Officially 2

56 11 1
                                    

Chapter Two
Mr. Bean

Niyana

Mabilis na natapos ang klase namin ngayong umaga at pilit ko namang inalis sa isip ko ang lalaking nakaupo sa likod ko.

Hindi ko talaga maisip kung anong kalokohan ang nasa isip ng mga parents ko dahil hindi ko talaga alam kung bakit bigla na lamang silang may ipakikilala sa aking lalaki na boyfriend ko RAW! Halos araw-araw nga nilang pinapaalalahanan ako na huwag daw muna mag-boyfriend, tapos heto magigising na lang ako isang araw na may ipapakilala sila sa akin na boyfriend ko RAW!
Akala ko ba ayaw nila ako magboyfriend? Ano 'yon? Nagbago bigla ang isip nila at naisipan ako na ikuha ng boyfriend? Bakit? At para saan?

Arghh! Hindi ko masabayan ang daloy ng isip nila.

Pinuri-puri ko pa naman ang lalaking yun to the power of 20, at halos malaglag ang panga ko down to the floor dahil sa dating niya tapos heto ako ngayon sobrang naiinis na kapag nakikita siya.

"Hey. Sabi ko saan ka nagla-lunch?" Napatunghay ako nang may marinig na magsalita.

Ah. Si... Ano nga palang pangalan ng nakakainis na 'to?

"NJ, si Ken--"

"He is your boy

Enough! Oo na alam ko na. He's Ken.

Hindi ko siya pinansin at lalapit sana sa upuan nila Alex pero wala na sila doon. At doon ko lang napansin na kami na lang pala ang nandito sa classroom.

Ayss. Asan kayo mga bruha? You left me? Seriously?

"Kinakausap kita kanina pa, Niyana. Just to inform you kung di mo napapansin."

Pero tulad kanina, hindi ko siya pinansin. Umakto ako na walang naririnig. Kinuha ko ang wallet at cellphone ko sa bag at akmang lalabas na ng harangin niya ako.

"Stop ignoring me. I'm talking to you," seryoso niyang sabi. "Akala mo naman gusto ko itong ginagawa ko. Tss. Kung di lang ako napag-utusan.." Hindi ko naintindihan ang mga huling sinabi niya dahil pabulong niya lamang sinabi iyon.

"Excuse me? I don't--"

"Tss." Naputol ang sasabihin ko dahil mabilis siyang umalis at naglakad palabas hanggang sa naglaho na siya sa paningin ko.

"Tss!! Tss!! Tss your face!!!" Padabog akong naglakad palabas ng classroom. Bakit ba naiinis ako sa kanya? E kasi nga nakakainis talaga siya!

"NJ!" Nilingon ko ang tumawag sa pangalan ko at nakita ko sina Eli at Alex na palapit sa akin.

"Iniwan niyo talaga ako?! Saan kayo galing?"

"Easy.. Nag-cr lang kami."

"Bakit hindi niyo pa ako sinama? Tsk. Bwiset!" Pabulong kong sinabi ang huling salita.

"O bakit? Tsk ka diyan. Kunot na kunot 'yang noo mo. Nag-cr lang kami. Wag kang madaming arte. Tara na nga." Hinila na ako ni Alex.

"Wait.. Saan tayo pupunta?"

"Duh. Lunch time po Miss Niyana Jaleesa. Where do you think we're going?" sabi naman ni Eli.

"Bakit? Saan mo ba gustong kumain?" tanong ni Alex. "Teka, gusto mo bang tumanda na? Alisin mo nga ang kunot ng noo mo. Ano bang nangyari?"

'Eto na naman si Alex...

Pinilit kong alisin ang pagkunot ng noo ko saka nagpaumunang maglakad.

Unconsciously Officially On Where stories live. Discover now