Officially 3

63 11 2
                                    

Chapter Three
Strike

Niyana

"NJ! Bring back your senses!"

"Ayusin mo naman!"

"NJ! Ilang ulit ba ang kailangan!?"

"One more time, NJ!!!"

Napasapo ako sa aking mukha dahil ilang beses na naman akong nasisigawan ni Jenny. Arrgggh! Ayusin mo na NJ!

Sinubukan kong mag-focus sa pagsasayaw para hindi na rin makagulo sa practice namin. Atsaka inaasahan rin ni Jenny na hindi na ako mawawala sa sarili katulad kahapon.

Matapos ang pagpapractice namin ay minadali ko na ang pag-aayos ng gamit. Para makapunta na rin ako sa classroom. Lalo lang ata akong nastress dahil sa pag-uusap namin kahapon nila daddy.

Nang makarating ako sa classroom ay pabagsak akong naupo sa aking upuan. Pakiramdam ko ay napagod ako ng sobra sa practice namin hindi katulad dati na pinagpapawisan lang ako.

Tumungo ako para ipatong ang aking ulo sa mga braso kong nakapatong sa lamesa. Ipinikit ko ang aking mga mata at pinakiramdaman ang katahimikan pero hindi iyon nagtagal dahil narinig ko ang malakas na boses ni Eli.

"Ayun!!! Ganoon? Nang-iiwan? Nasaan ang aming tunay na kaibigan?" Hindi ko siya pinansin. Nakalimutin ko pala silang hintayin kanina sa pagpunta dito.

"Oy prinsesa! Prinsesa na nakaupo sa tasa! Ay, upuan pala!" Napadiin ang pagpikit ko sa aking mata dahil sa pagtawag niya sa akin ng prinsesa. She's calling me 'prinsesa' because of dad. And it's annoying.

Tumunghay ako para sabihin sa kanya na 'NJ' ang pangalan ko at hindi ang korning 'prinsesa' na yan, pero hindi ko na nasabi nang ang tahimik na classroom kanina ay mapuno na ngayon ng mga tilian.

'Kyahhhh! Swerte ni girl! Nakakainis!!!'

'Huhuhu, tisudin mo ko bes bilis.'

'Fafa Zander! Kailangan ko rin ng panyo mo!'

What are they talking about? Kung umirit at magsisigaw, parang hindi sa exclusive school pumapasok. Paano ba sila nakapasok dito? I taught this school is for well-mannered students with high academic grades? Wala ngang mga bully, may mga babae naman na kung makairit e parang nakakita ng mga zombie'ng nagtransform into beautiful creatures.

"Anong meron? Let's take a look Alex." Hinila ni Eli si Alex papunta sa labas para tignan kung anong meron.

Tinamad naman akong tumayo dahil sa pagod kaya naghanap ako ng mapagtatanungan. Curious din naman ako. Halos lahat ng babae ay sumisilip sa labas kaya no choice ako kundi tanungin ang kaklase kong lalaki kahit pa umiiwas ako sa mga lalaki.

"Matt." Tawag ko sa kanya. Nakita ko naman na nagulat siya dahil sa pagtawag ko sa kanya.

"A-ako?"

Palihim akong napairap bago tumango sa kanya. Lumapit siya sa akin at nakita ko namang namula ang tenga niya. "B-bakit NJ?"

"What's happening outside?"

"H-ha?"

"Uulitin ko pa?" mataray kong tanong sa kanya kaya natigilan siya.

Saglit pa niyang tinanaw ang labas bago sagutin ang aking tanong.

"Ah, yun ba? Yung transfer kasi na lalaki, tinulungan tumayo si Clea dahil natisod. Bumagsak sa lupa, kaya medyo naputikan. Ayun pinahiram ni Ken ng panyo." Si Clea ay 'yung seatmate ko na nerd. Yung kaklase ko na napagbuntunan ko ng inis kahapon. Hinintay ko pa ang sasabihin niya pero mukhang yun na yung dahilan kung bakit nag-ingay ang mga kaklase kong babae.

Unconsciously Officially On Where stories live. Discover now