CHAPTER 4: THE NEW COACH.

53 1 0
                                    

HAHA! may POV na si Harvey. Hahaha! Ayan na ipapakilala ko na sya! :))

=======================================

HARVEY's POV

*YAWN

Hay. Sarap matulog. Anong oras na ba? Uy grabe. 8:09 na pala! Masyado ata napasarap tulog ko di ko na narinig yung alarm ko. Kelangan ko na mag ayos. 9 am ang training ngayon. Syempre di naman ako pwede magpalate. Kahiya sa kanila.

Oo nga pala. Magpapakilala muna ko sainyo. Baka sabihin nio snob ako e. Ako nga pala si Harvey Flores Saavedra, 25 years old, I graduated with a degree of Bachelor of Education Major in English. And now I am working as a professor. At mamaya lang magsisimula na ang career ko bilang isang coach. It's not actually my first time to handle a team. May mga nahawakan na rin ako before but this time it's different. Teka. Mag aayos muna ko at baka malate pa ko.

Lahat na ng morning routines ko natapos ko in 20 minutes. Bilis ba? Kelangan e. Yoko nga magpalate. Coach ako tas late ako. Tsss.

8:30 na sa relo ko. 8:45 nasa school na ko. May mga bata na kaya dun? Hmm. So kinuha ko na yung susi ng kotse ko. Eh syempre sumakay ako at pinaandar ko. Ano yun hanggang kuha lang? Osya! Magmamaneho muna ko.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

After 15 mins...

Nakarating na ko sa school. Pinark ko na ang kotse ko, kinuha mga gamit ko at umakyat na sa gym. Pag dating ko sa gym may mga bata na. Hanggan sa dumadmi na sila. Mukhang magiging masaya toh. Alas nuebe na. Magsisimula na kami.

"Good morning. Sa mga hindi pa nakakakilala sakin, ako nga pala si Sir Harvey. English prof. Ako ang magiging coach niyo." bati ko sakanila.

"Good morning po coach!" parang classroom lang eh noh.

"Oh sige. Magsisimula na tayo. Jogging 10 rounds then stretching. Ahm, ikaw? anong pangalan mo?" Tanong ko sa dun sa babae.

"Ahm, Giana po." sagot naman sya syempre tinatanong sya e.

"Sige ikaw na mag lead sa kanila." utos ko sakanya. Nakita ko kasi sya naglalaro kanina at mukang player na talaga.

"Yes coach." at nagsimula na sila mag jog.

Habang pinapanood ko sila, nag oobserve ako. Malamang. Kinikilatis ko kung sino sa kanila ang may potensyal at tatagal. Biglang kumunot ang noo ko sa mga nakita ko. Jogging pa lang makikita mo na kung sino ang maarte at mareklamo pati kung sino yung nagpunta lang para magpapansin sa ibang try out. Pero syempre may iilan din na player image. Mas lamang nga lang yung mga tae tae.

Pagkatapos ng stretching at ball handling, pinapila ko sila. apat na grupo. Basics muna. Dig pass. Lalong kumunot yung noo ko dahil lahat ng dig nila pauwi. Simpleng dig pass hirap na hirap? Grabe lang. Tsk.

"I-bend mo kasi yang mga tuhod mo saka mo tignan kung san pupunta yung bola hindi yung kung kelan nasa harap mo na chaka ka lang bababa!" sabi ko sa isang try out. Para kasing tuod na nakatayo lang.

Mukhang isang malaking challenge toh sakin. Pero syempre bilang coach hindi naman pwedeng ipakita kong nauurat ako. Chill lang tayo syempre. At wala sa bokabularyo ko ang salitang suko.

"Pinapahirapan ako ng mga toh." sabi ko sarili ko na napahawak na sa muka ko.  Napalingon ako sa likod ko, may nanonood pala.

At natapos na lahat ng drills na pinagawa ko kaya naisip ko na paglaruin sila. Una kong pinaglaro ang mga babae. As expected, larong pambaranggayan. Sagutan ng dig pass. After ng girls, boys na malamang diba. Naglaro din ako. Nag iinit na rin ako mag laro e. Medyo okay naman pala yung boys. May mga marunong pumalo at mag set.

Pagkatapos ng 3 sets pinag cool down ko na sila. Yung iba ayaw pa daw umuwi kaya nag aya pa maglaro. Pumayag naman ako. Maaga pa naman. Puro mga lalaki yung mga naiwan. Ano naman ieexpect nio sa mga babae diba.

"Uy Jam! Tara laro ka kulang kami!" Sigaw nung assistant coach ko. At nakita ko papalapit yung babae. Studyante din ata pero hindi sya nakapang training. Ah oo, sya yung nakita ko kanina na nanonood. Hmmm.

Oo nga pala, di ko nga pala nabanggit na may assistant coach ako. Big time e. Siya nga pala si Coach Joseph. Jo for short. Graduate sya ng school na pinapasukan ko at player din sya.

=====

Oops hanggang dito na lang po muna :))

I fell in love with my coach.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon