Chapter 8

5.7K 142 12
                                    


Chapter 8










"So uhm... May chocolate fudge dito, may red velvet, cookies and cream, may rocky road, double dutch, white chocolate then may dark din, tapos may vanilla. May langka then ub---"

"Vice, you don't need to mention every ice cream na nadadaanan natin." natatawang putol ni Karylle kay Vice na tila hindi na masabayan pa dahil sa bilis ng pagkaksalita, at ang pagiging balisa nito.

"A-Ano ba gusto mo?" nagkakamot batok na tanong ng binata pointing yung freezer filled with ice cream.

"Let's take that coned ice cream na chocolate yung flavor." sagot ni Karylle pointing the coned ice cream.

"Right! Okie, we'll take two. One for me and one for you."

Agad nila itong binayaran sa cashier, at lumabas na ng department store upang muling maglibot sa mall na kung saan ay naisipan nilang puntahan. Hindi na rin naman maiwasan na may magpa-picture sa kanila at dumugin ng tao, kahit na balot na silang dalawa. Pero at times, ay umiiwas nalang sila sa crowd para medyo controlled ang lahat.

"Mama asked me if free ka daw sa mga susunod na araw, so that you could visit and eat dinner with us sa bahay." pagkwento ni Karylle habang naghahanap ng shop na pupuntahan nila.

"It would be great naman. I'd love to! Well, I'll check my scheds and sasabihin ko nalang sa 'yo whenever I'm free." nakangiting sagot ni Vice na nakasunod naman sa dalaga.

"That's nice. Sasabihin ko nalang kay Mama." saad ni Karylle at saglit na tumingin sa kaibigan to show her smile.

"Pero alam mo bang may free din ngayon?" bulong ni Vice sa dalaga wearing his ngiting manyak, sabay akbay sa dalaga ay marahang pinisil ang braso nito.

"Woah! Totoo? Saan? Let's check it out!" oo, hindi nagets ni Karylle. Ano pa aasahan niyo? Natawa na lamang si Vice sa naging tugon ng kaibigan, kaya't napabitiw siya sa dalaga sabay marahang tinulak pa ito.

"Hilig mo sa libre!" pabaklang sabad ni Vice na tawang tawa parin sa naging sagot ni Karylle.

"Ay? You just told me na may free, tapos yan sasabihin mo?" hindi makapaniwalang si Karylle na nawirduhan sa naging reaksyon ng kasama niya.

"K for Kuripots, it is." mapang-asar na saad ni Vice with hand gestures pa, pagkatapos ay muli siyang natawa. Natawa na rin naman na si Karylle, na napalo pa ang braso ng baklang kasama.

"Totoo? Saan?" pag-gaya ni Vice sa naging sagot ni Karylle, imitating the facial expression pati yung pag-ipit nung boses niya.

"Ano ba?" natatawang si Karylle na patulak na niyuyugyog si Vice para tigilan na siya nito sa pang-aasar... Not minding kung may nakatingin man sa kanila.

"Ene be?" pabebeng pang-gagaya muli ni Vice sa dalaga.

"Ewan ko sa'yo." pagsuko ni Karylle pero tawang tawa pa rin sa kalokohan ng kaibigan.

"Eto naman. Joke lang, joke lang." he said matapos niya nang mag make ng pag snork sa sobrang kakatawa, sabay akbay kay Karylle at halik sa tuktok ng ulo nito.

"Okay lang! Saya mo, eh!" natatawang si Karylle sabay thumbs up pa.










"Basketball?"

Nasa Timezone ngayon ang dalawa dahil narin sa kagustuhan ni Karylle na magpunta rito.

"Oo. Bakit may problema ka ba sa basketball?" taas kilay at mapanuksong tanong ni Karylle kay Vice habang nakasandal sa machine.

Slow Hands l VicerylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon