CHAPTER 5: THE INTRODUCTION.

69 3 2
                                    

JAM's POV

Nainip ako manood sakanila kaya naisipan kong bumaba muna para bumili ng pagkain. Nakakagutom kaya tumawa ng tumawa. hahaha! Puro drills pa lang naman sila e.

Pumunta ko sa tambayan namin sa harap ng school. Para syang canteen pero maliit. Tama lang para tambayan ng mga studyante. Dito pumupunta yung mga nagyoyosing studyante kasi syempre alanganamang sa loob ng campus sila mag item break diba. Common sense.

Pagpasok ng pick-a-chew, wala masyadong tao. Kasi nga po sabado nga! Amp. So umorder ako ng all time favorite ko ng pancit canton, sweet and spicy at cheese burger. Hahaha! Combo meal yan. After 30 mins ng pagkain at pagtambay nainip nanaman ako kaya naisipan ko namang bumalik sa gym. Tutal yun lang naman ang pwede ko mapuntahan e. Wala din naman ang tropa, wala rin akong kasama.

Sakto namang papaakyat ako nang makasalubong ko yung mga babaeng try out. Ay. Tapos na sila?? Sayang naman. At nakita ko din naman si Sheena.

"Tapos na kayo?"

"Hindi pa! Pasimula pa lang, pababa na kami diba malamang pasimula pa lang!" ay ang taray ni ati. haha! binatukan ko nga!

"Aray naman! makabatok?!"

"ay hindi makasampal! binatukan kita diba kaya makasampal!" kala nia ah. Muahahahaha!

"Tinatanong kasi ng maayos e malay ko ba kung lilipat lang kayo. Buang!" di ko na sya hinintay makasagot at pinagpatuloy ko na ang pag akyat sa hagdan. Hayop na yan! Pagod na ko!

Last 5 steps.

.

.

.

.

4

.

.

.

.

.

3

.

.

.

.

.

2.

.

.

.

.

1

.

.

.

.

"Uy Jam! Tara laro ka kulang kami!" ayun o! kakakyat ko lang naaya ako agd ako o. Si Otep nga pala yan. Short for Joseph. Kaibigan ko, no actually kaasaran ko. Dito rin sya sa school na toh pero graduate na sya last year pa. Kilala din sya sa skul kasi magaling din pag dating sa volleyball.

"Luh. Kakaakyat ko lang e." sagot ko. pero ang totoo gusto ko din maglaro. haha! Kaso hindi ako nakapang laro at wala akong pampalit. Pero dahil sabik ako sa bola, keribumbum na yan.

Naglakad na ko palapit sa court tas tinanggal ko yung relo at nilapag ko yung phone ko sa may table. Syempre pinabantay ko tutal knows ko naman yung nakaupo sa may table. Hahaha! 

"Coach! Eto pala yung sinasabi ko sayo." sabay turo sakin ni Otep.

"Ah talaga?" sagot nung coach

"Kaso graduating e."

"Ah sayang naman." at for the first time nagkangitian kami. Kaso ang tipid ngumiti ng mokong. Dedma!

Ayon. So naglaro nga kami. Puro kami boys. Este ako lang pala yung babae. Hahaha! Puro tawanan nga e. Okay naman maglaro yung si Coach. Dunno the name e basta alam ko sya si Coach. Haahaha! Etong si Otep the great di rin naman ako pinakilala sa pangalan ko. Hahaha!

HARVEY's POV

"Coach! Eto pala yung sinasabi ko sayo." Sabay turo dun sa babaeng papalapit.

"Ah talaga?" nabanggit kasi sakin ni Coach Jo kanina na yung babaeng nakaupo e player na dati pa. Kaso pagtingin ko naman wala ng tao. Saka ko lang naalala na sya nga pala yung nanonood kanina.

"Kaso graduating e." pahabol nya.

"Ah sayang naman." tiningnan ko sya at nginitian pero yung sakto lang. Nangiti din naman sya. Sayang kung pwede pa sana sya maglaro e kaso graduating.

Nagsimula na kami maglaro at kakampi ko sya. Marunong naman sya. Hirap lang gumalaw kasi nga di sya nakapang laro. May alam din sya pag palo at over head ang service. Hmm. Pwede sya sa team. Sakto lang yung height nia para sa isang player. Pero makakapag laro pa ba sya ganong graduating na sya. Hmmm.

Natapos na kaming mag laro at nag kaayaan nang umuwi. Syempre napagod din kami. Ano gusto niyo laro forever? Pahing pahinga din. Kaya naman nag palit na ko ng damit kasi pawis na pawis na ko at marumi na rin yung damit ko. Ayoko magmukang dugyot noh. Gwapo ko tapos muka lang akong dugyot? Di oi!

Pero bago ko umuwi dumaan muna ko sa sports office para kausapin yung head at magreport about sa naging training kanina. Papasok na sana ko nang makasalubong ko si Sir Sicat.

"Oh coach! Ano balita sa try out nio?" Sabay tapik sa balikat ko.

"Ah okay naman po. Marami naman po ang nagpunta." sagot ko.

"Oh eto si Coach. Kausapin mo na lang sya kung gusto mo magtraining. Pwede ka naman maglaro tutal pasok ka pa sa age limit. Yun nga lang dapat enrolled ka." humarap sya dun sa babaeng naglaro kanina. Gusto nia magtraining ata kaya kinausap si Sir Sicat.

"Eh mag aaral ako ulit nun?Sige sir ayos lang sakin kung may scholarship." sabi nung babae.

"Ah oo meron naman e. Coach Harvey si Jam nga pala. Player na yan dito dati nung may team pa tong school." pagpapakilala nia dun sa babae. So, Jam pala ang pangalan nia.

"O pano Coach mauna na ko. Jam sya na lang kausapin mo." paalam ni Sir Sicat.

"Sige po Sir." sabay naming sabi at nagwave pa si Jam.

"Eh coach, pwede po ba ko magtraining sainio?" tanong nia sakin na parag mejo nahihiya pa.

"Oh sige sa Tuesday may ensayo ulit. Same time, punta ka na lang." sabi ko naman sakanya.

"Ay hala, may pasok po ako nun eh. Sa sabado na lang po okay lang?"

"Ah oo sige. Sa sabado na lang kung may pasok ka."

"Sige po." Ngumiti sya at saka nag paalam.

At ako naman, pumunta na sa parking lot. Syempre nandun kotsse ko diba at uuwi na ko. 

====

Hahaha! Magkakilala na sila! Oh no! :)))

I fell in love with my coach.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon