p o r t e e n

83 4 4
                                    

Minghao × Kermit (I think it's Kermit lmao)

Flashback × 3 years ago

1st meet

//wendikwan's pov//

     Hapon na noon at ginaganap ang school festival sa paaralan nina Minghao. Hindi pa siya kasali sa dance club pero kaibigan na niya ang halos lahat ng members dito at ngayon ay nandoon siya sa practice room ng mga to para tumulong kina Hoya ayusin ang sayaw.

Kanina pa siya inis na inis dahil sa isang lalaking dahilan ng pagrerearrange ng position ng dance troupe. Wala pa kasi ito sa di malamang dahilan at hindi siya macontact ng mga kaibigan niya.

"Asan na ba kasi si Junjun Binay!?" sigaw ni Soonyoung sa inis dahil halos mabaliw na siya sa pag-aayos.

Nagtinginan naman ang lahat kay Chan na kanina pa din tinatawagan si Junhui pero umiling lang sya tanda na hindi pa din sinasagot ni Jun ang tawag.

Lahat sila nagpapanic na dahil ilang minuto nalang bago ang performance at alam nilang walang kahit sino ang makakapalit kay Junhui kahit na sa mga bagong recruit sa kadahilanang hindi pa sanay ang mga ito magperform sa harap ng mga estudyante sa school at kalahati lamang ng dance steps ang alam nila.

Pero ang shunga shunga lang ni Zelo kasi nalimutan niyang nandyan si Minghao, ang kasama niyang magtraining noon sa isang agency. "GUYS! ALAM KO NA KUNG SINO ANG PAPALIT!" Sigaw niya kaya tumingin sakanya ang lahat.

Tinignan naman niya si Minghao na masama ang tingin sakaniya dahil parang nasense ng powers niya ang isisuggest ni Zelo. Kapag lang sinabi niyang ako, sasapakin ko siya with matching sipa. Sabi ni Hao sa isip niya.

"Sino?" Halos sabay-sabay na tanong ng lahat except Hao, Zelo and Chan. Mga teh para silang choir lalo na't marami-rami din sila.

"Si Minghao!" Saka niya tinuro ang lalaking dahan-dahang lumalabas. Aba hilig niya talagang tumakas lalo na kapag alam niyang maiipit siya. "Si Hao? E diba di siya marunong?" Nagtatakang tanong naman ni CNU dahil noong time na narerecruit nila si Hao, sinabi nitong hindi siya marunong at chuchu may maidahilan lang.

"La! Anong di marunong? E halos siya nga gumagawa ng choreo para sa mga training namin e." Sagot naman ni Zelo kaya lalong nagigisa si Minghao dahil sa tingin ng mga kaibigan niya na parang ipriprito siya sa mantika.

Napakamot nalang siya sa ulo niya tsaka nagbow habang magkadikit ang dalawang palad. "Mian! May dahilan naman ako e hehehe" medyo pa-shy type niyang depensa sa sarili.

"Mamaya niyo na balatan ng buhay si Minghao! Ngayon, alam mo ba ang steps, HaoHao?" Umaasang tanong ni Gongchan na tinanguan naman agad ni Minghao making them smile widely. "Practice na! FIGHTING!"

>>FF

"Oy, tangina be, ano ba be, buksan mo tong pintuan!" G na g na sigaw ni Eunwoo, isa sa mga kaibigan niyang kasali sa Theather's club.

Tatlong araw na matapos ang school fes at tatlong araw na din siyang nakahiga sa kanyang kama dahil sa nainjured niyang paa. Nang tumalon kasi siya at magtwirl sa ere ay nagkamali ang pagkakaapak niya sa sahig ngunit kahit ganon ay hindi niya ito pinakita at pinagpatuloy ang pagsayaw dahil alam niyang makakasagabal siya at makakaagaw pansin sa mga tsismosa.

He is at pain and no one noticed it. Bakit? Kasi siya si Minghao, ang payatot na magaling magpanggap.

Matapos ang performance, hindi na siya ulit nagpakita kina Chan at lumarga na pauwi. At ngayong umabsent siya, hindi niya din pinaalam sa kahit kanino except Eunwoo, isa sa mga bestfriend niya,para daw may mag-aalaga sakanya. "Tangina naman Woo! Injured ako! Uso kasi susi e no?" Triggered ding sigaw ni Hao sa kaibigan kasi kanina pa ito nagmamadali.

Public Scandal || JunHaoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon