sele."

Jusmiyo. Ang sarap lang nilang pagsusuntukin.


Public Scandal || JunHaoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon