Chapter One
TransfereeNiyana
"Jenny! Break muna!" sigaw ni Alex sa kalagitnaan ng pagpa-practice namin ng sayaw. "5 minutes lang! Okay thank you. You're too kind Jenny!"
"Wait! Hindi pa ako pumapayag!" sabi ng dance group leader namin kay Alex na hila-hila na ako papunta sa isang sulok.
"5 minutes lang!" sabi pa ni Alex.
Tumingin ako sa wall clock na nakasabit sa loob ng practice room. Exactly seven a.m. pa lang at thirty minutes pa kaming magpa-practice.
"Ayysss! 5 minutes lang ah!" Wala nang nagawa si Jenny nang mag-alisan na sa gitna ang mga kasamahan namin.
"Anong problema mo? Wala ka sa sarili. Nagiging kaliwa na ba 'yong kanang paa mo?" tawag-pansin sa akin ni Alex.
"Ha? What are you saying?" kunot-noong tanong ko sa kanya.
"Kanina ka pa sinisigawan ni Jenny ah. Ang sama-sama na nga ng tingin sa'yo. Bakit ba kasi wala ka sa sarili?"
"A-ako?"
"No. Not you. Baka si Eli." Tinuro niya ang pang kaibigan namin.
"Oh? Narinig ko ata ang pangalan ko? Gandang-ganda ka na naman ba sa akin, Alex?" Lumapit siya sa amin habang nagpupunas ng kanyang pawis.
"Tss. Narcissistic..." tanging nasabi ni Alex.
"Joke lang. Ano bang meron?" natatawang tanong niya sa amin.
"NJ ano nga bang meron? Bakit nga wala ka sa sarili?"
Naghanap ako ng maisasagot sa kanila pero parang wala atang mahukay ang dila ko. Nakakawindang naman kasi 'yong nangyari kahapon. Ha! Wow lang. As in, wow!
"Don't tell us... buntis ka!?! Oh my ghad!!!"
Nanlaki ang mata ko at nag-panic kung paano ko tatakpan ang bibig ni Eli dahil napatingin lahat ng kasamahan namin sa amin dahil sa lakas ng boses ni Eli.
"Hindi! Hindi no!" sagot ko sa kanya.
Napapatingin pa rin ako sa paligid dahil sa mga matang nakatingin sa akin. Nakakahiya 'to, Eli!!! Waaahhh. Having a friend like you is like... waahh I don't know what to say!
"Ginagaya lang ni Eli 'yong line sa pinanood niyang tv series. Pwede niyo ng alisin ang mga mata niyo kay NJ," sabi ni Alex sa kanilang lahat. Thanks to Alex hindi na sila nakatingin sa akin. "Shut your mouth Eli. But wait, hey NJ. Are you really pregnant?" Pabulong na tanong niya sa akin. Magkakalapit na ang ulo naming tatlo sa pag-uusap.
Napasapo ako sa aking noo dahil sa kanila. Inagaw ko rin ang tubig na hawak ni Alex at ininom iyon.
"Pwede ba? I . Am . Not . Pregnant." Pinagdiinan ko ang mga salitang iyon sa kanila pagkatapos kong ubusin ang tubig ni Alex. Napairap na din ako.
"So bakit nga wala ka sa sarili?" tanong muli ni Alex.
Napaiwas ako ng tingin. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanila. Hindi naman sa magagalit sila kapag sinabi ko pero alam kasi nila na bawal akong mag-boyfriend. I'm pretty sure that after telling them that I already have a boy--- boyfriend, they will ask me a million of questions. And I don't know how to explain them everything dahil kahit ako ay hindi ko rin alam ang nangyayari.
"Hey! Ano na?" Niyugyog ako sa balikat ni Eli.
"Ano kasi..."
"Ano?"
YOU ARE READING
Unconsciously Officially On
Ficção AdolescenteNO SUITORS... NO BOYFRIEND... STUDY AND FAMILY FIRST... That was the non-stop reminder of my parents and uncle. But what if one day, the words coming from their mouth suddenly change? "NJ... HE IS YOUR BOYFRIEND." .