PROLOGO

3.1K 24 0
                                    

"Marry me." Nakakaloko ang ngisi ni Liam habang hinihintay ang sasabihin ni Valentine. Habang ang huli ay nanlalaki ang mga matang nakatingin sa kaniya.

Hindi niya ito masisisi kung gano'n na lamang ang reaks'yon nito. Kakikilala pa lamang kasi nila nitong nakaraang araw at heto siya ngayon, inaaya na itong magpakasal.

Wala nang ligaw-ligaw, kasal agad ang hinihingi niya rito. Desperate as it may sound, but who cares? He did a research about this woman beforehand though. And based on the data he's gathered, she's the one he needed and so she is. Maggagamitan silang dalawa kaya patas lang.

Nasa restaurant sila ngayon at kasalukuyang kumakain.

"Gan'yan ka ba talaga kabilis?" Ilang saglit lang ay nakabawi na sa pagkabigla si Valen. Maingat nitong pinunasan ng tissue ang bibig pagkatapos uminom ng tubig. Buti na lang 'di ito nasamid kanina.

Napangisi na naman tuloy si Liam. "Well, dapat lang siguro." Nagkibit siya ng balikat. "I'm already 32, I'm not getting any younger. At isa pa, naiinip na sa akin ang mga kaibigan ko. Ako na lang daw ang walang asawa sa amin."

"Masyado ka naman yatang mabilis, Liam. Kakikilala pa lang natin, o baka naman jino-joke time mo lang ako?" Tumaas ang isang kilay ni Valen.

"Ba't naman ako magbibiro? Unless you find marriage a joke?"

"No, of course not. Ang akin lang, parang sobrang bilis naman. Bigyan mo muna ako ng kahit kaunting panahon para makapag-isip." Pagpapakipot ng dalaga.

"That's my style, you may take it or leave it." Pinal na sabi ni Liam habang nilalaro ng tinidor ang steak na in-order niya. Ang totoo n'yan, 'di naman talaga siya gutom. Kumain na kasi siya sa mansion niya bago pumunta rito.

"Tell me you love me first." Alanganing sabi ni Valen na siyang nagpahagalpak ng tawa kay Liam. Binato tuloy siya ng tissue ng dalaga. Pagkatapos ay dali-dali itong tumayo sa pagkakaupo. "D'yan ka na nga! Bwisit!" Saka ito nagmartsa palabas ng resto.

"Wait, Valen!" Hinabol niya ang dalaga pagkalapag ng 2,000 peso bill sa mesa.

Hinawakan niya ito sa braso.

"Ano ba? Wala akong planong makipagbiruan sa'yo kaya pwede ba?" Pinagpag nito ang kamay niya at nagpatuloy sa paglalakad. Napasunod na lang siya rito.

"Okay, I'm sorry. And I'm not joking about me wanting to marry you."

Huminto ang dalaga at hinarap siya.

"You don't love me."

Pinigilan niya ang matawa ulit sa sinabi nito. Tumikhim na lang muna siya saka humugo't bumuga ng hangin.

"Don't tell me you love me already?"

"Oo." Walang gatol na sagot agad ni Valen.

"At gusto mong maniwala ako sa'yo? Never, Valen, my dear. Never."

"Kung gano'n naman pala, eh, bakit mo ako papakasalan? What do you want from me? Sindikato ka ba? May balak ka sigurong ibenta ako katulad ng mga nababasa kong nobela."

Napailing na lang siya sa paratang nito.

"I won't. Pero kung gusto mo, ako na mismo ang bibili sa'yo. Just name your price. 'Di ba 'yon naman ang gusto mo? Pera?"

Parang nainsulto si Valen sa sinabi ni Liam.

"Kingina mo, iyo na pera mo! 'Di ako bayaran! Akala ko pa naman iba ka, pare-pareho lang kayo."

"You know what? Maybe if I didn't make a background check, baka napaniwala mo na ako sa galing mong umarte."

"A-anong ibig mong sabihin?"

"In other words, I know you're a social climber so stop pretending like you're a decent woman."

Slap!

Isang malutong na sampal ang dumapo sa pisngi ni Liam. Namanhid yata ang mukha niya sa lakas no'n. Pucha!

"Oh sige na, ako na ang social climber! Mukhang pera o kung ano pa man! Pero ibang usapan na kung pati dignidad ko yuyurakan mo! You just know me, not my whole story. So don't you fucking degrade me!" Namumula sa galit na singhal ni Valen.

Hindi niya inaasahan na magagalit ito nang gano'n. Oh well, baka naman parte rin 'yon ng pagkukunwari ng dalaga. Kibit niya. Kung 'di niya lang ito kailangan nunka niya itong pag-aaksayahan ng oras.

"Okay, I'm sorry for being rude. Just answer me, Valen. This is a one in a million chance."

Natigilan si Valen. Tama nga naman si Liam. Hindi araw-araw may darating na Liam Eduardo para mang-alok ng kasal.

Kinagat ni Valen ang pang-ibabang labi. Humupa nang bahagya ang inis na nararamdaman ng dalaga. Nakasalalay ang katuparan ng mga pangarap nito kay Liam.

This is now or never.

Without second thought, sumagot si Valen ng oo.

Married to a BusinessmanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon