JAM's POV
Grabe! Ilang araw na lang defense na. Buti na lang at nakipag cooperate yung mga groupmates ko. Tsk. Kundi yari na! T.T
Wew! Friday ngayon. Ano kaya magandang gawin. Umuwi na kasi yung ibang tropa ko e. Wala namang matambayan. Aish! Ah. Alam ko na! Matawagan nga sya.
Calling Jeca...
Hello, Jeca!
Oh, Jam! Bakit?
Asan ka? Patambay naman sa inyo. Ayoko pa umuwi e.
Andito sa bahay. Ge punta ka na lang. Dala ka FT ah. Walang pagkain dito e.
Uy grabe naman yun! O sige sige! Papunta na ko.
End of call.
Yon! Sa wakas may mapupuntahan na ko. Ayoko pa kasi umuwi masyado pang maaga e. Kaya tatambay muna ko.
After 20 minutes.. nakarating na ko kela Jeca. As usual! Kwentuhang walang katapusan. Jeca's been my best friend since 2nd year college kami. Same school, same course, same block til she transferred to another school.
FAST FORWARDED..
10:00 na. Kelangan ko nang umuwi. Masyadong napasarap yung kwentuhan namin. Namiss ko naman talaga sya. Simula kasi nung lumipat sya ng school madalang na kami mag kita.
*tootooot toootooot* ringtone daw yan eh. haha!
One messaged received
FROM: SHEENA
Jam! May try out daw bukas! 9 am sa gym. punta ka na puhlease para may kasama ko. T.T
Grabe ah. Kelangan pag magtatry out kasama pa ko? Chaperone? Amp toh.
Edi syempre dahil unli naman ako nireplyan ko sya.
.
.
.
TO: SHEENA
Samahan ko na lang ikaw. Manonood na lang ako. Ayoko mag try out.
Message Sent.
Hmmm. Try out bukas? Haha! Manonood na lang ako. Titignan ko kung sino mga magta try out. At finally, makikilala ko na rin kung sino yung bagong coach. :))
Mukha lang akong tanga na tumatawa habang naglalakad pauwi. Hahaha! Di ko alam bat ako natatawa e. Siguro kasi iniisip ko kung sino yung mga magta try out bukas. Sino nga ba sa school namin ang may kapasidad na maging player? Haha!
Luh. Di rin ako mayabang eh noh. Hanggang sa makarating ako sa bahay nang nakangiti pa rin. Pagkapasok ko, kumiss na ko kay mama na nasa kusina at pumunta na sa kwarto ko. Wew! Napagod ako kaya matutulog ako ng maaga at dahil bukas manonood ako ng try out.
Goodnight.