°°°°°°°°°°
Chapter Four
Drive AwayNiyana
"NJ! Miss NJ!"
"Hmmm..." nagising ako dahil sa sunod-sunod na katok sa aking kwarto. Nanatili akong nakapikit at nagtaklob ng kumot sa aking ulo.
"NJ, gumising ka na daw sabi ng mommy mo." Rinig kong sabi ni Manang Dina sa labas ng kwarto ko.
"Mmmm... 5 minutes manang!"
"Pero sabi ng mommy mo bumangon ka na daw."
"3 minutes!"
"NJ! Gu--"
"Eto na po!!!" Bumangon ako nang nakapikit pa rin dahil parang sobrang bigat ng talukap ng mata ko. Napakamot pa ako sa aking ulo saka dumiretso sa banyo.
Matapos kong maligo at magbihis ay dumiretso na ako sa baba para magbreakfast. "Mom?"
"Buti naman at nakaayos ka na. Someone is waiting for you outside." Mom said while eating a peanut butter sandwich.
"Sino po? And where's dad?"
"Nasa labas din NJ." Hindi man sinagot ni mommy ang unang tanong ko ay hindi ko na lang pinansin dahil nagugutom na ako. Umupo ako sa tapat ni mommy pero pinigilan niya ako.
"NJ, sa labas ka na kumain." Nangunot ang noo ko pero dahil sobrang gutom na ako ay sumubo na ako ng tinapay na nadampot ko. "Your boyfriend is waiting for you outside."
Literal na nabulunan ako sa sinabi ni mommy, kaya she handed me a glass of water.
Boyfriend? Uh, right. Si Mr. Bean. -_-
Walang gana akong tumayo at inayos ang palda ko.
Bakit niya ako hinihintay? Susunduin niya ako? Bakit? Pabor ba siya sa kalokohan ng parents ko? Gusto niya bang mag-enjoy sa fake na relasyon na to?
"NJ." Nilingon ko si Mom. "Alam kong naguguluhan ka sa ginagawa naming ito. We said that we will explain everything to you, but we did not. It's for your own sake. Trust me.. us."
Napatango na lang ako sa sinabi ni mom. Whatever. Bahala na. Oo na lang.
"Pasok na ako mom. Pahatid na ako kay Dad." Humalik ako sa pisngi ni mom at tamad na tamad na naglakad palabas ng bahay.
Naabutan ko sa labas si Dad, si Tito Chard, at si.... Mr. Bean. Lumapit ako kay dad at tito. "Good morning dad. Morning tito." Humalik ako sa mga pisngi nila.
"Morning NJ. Kanina ka pa hinihintay nitong nobyo mo ah. Bagay kayo, yieehh." Literal na napanganga ako ng bahagya dahil kay tito. Pati ba naman siya??? Ano bang nangyayari?
Lumingon ako kay Ken, at nakangiti na naman siya. Na akala mo ay napakabait, dakilang bwisit naman!
"Ti--"
"Princess, it's already 7:30. You should go to school now." Pagsingit ni dad, at dahil naiinis na naman ako ay pakiramdam ko ay magsusungit ako.
"Then bring me to school dad."
"No. You'll go with Ken." Nangunot ang noo ko, sa sinabi ni dad at tiningnan si dad. "Don't look at me like that."
Inalis ko ang tingin ko kay Dad kaya napabaling iyon kay Ken. Tinaas baba niya ang kilay niya, at promise mukha siyang tanga.
"Bakit naman ako sasabay sa lalaking yan?" Mahinang sabi ko. "Tito paalis ka na ba? Sabay po ako sayo. Hatid mo ko sa school please. Ayaw ata ako ihatid ni Dad e."
YOU ARE READING
Unconsciously Officially On
Roman pour AdolescentsNO SUITORS... NO BOYFRIEND... STUDY AND FAMILY FIRST... That was the non-stop reminder of my parents and uncle. But what if one day, the words coming from their mouth suddenly change? "NJ... HE IS YOUR BOYFRIEND." .