PROLOGUE

76 11 5
                                    

Prologue

"Baby, huwag ka muna magbo-boyfriend ha? You're too young for that. Aral muna ang i-priority."

"Opo Mom."

-

"Princess!"

"Why Dad?"

"Come here Princess."

"My name is NJ, Dad. Hindi po Princess."

"Whatever, Princess. Come here."

"What is it po?"

"About having a boyfri-"

"Boyfriend? I knew it Dad. You're always telling that EVERYDAY!"

"It's because I don't want you to have a boyfriend at your young age. You're only 16."

"Yes po."

"Basta bawal pa ha? Kahit suitors bawal. Are we clear?"

"Yes dad."

-

"Oh, Hi apo. Kamusta ka na?"

"I'm good po lola. Kayo po? Nasaan po si lolo?"

"Out of the country. Matanda na pero busy pa rin. Nga pala, magkuwento ka naman, ikaw ba'y may nobyo na?"

"Wala po lola."

"Oh e bakit naman?"

"Kasi-"

"Bawal pa kasi ma. Bata pa itong pamangkin ko. Sixteen pa lang kaya ito."

"Hindi ba't kinse anyos lang ako ng ikasal ako sa tatay mo?"

"Ma! Iba po ang noon sa ngayon. Pag-aaral ang priority ng pamangkin kong ito. Oh ayan pala ang papa at mama mo NJ. Kuya! Ate! Si mama gusto na ata mag-boyfriend ang unica hija niyo."

"Aba hindi pa pwede. Bata pa ang Princess ko./Baby pa namin 'yan Ma."

"Opo lola. Bawal pa po ako mag-boyfriend kasi sabi nila mama, papa, at tito."

"'No Boyfriend. No Suitors. Study and Family First!!!'"

Bawal ang boyfriend, bawal ang manliligaw. 'Yan ang laging bukambibig ng aking pamilya. Na kesyo bata pa raw ako, I-priority ko raw ang pag-aaral ko, at mag-focus na lang daw ako sa pamilya namin. Pabor naman sakin 'yon kasi kahit ako ayaw ko rin ang boyfriend. Ang bata ko pa kaya. Hello??? I'm only sweet sixteen. Saka 'yang boyfriend na 'yan problema lang 'yan. Madami akong kilala na namomroblema sa lovelife nila at ayoko ng sumali pa sa kanila. Kaya nga halos magulantang ang mundo ko sa mga oras na ito..

"NJ pinapatawag ka sa akin ng dad mo sa baba," sabi ni manang Dina nang pagbuksan ko siya ng pinto dito sa kwarto ko.

"Sige po manang."

Agad akong sumunod kay manang papunta sa sala kahit hindi pa ako nakakamumog man lang at nakakasuklay dahil halos kakagising ko lang. Nakasuot pa rin ako ng pangtulog. Bakit naman kaya ako pinapababa ni dad? Baka naman ay may binili na naman siya at excited na naman siyang ipakita iyon sa akin.

"Dad?" I saw him sitting at the sofa with mom.

"Oh Princess. Halika," yaya ni papa habang humihigop ng kape sa hawak niyang mug. Tumayo naman si mama at nilapitan ako.

"NJ anak, hindi ka man lang nagsuklay nakakahiya sa bisita natin." Sinuklay ni mama ang buhok ko gamit ang kamay niya.

"Bisita po?" Doon ko lang napansin ang lalaking nakaupo sa harap ni dad. Hindi ko makita ang mukha niya dahil medyo nakatagilid siya.

Inakay ako ni mama palapit sa inuupuan nila at doon ko lang nakita ang lalaking oh so handsome to the power of twenty!

Makapal ang kilay, malalim ang mata na may mahahabang pilikmata, matangos ang ilong, at mapula ang labi. Mula sa mukha ay tiningnan ko siya pababa. Black v-neck shirt, gray-colored pants, at vans. Simple pero whoaahh!!! Is he a model? Binalik ko agad ang tingin ko sa kanyang mukha at Ow Em talaga! Ang gwapo!

Wala sa sariling napasuklay ako sa aking buhok gamit ang aking kamay at nilagay ang mga takas na buhok sa likod ng tainga. Oh geez. Hindi kasi muna nagsusuklay bago lumabas ng kwarto e.

Tumikhim si Dad bago nagsalita, tumayo din ito at lumapit sa akin. "Ken, meet my daughter. Niyana Jaleesa, my one and only princess."

Tumayo naman si Ken mula sa prenteng magkakaupo sa sofa at humarap sa akin.

"And Princess. His name is Ken Zander De Veyra."

Hindi ko mapigilan ang bibig ko na bumuka nang ngumiti siya. Seryoso ba na may gantong nilalang?

Nilahad niya ang kamay niya, at hindi ko alam kung tatanggapin ko ba iyon dahil nahiya ata ang kamay ko sa maganda niyang kamay.

Dad? Mom? Sino 'to? Kapatid ko ba ito sa labas? No! No way. Loyal ang parents ko sa isa't-isa.

"Hi Niyana! Nice meeting you."

Tinapik ako ni mom ng mahina sa braso ko nang mapansing nakatingin lang ako sa lalaking nasa harap ko. Agad kong tinanggap ang kamay niya. Inakala kong magshe-shake hands kami pero nagulat ako ng idampi niya ang labi niya sa kamay ko. Agad kong binawi ang kamay ko sa kanya at inilagay iyon sa likod ko.

Tiningnan ko si Mom at Dad ng may pagtatanong sa aking mukha.

Sino po siya?

Nakita ko namang nagkatinginan sila Mom at Dad na parang nag-uusap gamit ang mga mata.

"Ahh.. ehhh... Princess kasi ano--" Pinutol ni mom ang sasabihin ni Dad.

Tumingin naman ako kay mom.
"NJ, si Ken--" pero mabilis na pinutol naman ni dad ang sasabihin ni mom.

"He is your boyfriend."

Loading...

Loading 99%...

Literal na nanlaki ang mata ko sa sinabi ni dad.

"W-wait. What!?"

What did dad said??? Did I hear it right???

He is my.... boyfriend??!!

WHAT THE HELL IS HAPPENING??!!

Unconsciously Officially On Where stories live. Discover now